Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2014 Abril 27
- Alitang armado at mga pag-atake
- Hinatulan ng hukuman ng Ehipto ang 11 taga-suporta ni dating Pangulong Mohamed Morsi ng pagkakabilanggo mula 5 hanggang 88 taon para sa panggugulo.(BBC)
- Sining at kultura
- Kanonisasyon nina Papa Juan XXIII at Papa Juan Pablo II
- Idineklarang mga santo ni Papa Francisco sina Juan XXIII at Juan Pablo II sa unang pagtatanghal ng santo mula noong 1954.(Time), (CNN)
- Sakuna at aksidente
- Walong katao ang nasawi sa isang sunog sa isang pasilidad ng medisina sa silangang bahagi ng Altai sa Rusya.(BBC)
- Mga Buhawi sa Estados Unidos
- Dalawang katao ang nasawi matapos lumapag ang buhawi sa Quapaw, Oklahoma sa Estados Unidos.(ABC News)
- Tumama ang isang buhawi sa bayan ng Vilonia at Mayflower sa estado ng Arkansas kung saan naiulat na may mga nasawi.(Reuters via ABC News Australia)
- Kalusugan
- Iniulat ng Saudi Arabia ang walo pang kataong nasawi at 16 na may karamdamang may kaugnayan sa pinakabagong kumakalat na sakit sa baga.(AP via Yahoo News)
- Pulitika at eleksyon
- Paglubog ng MV Sewol
- Ipinahayag ni Jung Hong-won ang Punong Ministro ng Timog Korea ang kanyang agarang pagbibitiw dahil sa patuloy na pagdami ng pagpuna sa mga tugon kaugnay ng paglubog ng MV Sewol.(Al-Jazeera)