Kanonisasyon nina Papa Juan XXIII at Papa Juan Pablo II

Papa Juan XXIII (25 Nobyembre 1881 – 3 Hunyo 1963) at Papa Juan Pablo II (18 Mayo 1920 – 2 Abril 2005) ay namahala bilang mga papa ng Simbahang Katoliko Romano at pinakamataas na pinuno ng Lungsod ng Vaticano. Si Papa Juan XXIII ay naging papa mula 1958 hanggang 1963, at si Papa Juan Pablo II naman ay namuno mula 1978 hanggang 2005. Ang pagtatanghal sa kanila bilang Santo ay naganap noong 27 Abril 2014.[1] Ang opisyal na desisyon upang sila ay itanghal bilang santo ay pinangunahan ni Papa Francisco noong 5 Hulyo 2013 kasunod ng pagkilala sa mga himalang maiiugnay na pinamagitan ni Juan Pablo II, samantalang ang pagtatanghal bilang santo kay Juan XXIII ay ayon mga katangian sa pagtatatag ng Pangalawang Konseho ng Vatican. Ang petsa ng pagtatanghal ay iginawad noong 30 Setyembre 2013.

San Juan XXIII
San Juan Pablo II
Papa
IpinanganakJuan XXIII:
25 Nobyembre1881
Sotto il Monte, Bergamo, Kaharian ng Italya
Juan Pablo II:
18 Mayo 1920
Wadowice, Republika ng Polonya
NamatayJuan XXIII:
3 Hunyo 1963
Apostolic Palace, Lungsod ng Vaticano
Juan Pablo II:
2 Abril 2005
Apostolic Palace, Lungsod ng Vaticano
Benerasyon saSimbahang Katoliko Romano
Juan XXIII:
Simbahang Anglican ng Canada
Simbahang Ebandyelikong Luteranismo sa Amerika
Kanonisasyon27 Abril 2014, Basilika ni San Pedro, Roma ni Papa Francisco
KapistahanJuan XXIII:
11 Oktubre
Juan Pablo II:
22 Oktubre
PatronPamumuno ng ama ng Venice, kinatawan ng Papa , Pangawalang Konseho ng Vatican
Polonya, Ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan, mga batang Katoliko

Ang Misa ng Pagtatanghal ay ipinagdiwang ni Papa Francisco kasama si Papa Emeritus Papa Benedicto XVI noong Linggo, 27 Abril 2014, sa tapat ng Basilika ni San Pedro sa Roma noong Linggo ng Banal na Awa ang pangalawang linggo ng Pasko ng Pagkabuhay at ang pagtatapos ng Oktaba ng Pagkabuhay ni Papa Juan II. Dumalo ang 150 Cardinal at 1,000 Obispo sa pagdiriwang, at dinaluhan din mga diboto.[2]

Mga Kilalang Tao na Dumalo sa Pangtatanghal bilang Santo

baguhin

98 na kinatawan ng mga Estado o organisasyong internasyunal; 19 Pinuno ng Estado; at 24 Pinuno ng Pamahalaan [3]

Bansa Titulo Mataas na Pinuno ng
  Liechtenstein Prinsipe Hans-Adam II of Liechtenstein
  Andorra Kaagapay na Prinsipe Joan Enric Vives Sicilia
  Belgium dating Hari Albert II ng Belhika
dating Reyna Paola Ruffo di Calabria
  Spain Hari Juan Carlos I of Spain
Reyna Sofía of Spain
  Hungary Pangulo János Áder
Punong Ministro Viktor Orbán
  Slovakia Pangulo Ivan Gašparovič
Punong Ministro Robert Fico
  Paraguay Pangulo Horacio Cartes
  Lithuania Pangulo Dalia Grybauskaite
Punong Ministro Algirdas Butkevicius
  Lebanon Pangulo Michel Sleiman
Punong Ministro Tammam Salam
  Kosovo Pangulo Atifete Jahjaga
  Honduras Pangulo Juan Orlando Hernández
  Equatorial Guinea Pangulo Teodoro Obiang Nguema Mbasogo
  Gabon Pangulo Ali Bongo Ondimba
  El Salvador Pangulo Mauricio Funes
  Ecuador Pangulo Rafael Correa
  • Estados Unidos

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Popes set for historic Vatican saints ceremony". BBC News. Nakuha noong 27 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.nbcnews.com/storyline/new-saints/holy-moolah-john-paul-ii-canonization-sponsored-banks-oil-giant-n88811
  3. http://visnews-en.blogspot.hu/2014/04/john-xxiii-and-john-paul-ii-inscribed.html