Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Nobyembre 30
Politika at halalan
- Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2022
- Inatras ni Bong Go ang kanyang kandidatura mula sa halalan ng pagkapangulo, na sinabing naghihintay siya ng "isang palatandaan mula sa Diyos." (GMA Network)
- Republikanismo sa Barbados
- Pinasinaya si Dama Sandra Mason bilang ang unang pangulo ng Barbados, habang ang bansa ay naging ika-34 na republika ng Komonwelt ng mga Bansa. (The Guardian)
- Halalang pangkalahatan sa Honduras, 2021
- Tinanggap ng namamayaning gitnang-kanang Partidong Nasyunal ang tagumpay ng makakaliwang si Xiomara Castro, na minarkahan ang pagbalik ng mga nasa kaliwa sa kapangyarihan pagkatapos napatalsik ang asawa ni Castro, si Manuel Zelaya, noong kudeta ng 2009. (Reuters)
Palakasan
- Epekto ng pandemya ng COVID-19 sa palakasan
- Season 2021–22 ng NBA
- Nagpositibo ang manlalaro ng Los Angeles Lakers na si LeBron James sa COVID-19 at hindi makakapaglaro sa laban ng koponan niya na lalaban sa Sacramento Kings. (CNBC)
- Season 2021–22 ng NBA