Super Bagyong Rolly

Ang Super Typhoon Rolly(Goni) ay ang pinakamalakas na bagyo na nabuo sa taong 2020

Ang Super Bagyong Rolly (Pagtatalagang Pandaigdig: Bagyong Goni) ay ang pinakamalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas taong 2020 sa Karagatang Pasipiko bilang Low Pressure Area 99W sa bahaging kanluran ng Marianas ay lumapit sa Pilipinas na nanalasa Nobyembre 1, 2020, matapos manalasa ang Bagyong Quinta sa katimugang Luzon at Bicol. Ang bagyo ay ang ika-19 at ang ika-5 na bagyo sa buwan ng Oktubre 2020. Ito ay huling namataan sa layong 1, 900 kilometro silangan ng Baler, Aurora ito ay kumikilos sa bilis na 100 kilometro direksyong kanluran-timog kanluran na may layon na tumama sa Rehiyon ng Bicol at Timog Katagalugan sa unang araw ng Nobyembre matapos at parehong dinaanan ng nakaraang bagyo. Si Rolly (Goni) ay huling namataan sa kanluran ng Lubang sa Occidental Mindoro matapos tawirin ang vicinity area ng Cavite-Batangas, ito ay lumabas sa bayan ng Nasugbu, Batangas at huling nag-landfall sa bayan ng Lobo, Batangas. Si Bagyong Goni ay huling namataan sa layong 50 kilometro timog kanluran ng Subic, Zambales at patuloy na kumikilos sa bilis na 100 kilometro, patungong Vietnam. Ito ay isa sa mga pinakamalakas na bagyo. Sumunod sa Super Bagyong Yolanda noong 2013.

 Super Bagyong Rolly (Goni) 
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 5 (Saffir–Simpson)
Ang Bagyong Rolly na nananalasa sa Bicol noong ika-31 ng Oktubre
NabuoOktubre 26, 2020
NalusawNobyembre 6, 2020
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 270 km/h (165 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 320 km/h (200 mph)
Pinakamababang presyur884 hPa (mbar); 26.1 inHg
Namatay32 nasawi
Napinsala492 milyon
ApektadoPilipinas, Vietnam at Cambodia
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2020

Kasaysayan

baguhin
 
Ang tatahakin ni Bagyong Rolly
 

Isang Low Pressure Area (99W) ang namataan sa layong 1, 900 kilometro silangan ng Baler, Aurora ay nagbabadyang tumama sa katimogang Luzon ayon sa mga Weather forecast at GFS maps na nagsasabi ang bagyo ay lalabas sa unang linggo ng Nobyembre habang binabaybay ang Kanlurang Dagat Pilipinas at nagbabanta muling tumama sa Da Nang, Vietnam, Ito ay inaasahang papasok sa PAR sa Oktubre 29, 2020 ay nagbabalak na tamaan ang Catanduanes Bicolandia area. Ayon sa American model at GFS ay humapyaw ng paangat ang bagyo imbis na ito ay pababa, Ito ay dadaplis ng bahagya sa Camarines Norte-Quezon area at kumikilos ng kanluran-hilagang kanluran.Si Goni (Rolly) ay nakataas sa Kategoryang 65 at nagbabandyang dadaanan ang rehiyon ng Calabarzon at inaasahang lalabas sa Bataan. Nag land-fall ang mata ng bagyo sa Bato, Catanduanes pasadong 3AM ng madaling araw at inaasahang maglalandfall sa ikalawa sa pagitan ng Camarines Sur at Albay habang binabahtas ang San Andres, Quezon at tatawid sa vicinity area ng Lobo, Batangas at lalabas sa Nasugbu, Batangas. Habang binabaybay ang Kanlurang Dagat Pilipinas. Matapos ang matinding pananalasa na nakaantas sa Kategoryang 5, bumaba sa Kategorya 4 at ang ikatlong pagkakataong landfall sa "Bondoc Peninsula" sa Quezon ito ay bahagya pang humina sa Kategorya 1 habang nasa Typhoon kategorya, Nakakaranas ang rehiyon ng Calabarzon ng malalakas at pabugso-bugsong ulan at hangin, matapos tawirin ang vicinity ng Batangas at Lubang.[1]Ito ay naglandfall sa mga bayan ng: Bato, Catanduanes, Tiwi, Albay, San Narciso, Quezon at Lobo, Batangas.

