Ang Bagyong Marce o (Pagtatalagang Pandaigdig ay Bagyong Yinxing) ay ang kasalukuyang malakas na bagyo, Ang ika 20 na bagyo sa kanlurang Karagatang Pasipiko at ang ika 13 na bagyo sa unang linggo ng Nobyembre taon 2024. Matapos dumaan ang mga Bagyong Leon at Kristine.

Bagyong Marce (Yinxing)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 4 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoNobyembre 3
Nalusawkasalukuyan
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 175 km/h (110 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 230 km/h (145 mph)
Pinakamababang presyur940 hPa (mbar); 27.76 inHg
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024

Meteorolohikal

baguhin

Isang sama ng panahon ang namataan sa Karagatang Pasipiko, ang bagyo ay nasa bahaging hilagang silangan ng Palau sa Karagatang Pasipiko. Tinatahak ng bagyo ang direksyong hilagang kanlurang sa bilis na 10km per ora.

Pilipinas

baguhin

Nakaalerto ang mga lokal ng pamahalaan sa kabuuang Rehiyong Lambak ng Cagayan sa posibilidad na pag hagupit ng bagyong Marce, Na itinaas ng PAGASA mula sa Signal 1 hanggang 4. Matapos dumaan ang Bagyong Leon sa Batanes ay pinaghandaan muli ng lalawigan ang paghambalos ng bagyo maging ang mga lalawigan ng hilagang Ilocos, Cagayan at Apayao ay naghanda sa posibilidad na pagguho ng lupa, pagapaw ng Ilog Cagayan at pagkasira ng mga kalsada.

Biyetnam

baguhin

Ang Biyetnam ay naghahanda sa posibilidad na pagtama ng bagyo, matapos dumaan ang mga Bagyong Quinta, Super Bagyong Rolly, Bagyong Enteng at Bagyong Kristine.

Typhoon Storm Warning Signal

baguhin
PSWS LUZON
PSWS #4 Apayao, isla ng Calayan, hilagang Cagayan, hilagang Ilocos Norte.
PSWS #3 Apayao, Abra Batanes, nalalabing Cagayan, nalalabing Isabela, Kalinga
PSWS #2 Benguet, Lalawigang Bulubundukin, Ifugao, La Union Pangasinan
PSWS #1 Nueva Vizcaya, Quirino
Sinundan:
Leon
Kapalitan
Yinxing
Susunod:
Nika (unused)

Sanggunian

baguhin