Ginagamit ng artikulong ito ang mga pangalan ng bagyong binigay ng PAGASA, kung may binigay man sila. Kung wala, gagamitin ang pangalang binigay ng JMA, at kung wala rin itong binigay na pangalan, gagamitin ang pangalang binigay ng JTWC. Maliban sa pangalan ng PAGASA, ang mga pangalan ng bagyo ay nakapahilis.
Ginagamit ng artikulong ito ang oras ng Pilipinas (UTC/GMT+8) maliban lamang kung isinaad mismo ang ibang sona.
Ang panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024 ay ang panahon ng bagyo na taunang nagaganap sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Bagamat taunan, nagiging aktibo ito pagsapit ng buwan ng Mayo hanggang Oktubre. Ang unang bagyo na nabuo at pinangalanan sa loob ng lugar ng responsibilidad, Aghon, ay nabuo noong Mayo 22 na kalaunan ay tumama sa Pilipinas at lumakas bilang ang unang matinding bagyo ng taon.
Panahon ng bagyo sa Kanlurang Pasipiko 2022, 2023, 2024, 2025, 2026
Limitado ang artikulong ito sa Karagatang Pasipikong nasa itaas ng ekwador sa pagitan ng 100° silangan at ika-180 meridyan. Sa loob ng bahaging ito ng Pasipiko, may dalawang pangunahing ahensiyang nagpapangalan sa mga bagyo na nagiging dahilan para magkaroon ng dalawang pangalan ang iisang bagyo. Papangalanan ng Ahensiyang Pampanahon ng Hapon (Japan Meteorological Agency, JMA) ang isang sama ng panahon kung ito ay may 10-minutong napapanatiling bilis ng hangin na hindi bababa sa 65 kilometro kada oras (40 milya kada oras) saanman sa nasasakupang lugar, samantalang pinapangalanan naman ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) ang mga dumadaan na bagyo o nagiging depresyong tropikal (tropical depression) sa loob ng kanilang lugar ng responsibilidad sa pagitan ng 135° sa silangan hanggang 115° sa silangan at sa pagitan ng 5° hilaga hanggang 25° hilaga kahit na wala pang binibigay na pangalan ang JMA. Ang mga minamanmanan na depresyon ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Estados Unidos ay binibigyan ng isang numero at hulaping "W."
Ginagamit ng artikulong ito ang pangalan na binigay ng PAGASA. Para naman sa mga bagyong di pinangalanan ng PAGASA, gagamitin ang pangalan nito sa buong mundo, nang ''nakapahilis''.
Taon-taon naglalabas ang iba't ibang mga ahensiyang pampanahon ng maraming bansa ng kani-kanilang mga pagtataya patungkol sa kung ilan ang mabubuong bagyo sa isang panahon, o di kaya'y ilang bagyo ang makakaapekto sa isang partikular na bansa o rehiyon. Kasama sa mga ahensiyang ito ay ang Konsorsyo sa Peligro ng Bagyo (Tropical Storm Risk Consortium) ng University College London, ang PAGASA ng Pilipinas, at ang Kawanihang Sentral ng Panahon ng Taiwan.