 
Ang Public Storm Warning Signals ay itinaas sa Signal #5

Muling nagbabala ang PAGASA na ang Bagyong Rolly ay pihadong tatama sa Bicol Region, Calabarzon at Mimaropa, ito ay magdadala ng malalakas na ulan at hangin sa susunod na araw at lalakas sa galaw na 80 kilometro timog kanlurang kilos. Ito ay inaasahang nagbabanta sa Luzon sa Timog Luzon at Gitnang Luzon galing mula sa Karagatang Pasipiko at inaasahang lalabas sa Batangas-Cavite area, matapos tawirin ang Luzon landmass.[2][3]

Gitnang Luzon, Kalakhang Maynila, Calabarzon at mga lalawigan ng Camarines Sur ang makakaramdam ng bagsik ng Bagyong Goni (Rolly), Ang pangalang "Goni" ay hango sa isang Gansa ay kontribusyon sa bansang Timog Korea.[4]

Ito ay inaasahang dadaan sa Infanta, Quezon matapos tawirin ang Polillo at tutumbukin ang "Sierra Madre", Sa pagbago at pagtaya ng Meteorological agencies ito ay bahagyang bumaba sa direksyong timog kanluran, Na unang naglandfall sa "Catanduanes" at "Albay". Puspusan ang paglikas ng mga resiente na nasa tabing dagat dulot ng panganib ng "Storm Surge" sa mga baybayin ng Batangas, Quezon, Cavite, Maynila, Bataan, Pampanga at Bulacan sa 3 metrong alon. Nagsagawa rin ng agarang paglikas sa mga bayan/lungsod ng Bay, Laguna at Calamba, Laguna dahil sa pagapaw ng mga ilog at sa Lawa ng Laguna sanhi ng nag-daang "Bagyong Quinta". Ito ay patuloy na bumabagtas sa Timog Dagat Tsina habang tinutumbok ang "Gitnang Vietnam" sa Da Nang kung saan nanalasa ang mga Bagyong Nika, Bagyong Ofel at Bagyong Pepito.

Paghahanda

baguhin

Pilipinas

baguhin
 
Ang galaw ni Super Bagyong Rolly habang papalapit sa Catanduanes noong Oktubre 31.

Oktubre 31, ay binantaan ang mga Rehiyon ng Bicol at Calabarzon region dahil sa pagtama nito, Bunsod ng COVID-19 sa Pilipinas Ang Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ay nagpatupad ng bawal ang pagtitinda sa polisiya, Maaga ring nagsagawang puspusan ang bayan ng Infanta, Quezon sa agarang paglikas dahil sa pagtaas ng alon dulot ng bagyong Rolly at ang bayan ng Aurora sa pagitan ng Quezon ay pinagbabantaan dahil sa galaw ng bagyo, Nagtaas ang PAGASA ng Public Storm Warning Signal #5. sa Catanduanes at Albay at Signal #4 sa nalalabing bahagi ng Rehiyon ng Bicol, Mimaropa, Calabarzon at Kalakhang Maynila. Isa sa mga binabantayan ng DOH ang COVID-19 habang bumabaybay ang "Super Typhoon Rolly, ay ang panasamantalang sinuspinde ang operasyon dahil sa bagyo sa mga araw ng Nobyembre 1 at 2 at ang Philvocs na minamatyagang bantayan ang mga aktibong bulkan sa Pilipinas, anf Bulkang Pinatubo, Bulkang Mayon at Bulkang Taal.

Mahigit 6,645 katao ang inilikas mula sa 75 bayan at sa planong 159,000. Pagkain na nagkakahalagang 8.3 milyon, non-food items na nagkakahalaga naman ng 26.42 milyon, at 3 milyon ay inihanda sa Kabikulan ayon sa Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan. Maging ang lalawigan ng Aurora ay pinagsilikas rin kahit hindi direktang dadaanan ng bagyo. Ang Kalakhang Maynila ay nagsagawa ng agarang paglikas at pagtiklop ng mga billboards signs sa mga lungsod.

Pinsala

baguhin
 
Ang impact ng bagyo papasok sa Pilipinas.

