Nasugbu

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Batangas
(Idinirekta mula sa Nasugbu, Batangas)

Ang Nasugbu (pagbigkas: ná sug bu) ay isang Unang Klase na bayan sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 136,524 sa may 32,881 na kabahayan.

Nasugbu

Bayan ng Nasugbu
Opisyal na sagisag ng Nasugbu
Sagisag
Mapa ng Batangas na nagpapakita sa lokasyon ng Nasugbu.
Mapa ng Batangas na nagpapakita sa lokasyon ng Nasugbu.
Map
Nasugbu is located in Pilipinas
Nasugbu
Nasugbu
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°04′N 120°38′E / 14.07°N 120.63°E / 14.07; 120.63
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganBatangas
DistritoUnang Distrito ng Batangas
Mga barangay42 (alamin)
Pagkatatag31 Enero 1947
Pamahalaan
 • Punong-bayanHon. Antonio A. Barcelon
 • Manghalalal82,540 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan278.51 km2 (107.53 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan136,524
 • Kapal490/km2 (1,300/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
32,881
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan7.11% (2021)[2]
 • Kita(2022)
 • Aset(2022)
 • Pananagutan(2022)
 • Paggasta(2022)
Kodigong Pangsulat
4231
PSGC
041019000
Kodigong pantawag43
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytnasugbu.gov.ph

May ilang mga bus na bumibiyahe mula at patungong Nasugbu. May mga dyip din na bumibyahe mula sa Lungsod ng Tagaytay at umaalis ng punuan. Sa loob ng bayan, ang tricycle ang pangunahing transportasyon ng mga tao dito.

Ang lokal na pamahalaan ay nagtutulak na gawing lungsod ang bayan, na maaaring magdala ng mas marami pang-industriya sa bayan.

Etimolohiya

 
Ang Bahay Pamahalaan ng Nasugbu, Batangas.

Ayon sa alamat, may pangkat ng mga Kastilang sundalo ang pinayagan ng kanilang pinuno na mamasyal sa mga nayong may mga mababait na tao sa kanlurang bahagi ng Batangas. Napapadpad ang pangkat anito sa isang mag-asawang katutubo na nagsasaing ng bigas sa isang palayok kung saan ang takip ay tumutunog dahil sa kumulong sinaing. Tinanong ng mga Kastila sa wikang Espanyol ang babae, -- ¿Como se llama este pueblo? (Ano ang tawag sa lugar na ito?), sumagot naman ang babae at sinagot niya ito ng Nasubo na po iyan eh, kaya ganyan, sa pag-aakalang ang tinatanong ay tungkol sa kanyang sinaing. Inulit ng mga Kastila ang salitang "nasubo" at tumango sa kanyang mga kasama, at sinabi ang salitang iyon sa kanila. Doon nagsimulang tawagin ang nayon sa pangalang iyon. Subalit kahit walang dokumentong magpapatunay sa alamat, ito naman ang karaniwang maririnig kapag tinanong kung saan nanggaling ang pangalan ng bayan.

Demograpiko

Karamihan sa mga tao sa Nasugbu ay mga Tagalog. May mga Bisaya din sa mga Barangay Wawa at sa ibang mga barangay. Pangunahing sinasalita dito ang Wikang Tagalog, at may unting nagsasalita ng Wikang Cebuano. Dahil din sa kaugnayan ng bayan sa kasaysayan, may maliit na bilang ng mga mag-anak na nagsasalita ng Wikang Kastila. Karamihan sa mga nakapag-aral ay nakakapagsalita din ng Ingles.

Karamihan sa mga Nasubugueños ay Katoliko, ngunit kahit na magkahiwalay ang simbahan at ang pamahalaan, ang pistang bayan tuwing Disyembre 3 ay isang holiday.