Noong Mayo 7, inilabas ng Tropical Storm Risk (TSR) ang unang pagtataya nito para sa 2024 season, hinulaan na ang tropikal na aktibidad para sa 2024 ay mas mababa sa average na may 25 na pinangalanan bagyo, 15 na bagyo at 7 na malalakas na bagyo. Ito ay sa kadahilanan ng kasalukuyang El Niño sa panahong iyon, na inaasahan na mapalitan sa mahina o katamtamang La Niña sa kalagitnaan ng taon.[1] Sa kanilang pagtataya sa Hulyo, ibinaba nila ang inaasahang mga bagyo para sa taong ito.[2] Pagdating ng Agosto, pinatili nila ang mga bilang ng bagyo ngunit ibinaba ang ACE dahil sa mabagal na pagsisimula ng aktibidad sa taong ito at mababang aktibidad noong unang bahagi ng Agosto. Inaasahan din nila, dahil sa pagkakaroon ng negatibong kondisyon sa Pasipiko noong 2020, posibleng maitala ang pinakababang limang-taunang aktibidad simula noong 1965.[3]
Sa pagtataya naman ng PAGASA para sa unang kalahati ng taon, 0-2 na bagyo ang inaasahang mabubuo o papasok sa kanilang lugar ng responsibilidad para sa buwan ng Enero hanggang Marso habang 2-4 na bagyo naman para sa buwan ng Abril hanggang Hunyo.[4] Sa kanilang pagtataya naman para sa nalalabing bahagi ng taon, 6-10 na bagyo ang inaasahan nila para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre at 4-7 na bagyo mula Oktubre hanggang sa katapusan ng taon.
Walang nabuong bagyo sa halos limang buwan hanggang sa Mayo 22 nang may nabuong isang tropikal na depresyon sa timog-silangan ng Palau. Ito ay kalaunang pinangalanang Aghon ng PAGASA. Sumunod ay nag-landfall si Aghon nang siyam na beses sa Pilipinas: Isla ng Homonhon; Giporlos, Eastern Samar; mga Isla ng Basiao at Cagduyong ng Catbalogan, Samar; Batuan, Masbate; Masbate City; Torrijos, Marinduque; Lucena at Patnanungan, Quezon. Nang maglaon, ito ay binigyan ng pangalang Ewiniar ng JMA at sa kalaunan ay lumakas bilang isang typhoon sa Dagat Pilipinas. Kumilos ito papunta sa bansang Hapon at naging extra-tropikal na bagyo nong Mayo 30. Sa parehong araw, isang panibagong depresyon ang nabuo sa timog-kaliwa ng Haikou at pinangalanang Maliksi ng JMA. Kinabukasan ay tumama din ito sa Tsina at nalusaw noong Hunyo 2.
Pagkatapos ng isang buwan ng inaktibidad, isang depresyon ang nabuo ng Hulyo 13 at pinangalanang 03W ng JTWC na kalaunan ay nag-landfall sa bansang Vietnam. Sumunod, dalawang depresyon ang nabuo sa magkabilang-gilid ng Pilipinas; ang depresyon sa kanluran ay pinangalanang Butchoy habang ang nasa silangan ay pinangalanang Carina. Pagkatapos ay agad ding lumabas ng PAR ang bagyong Butchoy at lumakas bilang bagyong Prapiroon habang ito ay patungo ng Hainan habang lumapit naman sa Luzon ang bagyong Carina na lumakas din bilang bagyong Gaemi. Noong Hulyo 21, nag-landfall sa Hainan si Prapiroon habang patuloy na lumalakas at kumikilos na pa-hilaga si Gaemi. Pagkatapos ay lumakas pa si Prapiroon sa Golpo ng Tonkin at naglandfall sa Hilagang Vietnam. Dahil sa magandang kondisyon ng kinalalagyan ni Gaemi, mabilis itong lumakas at naging isang super-bagyo, ayon sa PAGASA, habang tinutumbok nito ang bansang Taiwan. Nang hatinggabi ng Mayo 25, nag-landfall si Gaemi sa Taiwan at tuluyan na ding nakalabas ng PAR pagkatapos ng ilang oras.
Ang Bagyong Aghon ay ang unang bagyong pumasok sa Pilipinas sa taong 2024. Ito ay unang namataan bilang Low Pressure Area (LPA) sa layong 350km hilaga ng bansang Papua New Guinea sa Karagatang Pasipiko. Ito ay kumikilos sa bilis na 10kph sa direksyong kanluran-hilagang kanluran at naging isang ganap na bagyo sa layong 250 kilometro sa silangan ng Dinagat Islands sa Mindanao. Naminsala ang Bagyong Aghon sa mga bansang Pilipinas, Taiwan at Japan matapos nitong tahakan ang Dagat Pilipinas sa Karagatang Pasipiko.