Nagdulot ng malawakang pagkawasak sa Rehiyon ng Bicol kung saan ito, unang nag-landfall sa bayan ng Bato, Catanduanes bilang "Kategorya 5", "Super Bagyo", Matinding napuruhan nito ay ang bayan ng Guinobatan, Albay dahil sa pagragasa ng putik "Lahar" mula sa Bulkang Mayon at sa paligid ng bulkan, kabilang rito ang Casagwa Ruins" na lubhang naapektuhan dulot ng mataas na pagbaha, Sa Camarines Sur malaking lugar nito ay nagdulot ng malawakang black out, matapos dumaan ang "Bagyong Quinta", Naminsala si Rolly ng pagkasira ng mga kabahayan, malls, paliparan, pagapaw ng mga ilog at pagkasira ng mga tulay sa Polangui, Albay., Rehiyon ng Bicol ang matinding napinsala at nakaramdam ng bagsik ng bagyo. Isa ang Albay sa lubos na napinsala ni Rolly dahil sa pagkakalubog ng mga kabahayan dahil sa Lahar na ibinuga ng "Bulkang Mayon", sa Calauag, Quezon ay nagdulot ng pagkasira ng mga kabahayan at pagbagsak ng mga puno at poste (linya ng kuryente). sa Batangas City ay nagdulot ng pagkasira ng mga kabahayan sa pagdaan ni Rolly na may dalang hangin na aabot sa 115 kph wind sustaines, Agaran rin ang paglikas sa mga bayan ng Agoncillo, Batangas, Talisay, Batangas, Laurel, Batangas at Tagaytay sa Cavite dahil sa posibleng pagbulwak ng Bulkang Taal. Nagdulot ng pagapaw ng "Lawa ng Laguna" sa tuwing may malakas na bagyo, apektafo ang ilang mga bayan/lunsod sa paligid ng Lawa. Si Rolly (Goni) ay nakapinsala ng halos mahigit na 90% sa loob ng Catanduanes buong bayan nito ay bumagsak dahil sa pagbaba na galaw ni Rolly, sumunod ang Albay na sinalanta ng bagyo mahigit 70% nito ay naapektuhan, Ang Camarines Sur ay pumalo sa 80%.

Si "Goni" (Rolly) sa unang paggalaw pa tungo sa Timog Dagat Tsina matapos salantain ang Bicol sa Pilipinas ay maagang naghanda ang Vietnam sa posibilidad na dala ng lakas ng ulan na maaring magdala ng mga pagbaha, pagtaas ng alon o daluyong at pagkasira ng mga kabahayan, habang humina at napapanatili ang sirkulasyon bilang "Tropikal Depresyon" habang nasa pagitan ng Bagyong Atsani (Siony) na papalapit sa Pilipinas, Si Goni (Rolly) ay magdadala ng mga pinong pagulan sa lalawigan ng Binh Dinh, Ang mga bagyong "Linfa", "Nangka", "Ofel", "Saudel", "Molave" ay ang mga sunod-sunod na bagyong nag padapa sa Vietnam ay nagbabanta sa paparating na bagyong "Goni" na susundan ng isang sirkulasyong si "Etau" sa Karagatang Pasipiko.

Ayon sa "National Center for Hydro-Meteorological Forecasting" sa mga dadaanan ang Da Nang at "Phu Yen" ay nag-abiso ng "No-sail" policy ay apektado ang mahigit 50,000 mangingisdang Biyetnamis ang pinagbahalan sa laot dahil kay "Goni", Mahigit 64,000 na katao ang maisalba sa Rescue mobilized at 1,785 na sasakyan ang ginagayak para sa paghahanda.

Noong Nobyembre 5 nag-landfall si Rolly (Goni) sa lalawigan ng Binh Dinh bilang Tropikal Depresyon ay sasalantain muli ng pagbaha matapos ang 30 na araw sa loob ng Vietnam, Isang lalaki ang inanod sa lalawigan ng "Quảng Ngãi" dahil sa lakas ng baha at isang lalaki ang namatay matapos tamaan sa barkong nasadsad sa baybayin, 20 kabahayan sa Quảng Nam ang nasira at isa ang eskuwelahan rito, mahigit 228 ang napinsala sa Quảng Nam at pagguho ng mga lupa, Ang ilang lalawigan ay nakaranas ng pinsala kabilang ang Ho Chi Minh City.

Tropical Cyclone Wind Signal

baguhin
TCWS LUZON BISAYAS
TCWS #5 Albay, Catanduanes, Silangang Camarines Sur, Naga WALA
TCWS #4 Burias, Camarines Norte, Batangas, Cavite, Laguna, Masbate, Kalakhang Maynila, Marinduque, Hilagang Occidental Mindoro, Hilagang Silangang Mindoro, Quezon, Rizal, Sorsogon
TCWS #3 Bataan, Bulacan, Coron, Palawan, Pampanga, Zambales Hilagang Samar
TCWS #2 Aurora, Nueva Ecija, Quirino, Pangasinan, Tarlac Samar, Silangang Samar, Tacloban
TCWS #1 Nueva Ecija, Rehiyon ng Ilocos, CAR, Lambak ng Cagayan Boracay, Aklan

Tingnan rin

baguhin
Sinundan:
Quinta
Kapalitan
Romina (unused)
Susunod:
Siony

Sanggunian

baguhin