Senso ng populasyon ng
Nasugbu
TaonPop.±% p.a.
1903 6,680—    
1918 12,423+4.22%
1939 19,820+2.25%
1948 23,668+1.99%
1960 34,845+3.28%
1970 46,849+3.00%
1975 50,822+1.65%
1980 59,405+3.17%
1990 75,515+2.43%
1995 83,874+1.99%
2000 96,113+2.96%
2007 113,926+2.37%
2010 122,483+2.67%
2015 134,113+1.74%
2020 136,524+0.35%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Heograpiya

Topograpiya

Ang bayan ay nasa 14:05:51Hilaga (14.0975) latitude at 120:35:56Silangan (120.5988) longitude. Naghahanggan ang bayan ng Nasugbu sa mga bayan ng MaragondonMagallanes at Alfonso sa hilaga, sa lalawigan ng Cavite. Sa silangan naman ay ang mga bayan ng Laurel, Calaca at Balayan; sa timog ay ang mga bayan ng Lian at Tuy; at naghahanggan naman ito sa Timog Dagat Tsina sa kanluran. Ito ang pinakamalaking bayan sa kanlurang Batangas na may kabuuang sukat na 276.33 km².

Kapag pumunta sa bayan gamit ang pambansang lansangan, madadaan dito ang mga lupang sakahan ng tubo, mais at bigas, mga burol at kabundukan. Ang lupain ang dumadalisdis pababa patungong Timog Dagat Tsina. Dahil sa kaurian ng lupa at kalapitan nito sa tabing dagat, agrikultura (tubo, bigas, mais, gulay, niyog, prutas) at pangingisda ang pangunahing industriya ng Nasugbu.

Ang layo nito mula sa Kalakhang Maynila ay nasa 102 kilometro kung ang daan ay sa Lungsod ng Tagaytay. Mula naman sa Lungsod ng Batangas (Sa Kapitolyo ng lalawigan), ang layo nito ay 70 kilometro.

Mga barangay

Ang Nasugbu ay nahahating pampolitika sa 42 na barangay. Ang 12 barangay na nasa Poblacion ay nauring Urban, at ang iba ay nauring rural.

  • Aga
  • Balaytigui
  • Banilad
  • Barangay 1 (Pob.)
  • Barangay 2 (Pob.)
  • Barangay 3 (Pob.)
  • Barangay 4 (Pob.)
  • Barangay 5 (Pob.)
  • Barangay 6 (Pob.)
  • Barangay 7 (Pob.)
  • Barangay 8 (Pob.)
  • Barangay 9 (Pob.)
  • Barangay 10 (Pob.)
  • Barangay 11 (Pob.)
  • Barangay 12 (Pob.)
  • Bilaran
  • Bucana
  • Bulihan
  • Bunducan
  • Butucan
  • Calayo
  • Catandaan
  • Kaylaway
  • Kayrilaw
  • Cogunan
  • Dayap
  • Latag
  • Looc
  • Lumbangan
  • Malapad Na Bato
  • Mataas Na Pulo
  • Maugat
  • Munting Indang
  • Natipuan
  • Pantalan
  • Papaya
  • Putat
  • Reparo
  • Talangan
  • Tumalim
  • Utod
  • Wawa

Klima

Ang Klima ng Nasugbu ay nasa ilalim ng Unang uri ng Klima ng Pilipinas, Type I, na nangangahulugan na may dalawang uri ng panahon: Tagtuyot mula Nobyembre hanggang Abril at Tag-Ulan sa nalalabing mga buwan.

Ang taunang temperatura ng bayan ay nasa 27.3 sentrigrado. Ang buwan ng Enero ang pinakamalamig na may 25.8 sentigrado, samantalang ang Abril naman ang pinakamainit na buwan na nagtala ng temperatura na 29 sentrigrado.

Ekonomiya

Dahil sa Presedential Decree 1520, inihayag ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang ibang bahagi ng bayan bilang isang potensiyal na lugar panturista. At mula noon, nagkaroon ang Nasugbu ng industriya sa turismo na mas kilala dahil sa kanyang mga beaches. Bago pa man ang Boracay at iba pang mga sikat na lugar bakasyunan, ang Nasugbu ay isa sa mga bayang dinarayo tuwing Mahal na Araw at iba pang okasyon. Ang kalapitan nito sa Maynila ang nagiging dahilan kung bakit popular at pinipili pa rin itong bakasyunan.