Namataan ang LPA ng magiging Bagyong Butchoy sa silangan ng Mindanao. Unti-unti itong umakyat at tinawid ang Visayas at Timog Luzon hanggang sa nakalabas ito ng Kanlurang Karagatan ng Pilipinas. Pagdating ng 8 p.m. (12:00 UTC) ng Hulyo 19, nabuo ito bilang isang depresyon sa may 535 kilometro kanluran ng Lungsod ng Tanuan sa Batangas.
Namataan ang isang LPA sa malayong silangan ng Silangang Visayas sa Dagat Pilipinas noong Hulyo 19. Pagdating ng 8 p.m. (12:00 UTC) sa parehong araw na iyon, nabuo ito bilang Bagyong Carina. Kalaunan ay lumapit ito sa Luzon at lumakas na kung saan ay pinangalanang Gaemi ng JMA ang bagyo. Bago ito tumama sa Taiwan, lumakas ito na kung saan ay idineklara ng PAGASA na naging isang super-bagyo si Carina.
Namuo ang isang LPA sa silangang bansa ng Taiwan na pinalangang Jongdari ng JMA at Dindo ng PAGASA sa Pilipinas, Ika 11 Agosto ay kumikilos sa direksyong hilaga ay patuloy na tinatahak ang mga bansang Korea.
Namataan ng JMA ang isang LPA sa layong 540km (330 mi) sa direksyong hilagang silangan ng Palau sa Karagatang Pasipiko. Habang nasa Dagat Pilipinas ang Bagyong Enteng na nasa bahagi ng Baler, Aurora ay lumakas ang bagyo na nasa kategoryang Malubhang bagyo (Severe tropical storm) habang tinatawad ang malaking bahagi ng Hilagang Luzon partikular sa CAR hanggang sa lumabas ito sa Rehiyon ng Ilocos at patuloy na tinatawid ang Dagat Luzon. Habang patuloy na kumikilos ang bagyo mula kategorya 2 hanggang 4 ay nakaalerto ang lalawigan ng Hainan sa posibleng pagtama ng bagyo, na itinaas sa #Signal 8. partikular sa iba pang lungsod sa Hong Kong at Shenzhen, Setyembre 6, 2024 ng maglandfall ang bagyo sa Hainan.
Ika Setyembre 9 ay isang sirkulasyon ang namataan ng JMA, ang nabuo sa malawak na Karagatang Pasipiko ay patuloy na tinatahak ang direksyon sa Guam, Setyembre 12 ng pumasok ito sa PAR ng Pilipinas at pinangalanang lokal ng PAGASA bilang #FerdiePH sa pangalang internasyonal na Bebinca. Ay bagyo ay kumikilos sa bilis na 100km at may lakas na 75kph, habang patungo sa direksyon sa Dagat Silangang Tsina at inaasahang tatama sa lungsod ng Shanghai, Ika Setyembre 16 ng manalasa ang bagyo sa lungsod na nasa Kategoryang 1, #Signal No. 5.
Ika Setyembre 15 sa silangang bahagi nsa Baler, Aurora ay may namamataang isang sama ng panahon bilang LPA (Low Pressure) na kumikilos sa direksyong pa-hilagang kanluran sa bilis na 75kph, Setyembre 16, 11:35 pm ng gabi ng mag-land fall ang bagyo sa bayan ng Palanan, Isabela at lumabas sa bahagi ng Sinait, Ilocos Sur ika 5pm ng hapon, Habang patuloy na tinatahak ang direksyong sa Kanlurang Dagat Pilipinas.
