Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2020 Nobyembre 7
- Politika at halalan
- Pampangulong halalan sa Estados Unidos ng 2020
- Tinaya ng lahat ng pangunahing mga himpilan sa Estados Unidos na nahalal si Joe Biden bilang Pangulo ng Estados Unidos pagkatapos manalo sa Pennsylvania. Samantala, si Kamala Harris naman ang magiging unang babaeng Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos. Minarkahan nito ang unang pagkakataon simula noong 1992 na ang humamon sa kasalukuyang nakaupong pangulo ay nanalo sa halalan sa kasalukuyang pangulo, kung saan tinalo ni Bill Clinton si George H. W. Bush. (CNN)
- Tumanggi sa pag-amin sa pagkatalo si Pangulong Donald Trump kay Biden at nangako na hahamunin ang resulta sa korte, na diumano'y may malawakang pandaraya sa eleksyon. (The New York Times)
- Ang Punong Ministro ng Fiji na si Frank Bainimarama ang unang pinuno na bumati kay Demokratikong nominado sa pagkapangulo na si Joe Biden sa kabila ng wala pang opisyal na resulta ang ibinatid noong panahon na iyon. (RNZ) (The Guardian)