Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2020 Hulyo 6
- Sakuna at aksidente
- Mga baha ng Kyusu ng 2020
- Umakyat sa 49 katao ang namatay mula sa mga baha sa Kyushu, Hapon. Naghahanda ang bansa sa mas marami pang malalakas na ulan. (The Japan Times)
- Higit sa 400 katao ang nilikas mula sa kanilang mga tahanan sa Lungsod ng Iloilo sa Pilipinas pagkatapos sumabog ang isang lantsa de deskarga ng kuryente o power barge na nagdulot ng pagligwak ng langis. (AP)
- Batas at krimen
- Batas Kontra Terorismo ng 2020 sa Pilipinas
- Dalawang pangkat ng mga abogado ang naghain ng petisyon sa Korte Suprema ng Pilipinas upang kuwestiyonin kung naayon sa konstitusyon ang kamakailang napirmahang batas kontra terorismo. Ang mambabatas ng oposisyon na si Edcel Lagman, na nag-ambag sa isa sa mga petisyon, ay ipinahayag na ang batas ay "di tumpak at di malinaw ang mga kahulugan" na ginagawang madaling malabag ang ilang mga kalayaang sibil kapag pinatupad ito. (Al Jazeera)