Ika Setyembre 16 ay namataan ng JMA ang isang sirkulasyon na nabuo sa bahagi sa Saipan sa Guam na pinangalanang "Pulasan" habang kumikilos sa direksyon pa hilagang kanluran sa bilis na 100kph at tinatawid ang bahaging PAR sa Pilipinas na pinangalan ng PAGASA na pre-Helen PH, Ang bagyo ay patuloy na kumikilos habang tinutumbok ang lalawigan ng Fujian sa Tsina sa ika Setyembre 19, 2024.
Namataan ang isang LPA sa 530km silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes, Ika Setyembre 20 ng maging isang ganap na bagyo na pinangalanan ng PAGASA bilang IgmePH. Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang Kanluran pa Taiwan.
Isang sirkulasyon bilang LPA ang namataan ng JMA sa silangang bahagi sa Taiwan sa Dagat Silangang Tsina at Kapuluan ng Ryukyu sa Japan, naganap bilang isang bagyo na pinangalanang Krathon na hango sa bansa sa Thailand, at bagyong JulianPH sa Pilipinas, kumikilos ang bagyo na direksyong paikot mula pa timog silangan pabalik sa direksyon pa hilaga, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 75 klm silangan ng Basco, Batanes na nasa Kategoryang 3. Itinaas ng PAGASA ang super bagyong Julian sa Signal hanggang 4.
Namataan ng JMA ang isang sirkulasyong nabuo ika Oktubre 20 sa kanlurang bahagi ng isla ng Marianas sa Guam, ay kumikilos sa direksyong pa timog kanluran sa bilis na 30kph. Naglandfall ang bagyong Kristine sa Divilacan, Isabela na nasa kategoryang Malubhang Bagyo, Nag-iwan ang bagyo ng mahigit sa 160+ na mga nasawi, partikular sa Rehiyon ng Bicol at sa lalawigan sa Batangas na nag dulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng mga lupa, Isa ang bagyong Kristine sa mga deadliest typhoons sa Pilipinas.
Isang sirkulasyon ang namataan ng JMA at JTWC na nasa bahagi ng Guam ay kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran at patuloy na tinatahak ang rehiyong Lambak ng Cagayan. Nakataas ang lalawigan ng mga Batanes at Cagayan sa Signal 4 hanggang 5. Isa ang super bagyong Leon sa malalakas na bagyo matapos tumama ang mga Bagyong Mina, Super Bagyong Kiko at Bagyong Julian
Ika Nobyembre 3 matapos manalasa ang super bagyong Leon ay namataan ng JMA ang isang sama ng panahon sa Karagatang Pasipiko na pinangalanang Yinxing mula sa bansang Tsina na pinangalanan ng PAGASA sa lokal na tawag bilang #MarcePH. Unang nag-landfall ang sentro ng bagyo sa bayan ng Santa Ana, Cagayan.
Ika Nobyembre 8 ng namuo ang isang sirkulasyon sa bahagi ng Guam na namataan ng JMA sa kanlurang Karagatang Pasipiko, ay tuluyang pumasok sa PAR at pinangalanan ng PAGASA, ng #NikaPH sa Pilipinas, at sa internasyonal na tinawag na Toraji. Naglandfall ang sentro ng bagyo dakong 8:10am ng umaga sa bayan ng Dilasag, Aurora-Dinapigue, Isabela area kung saan unang bumagsak ang malalakas na ulan at bugsong hangin na itinaas sa #Signal No. 4 ng PAGASA.
Kailangang isapanahon ang mga bahagi ng artikulo ito (yaong mga may kaugnayan sa Bagyo). Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.(Nobyembre 2024)
Ika Nobyembre 9 kasalukuyan ay may isang sirkulasyon na namuo sa bahagi ng Micronesia na namataan ng JMA at JTWC, Isa ng ganap na bagyo ang dating Tropikal Depresyon (25W) na tinawag na Man-yi sa internasyonal at sa Pilipinas na lokal na papangalanan ng PAGASA bilang Pepito. Pumasok ang sirkulasyon ika Nobyembre 14, 2024 ng 7 gabi sa PAR at kumikilos pa direksyon kanluran, timoh kanluran sa bilis na 100kph habang tinutumbok ang mga lalawaigan sa Samar at Kabikulan.