Ang iba pang mga kaganapang pang-ekonomiya ay ang pagpapa-unlad sa industriya ng agro-industrial sa pagbubuo ng mga lansangan mula sakahan tungong palengke, feed mills, pagawaan ng karne at hayupan. Ang isa pa ay ang pag-hihikayat sa mga mamumuhunan, lalung-lalo na ang mga kompanya ng kompyuter, at magpatayo ng mga liwasang pang-teknolohikal.

Ngunit habang ang pamahalaan ay hinuhubog ang Nasugbu sa isang lugar na maaaring pamuhunahan, sila din ay seryoso sa pagpapanatili ng natural na kalikasan ng bayan. Maliban sa mga liwasang teknolohikal (Technopark) may mga plano rin na paunlarin ang Wawa Fishing Port bilang sentro ng ekoturismo na itinulad sa Pier 39 sa San Francisco.

Ang Nasugbu rin ang tahanan ng Central Azucarera Don Pedro, ang pinakamalaking tagagawa ng asukal sa bansa, simula nang ito ay humiwalay sa dating Hacienda Luisita sa Tarlac.

Dahil sa pagiging tahanan ng pinakamalaking kumpaya ng asukal sa bansa, hindi maikakaila na ikinabubuhay sa ilang bahagi ng bayan ang pag-gawa ng mga minatamis. Ang bayan ng Nasugbu ay kaisa-isahang bayan sa Luzon na nagsasagaww ng bibingkahan sa mga palengke. May kulang kulang 10 uri ng mga kakanin ang matatagpuan sa Nasugbu.

Edukasyon at kultura

Ang Paaralang Sentral ng Kanlurang Nasugbu (Nasugbu West Central School) ay ang pinakamalaking Paaralang Elementarya sa rehiyon ng Timog Katagalugan. Ang iba pang paaralang pang-elementarya ay kinabibilangan ng Paaralang Lourdette, Pedagogio, St. Paul, Paaralang Creative Dreams, Nasugbu Christian Faith Academy,Adelaido A. Bayot Memorial School at ang RB Cordero.

Sa Nasugbu rin matatagpuan ang campus ng Mataas na Paaralan ng State University[patay na link], na mas kilala bilang Paaralang Apolinario R. Apacible ng Pangingisdaan (Apolinario R. Apacible School of Fisheries). Ito ay dating Pangingisdang Paaralan ngunit isinama na sa Pamantasan. Hanggang sa ngayon, ang mga mag-aaral ng Mataas na paaralan ay dapat pumili sa Pagkukultura ng Isda (Fish Culture), Panghuhuli ng Isda (Fish Capture), at Pagpapanatali sa Isa (Fish Preservation) bilang isa sa mga pangunahing asignatura. Ito ay katimbang din ng mga karaniwan nilang mga asignatura, tulad din ng mga asignatura sa Sining kapag pumasok ka sa isang Paaralan ng Sining.

Ang sistema ng edukasyon bayan ay labis na naayos nang ang ARASOF ay naisama sa Batangas State University. Ngayon, maliban sa mga kursong Pangingisda, ang paaralan ay nagbibigay din ng mga kursong tulad ng Edukasyon at Turismo.

Ngunit kahit maayos na ang sistema ng edukasyon sa bayan, ang kalapitan ng bayan sa maynila ang nagiging dahilan para pag-aralin sa kolehiyo ng mga may-kayang mag-anak ang kanilang anak sa Kalungsuran.

Sa Kultura, ang Nasugbu ay ang tahanan ng Auditorium ng Nasugbu, kung saan madalas ginaganap ang mga gawaing kultural. Ito ang pangunahing teatro ng bayan na nagpapalabas hindi lamang ng mga pagtatanghal panteatro ngunit pati mga konsyerto ng mga sikat na artista at banda.

Pangkalinangan at pangkasaysayang kahalagahan

Ang bayan ng Nasugbu ay nananatiling payak na bayan na walang dokumentong naglalahad sa pagkakatatag nito. Ang pinakaunang natalang petsa ay ang pagkakatatag ng mga Heswita sa Parokya ng San Francisco Javier noong 1852.

