Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Hunyo 22
Batas at krimen
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
- Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin ang mga indibiduwal na tatanggi na magpabakuna laban sa COVID-19 at sinabi sa kanila na umalis sa bansa kung hindi sila makikipagtulungan sa mga pagsisikap para wakasan ang isang publikong emerhensiyang pangkalusugan. (AP)
- Paglilitis ng mga pinuno ng pangkalayaan ng Catalonia
- Pinatawad ng pamahalaang Espanya ang siyam na nabilanggong separatistang Catalan na nahatulang may sala sa pagganap nila sa bigong pagpapahayag ng kalayaan noong 2017. (Euronews)
Agham at teknolohiya
- Nagsimulang subukin ng Reino Unido ang bago nitong sistema ng alerto para sa emerhensiya na may ilang tagagamit ng teleponong selular ang nakatanggap ng tunog na parang sirena na pinapabatid sa kanila ang sinubok na alerto. Kapag naging live ang serbisyong alerto, mag-iisyu ang mga babala sa publiko tungkol sa mga insidente ng terorismo, pagbaha at publikong emerhensiyang pangkalusugan. (Wales Online)