Isa pang sirkulasyon ang nabuo sa araw ng Nobyembre 9 sa kalagitnaan sa Karagatang Pasipiko kasabay ng mga nabuong bagyong Toraji "Nika", Man-yi, ang patuloy na kumikilos sa direksyon pa kanluran. Ay patuloy na binabatayan ng JMA at JTWC sa mga susunod na araw. Ika Nobyembre 12, 2024, 4am ng umaga ay tuluyan ng pumasok ang sentro ng bagyo na pinangalanan ng PAGASA bilang OfelPh at sa internasyonal ay #Usagi sa Hapones ay kuneho (bunny).
Nabuo si Bagyong Maliksi bilang isang depresyon sa timog-silangan ng Haikou sa bansang Tsina noong Mayo 30. Ito ay mabagal na kumilos pa-hilaga hanggang sa pinangalanan ng JMA ang bagyo nang Maliksi nang sumunod na araw. Ngunit, pinatili ng JTWC ang pagiging depresyon nito hanggang sa mag-landfall ito sa Tsina ng madaling araw ng Hunyo 1. Ito ay nalusaw bilang LPA pagkalipas nang isang araw habang kumikilos pa-silangan patungong Taiwan.
Noong Agosto 3, sinimulan ng JTWC na subaybayan ang isang lugar ng convection 976 km (606 mi) silangan ng Kadena Air Base noong Agosto 3. Sa 18:00 (UTC) sa parehong araw, itinalaga ng JMA ang sistema bilang isang lugar na may mababang presyon. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang sistema ay na-upgrade sa isang tropikal na depresyon. Humina ang depresyon at huling nabanggit ng JMA noong Agosto 7. Ang kaguluhan ay lumiko sa timog ng Ryukyu Islands sa loob ng ilang araw bago ito muling itinalaga ng JMA bilang isang tropikal na depresyon noong Agosto Pagkalipas ng ilang oras, kinilala nila ang sistema bilang isang tropikal na depresyon, na itinalaga ito bilang 08W. Hindi nagtagal, napansin ng JMA na lumakas ito at naging tropical storm at pinangalanan itong Ampil
Isang sirkulasyon ang namataan ng JMA sa layong 150km timog ng Tokyo-Yokohama sa Japan, ng maging isang ganap na bagyo noong Agosto 5 na pinangalanang Maria at tinatahak ang direksyong hilagang kanluran, patungo ang bagyo sa lalawigan ng Miyagi at patuloy na tinatahak ang direksyon sa lungsod ng Sendai.
11. Isang depresyon ang nabuo sa Dagat Pilipinas noong Agosto 19 ngunit nalusaw noong Agosto 22. Ngunit, nabuo muli ito bilang isang depresyon noong sumunod na araw habang binabaybay ang dagat sa timog ng Hapon. Dahil sa paparating na Bagyong Shanshan, kumilos and depresyon pa-timog kanluran hanggang sa nalusaw ito noong Agosto 26.
12. Isang depresyon ang nabuo sa kanluran ng Kyushu noong Agosto 19 na kalaunan ay kumilos pa-hilaga at nalusaw sa parehong araw.
13. Noong Agosto 20, isang depresyon ang nabuo sa timog-silangan ng Hapon na agad ding nalusaw.
15. Isang depresyon ang nabuo muli sa timog-silangan ng Hapon noong Agosto 30 at nalusaw din ito noong 2 a.m. ng Agosto 31 (18:00 UTC Agosto 30).
