Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2024 Hulyo 24
Sining at kultura
- Ipinahayag ng mga maninisid na Polako na natuklasan nila ang isang wasak na bapor noong ikalabing-siyam na dantaon sa Dagat Baltiko sa labas ng baybayin ng Suwesiya, na naglalaman ng malalaking kahon ng alak na tsampanya at porselana. (France 24)
Sakuna at aksidente
- Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024
- Sumailalim ang buong Kalakhang Maynila sa estado ng kalamidad dahil sa malawakang baha dulot ng Bagyong Carina (internasyunal na pangalan: Gaemi) at hanging Habagat. (GMA News Online) (Bloomberg)
- Dalawang tao ang namatay at 266 iba ang nasugatan sa pananalasa ng Bagyong Carina sa hilagang Taiwan habang binabagtas nito ang lalawigan ng Fujian, Tsina, at papuntang kalupaan. (Reuters)