Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Enero 10
Sining at kalinangan
- Ipinabatid ng Mint ng Estados Unidos na nagsimula na silang magpakalat ng unang mga baryang sangkapat na tinatampukan ng mga kababaihang Amerikano na bahagi ng kanilang programa. Si Maya Angelou ang magiging unang Aprikanong Amerikanong maitatampok sa baryang sangkapat ng Estados Unidos. (The Hill) (NPR)
Sakuna at aksidente
- Mga pagbaha sa Silangang London, 2022
- Sampung katao ang namatay at daan-daan ang nawalan ng bahay dahil sa pagbaha sa Silangang London, Timog Aprika, habang natangay ang mga bahay na hindi maganda ang pagkakagawa, lalo na sa Mdantsane na nasa labas lamang ng lungsod. (Reuters)
Agham at teknolohiya
- Senotransplantasyon
- Matagumpay na nailipat ng mga doktor sa Unibersidad ng Maryland, Baltimore ang puso ng baboy sa isang pasyenteng tao sa unang pagkakataon. (ABC News)