19. Noong Setyembre 4, isang depresyon ang nabuo sa Dagat Pilipinas. Ito ay huling minarkahan ng JMA noong 8 a.m. ng Setyrembre 6 (00:00 UTC) na kung saan ay humina ito bilang isang LPA. Pagkalipas ng tatlong araw araw, minarkahan ito muli bilang isang depresyon na kung saan ay kumilos ito papunta sa Silangang Tsina hanggang sa tumama ito noong Setyembre 11. Nalusaw ito kinabukasan.
26. Noong Setyrembre 26, may nabuong depresyon sa kanluran ng Guam ngunit ito ay nalusaw kinabukasan.
29. Isang depresyon ang nabuo sa kanluran ng Guam noong Oktubre 6. Dahil sa kalapitan nito sa isang depresyon na magiging Bagyong Barijat, nagkaroon ng Fujiwhara effect sa pagitan ng dalawang bagyo na naging sanhi para ang depresyon ay kumilos pa-silangan at mahigop sa sirkulasyon ng pangalawang bagyo kinabukasan.
30. Noong Oktubre 12, may nabuong depresyon sa hilagang-silangan ng Mukojima. Dahil sa pagkakaroon ito ng parehong tropikal at ekstra-tropical na katangian ay itinuring ito ng JTWC na isang sub-tropikal na sistema. Kalaunan, tuluyan ito naging ekstra-tropikal at huling minarka na ito ng JMA bilang isang depresyon noong Oktubre 14.
31. Noong Oktubre 16, isang depresyon ang nabuo sa hilaga ng Mikronesia ngunit ito rin ay agad humina bilang isang LPA sa parehong araw. Ang nagmulang LPA mula dito ay nag-ambag sa pamumuo ng Bagyong Kristine.
Gagamitin ng PAGASA ang mga pangalang huling ginamit noong panahon ng 2020, kung saan 22 ang pumasok sa Sakop na Responsibilidad nito. Ang mga pangalang Aghon, Querubin, Romina and Upang ay inaasahang gagamitin sa kauna-unahang pagkakataon sa taong ito, matapos nitong palitan ang mga pangalang Ambo, Quinta, Rolly at Ulysses.
Ang JMA ang nagpapangalang sa mga bagyong may taglay na 65 kilometro kada oras o higit pa, sa loob ng 10 minuto. Ito ay kinukuha nila sa listahan ng 140 na pangalan, na nanggaling sa 14 na bansa at teritoryo na kabilang sa komite ng ESCAP/WMO.
↑ 1.01.11.2Lea, Adam; Wood, Nick (Mayo 7, 2023). Extended Range Forecast for Northwest Pacific Typhoon Activity in 2024 [Pagtatayang Pinalawig ang Sakop Para Sa Aktibidad Sa Hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2024] (PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles). Tropical Storm Risk Consortium. Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong Mayo 6, 2023. Nakuha noong Mayo 7, 2023.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑ 2.02.1Lea, Adam; Wood, Nick (Hulyo 5, 2024). Early July Forecast for Northwest Pacific Typhoon Activity in 2024 [Maagang Hulyong Pagtataya Para Sa Aktibidad Sa Hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2024] (Ulat) (sa wikang Ingles). Tropical Storm Risk Consortium. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong Hulyo 20, 2024. Nakuha noong Setyembre 2, 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑ 4.04.14.2Seasonal Climate Outlook January – June 2024 [Pana-panahong Pagtataya sa Klima Mula Enero - Hunyo 2024] (PDF) (Ulat). Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Enero 15, 2024. Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong Hunyo 10, 2024. Nakuha noong Hulyo 23, 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑ 5.05.1161th Climate Forum (July–December 2024) [161th Pagtalakay sa Klima (Hulyo-Disyembre 2024)] (PDF) (Seasonal Climate Outlook). Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Hunyo 26, 2024. Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong Hulyo 19, 2024. Nakuha noong Hulyo 23, 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Maling banggit (Hindi tamang <ref>tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Aghonph); $2