Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Hulyo 23

Palakasan
Internasyunal na mga ugnayan
  • Mga ugnayang Tsina-Estados Unidos
    • Kasunod ng mga sansyon ng mga ehekutibong Tanggapan ng Pag-uugnayan ng Hong Kong, ipinabatid ng Tsina ang ganting sansyon sa Konseho ng Demokrasya ng Hong Kong at ilang mga Amerikano, kabilang ang dating Kalihim ng Komersyo na si Wilbur Ross. (Bloomberg)
Negosyo at ekonomiya
  • Ang Ministro ng Burundi para Pagmimina na si Ibrahim Uwizeye ay sinuspindi ang operasyon ng ilang internasyunal na mga kompanya sa pagmimina, kabilang ang isa na nagpapatakbo ng tanging minahan ng rare-earth o bihirang-elemento sa Aprika, na sinasabing hindi sila nagbabahagi ng mga kita at "di-balanse" ang mga pinirmahang kontrata sa pagmimina. (Africanews) (Xinhua)