Isang glitch o depekto ang naganap sa transparancy server ng Komisyon sa Halalan na nagdulot sa pagkaantala ng bahagiang pagpapalabas ng resulta ng halalan. (Philippine Daily Inquirer)
Tinukoy ng Korteng Pang-konstitusyon na may sagabal sa konstitusyon si Zury Ríos na maging kandidato sa pagkapangulo at napaalis siya sa halalan. Ang kanyang sagabal sa konstitusyon ay ang pagiging anak ng dating diktador na si Efraín Ríos Montt. (Prensa Libre)
Agham at teknolohiya
Nagtala ang Amerikanong mangagalugad ng ilalim ng dagat na si Victor Vescovo ng bagong rekord para sa pinakamalalim na pagsisid sa dagat kailanman na umabot sa 10,972 metro (35,997 talampakan) sa Bambang ng Marianas sa Karagatang Pasipiko. May mga ilang kakaibang bagay ang natuklasan sa ilalim, kabilang ang apat na bagong espesye ng mala-hipong krustaseyo, kakatwang maliwanag na makulay na nakalitaw na mga bato at isang plastik na bag. (BBC)