Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2017 Mayo 4
- Sakuna at aksidente
- Isang matinding bagyo ng mga Alikabok ang tumama sa Hilagang Tsina na naging sanhi ng pagkansela ng mga byaheng pang himpapawid sa Paliparang Pandaigdig ng Beijing. (The Daily Star)
- Internasyonal na relasyon
- Nagtatag ng isang matibay na diplomatikong relasyon ang Banal na Luklukan at Myanmar kasunod ng pagpupulong nina Papa Francisco at ng Tagapagpayo ng Estado ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi. (National Catholic Reporter)
- Pulitika at eleksyon
- Bumoto ang mga taga-Britanya para sa lokal na halalan. (The Telegraph)
- Sining at kultura
- Inanunsiyo ng Palasyo ng Buckingham na magreretiro na si Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh asawa ni Reyna Elizabeth II, sa mga tungkulin nito sa Agosto. (BBC)
- Agham at teknolohiya
- Kinumpirma ng mga siyentipiko na sa kaunaunahang pagkakataon na mayroong grupo ng mga ligaw na Lobong kulay-abo sa Dinamarka, ito ang kaunaunahang pagkakataon sa loob ng 200-taon. (The Guardian)