Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Oktubre 12
Sining at kultura
- Hallyu
- Kinumpirma ng Amerikanong serbisyong streaming na Netflix, ang pinakamalaking kompanyang libangan ayon sa kapitalisasyon sa merkado, na ang seryeng pantelebisyon mula sa Timog Korea na Squid Game ang pinakapinapanood na programa sa buong mundo, na napanood na ng higit sa 111 milyong akawnt simula nang nailabas ito noong Setyembre. (AFP via ABS-CBN News)
Sakuna at aksidente
- Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021
- Hindi bababa sa siyam na tao ang namatay sa Pilipinas noong nagkaroon ng mga pagbaha at pagguho ng lupa na dinulot ng Bagyong Maring (Pangalang pang-internasyunal: Kompasu). (Reuters)
Agham at teknolohiya
- Mga pagtuklas ng mga eksoplaneta
- Ipinabatid ng mga astronomo sa NASA ang pagkakatuklas ng TIC 257060897b, isang Maiinit na Hupiter na eksoplaneta na 50% mas malaki at 30% mas maliit ang kabigatan sa Hupiter. Natuklasan ito gamit ang Transiting Exoplanet Survey Satellite. (Science Times)