Hindi ito naging sentrong pang komersyo dahil ang bayan ng Balayan ay napakalapit lang dito, ay syang ginagamit ng mga Intsik na rutang pang kalakal sa mahabang panahon. Hindi rin ito naging sentrong pang relihiyon gaya ng bayan ng Lipa o sentrong pang pamahalaan gaya ng bayan ng Tanauan. Kakaunti lang ang nasusulat sa lugar hanggang sa nagkaroon ng paghihimagsik.

Ang kaunaunahang natala sa kasaysayan patungkol sa payak na bayan na ito ay ang tungkol sa isang katutubo ng isang tribo, na kilala lamang bilang si Matienza, na namuno sa kasamahan niyang Nasugbueños, kasama ang ilan sa mga katutubo ng karatig bayan ng Lian, sa pag-aaklas laban sa nagmamay-air ng malawak na lupain, ang mga Roxas. Bagamat hindi nila nakamtan ang tagumpay, ito at naitala sa huling bahagi ng ika-19 na siglo.

Ang bayan ng Nasugbu ay walang gaanong patubigan gaya ng mga lupain sa karatig bayan nito, na siyang naging dahilan upang maging isa sa pinaka apektado mula nang ang bayan ng Lipa ay lusubin noong ika-18 Hunyo taong 1896. Sampung araw ang nakalipas nang ang epekto sa mga mamamayan ng Nasugbu ay lumubha na siyang nagbunsod upang ang Gobernadorcillo nagpalabas ng P1000 mula sa kaban ng bayan ng Lipa upang ipangtustos na pambili ng bigas para sa mga Nasugbueños.

Mula ng maging opisyal ng nag simula ang pag-aaklas sa lalawigan ng Batangas noong Setyembre 1896, isang malaking pag aaklas din ang naganap sa bayan ng Nasugbu, kasama ang mga bayan ng Balayan, Lian, Talisay at Lemery matapos ang pitong linggo. Ang Pag-aaklas ng Nasugbu ay pinamunuan ni Luciano San Miguel isa rin sa pinakamalaking pag-aaklas sa buong lalawigan. Subalit noong Disyembre 1896, lingid sa kaalaman ni San Miguel ng isang bitag pala ang nag aabang sa pangkat niya, kung kaya't ang Nasugbu ay dumanas ng pinakamaraming bilang ng namatay sa pag aaklas.

Noong Setyembre 1898, Ang bayan ng Kawit ay opisyal na nagpahayag ng kalayaan sa laban sa pamumuno ng Espanya. Dahil dito naging magulo higit pa sa dati ang buhay ng mga Caviteño. Ito rin ang nag bunsod upang ang mga mamamayan ng karatig bayang Alfonso ay lusubin ang lupaing nasasakupan ng mga Roxas at nagsimulang mang-gulo sa mga taong nakatira dito. Bagamat agarang kumilos ang mga opisyal ng bayan Nasugbu at nagreklamo sa kasamahan nila sa Cavite, ang mga mamamayan ay hindi na sumusunod sa may kapangyarihan.

Noong panahon ng digmaan, ang Batangas ay pinamumunuan ng Gobernador Heneral at ang karapatan ng habeas corpus ay itinigil, na siyang nagbunga ng mas marami pang pagkamatay.

Pangarkeolohiko na kahalagahan

Ang Baka ng Nasugbu

Ang Madilim na panahon ng bayan ng Nasugbu ay natumbasan ng mahalagang arkeyolohiyang pagkakatuklas. Ayon sa Pambansang Museo ng Pilipinas, natagpuan ng isang pangkat ng siyentipiko ang isang kahoy na baka (wooden cow) isang taon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa ito'y may mahalagang kaugnayan sa kasaysayan ng bansa, ang kahoy na baka ay agad na ibinigay sa Pambansang Museyo, subalit hindi ito nakaligtas sa pagkawasak dulot ng digmaan. Makaraan ang isang taon pagkatapos ng digmaan, isang bagong archeological artifact ang nahukay sa kalapit bayan nitong Calatagan, na siya ngayong naging pinakamahalagang prehistoric artifact ng bansa.

Ang Pagkabagbag ng Barkong San Diego

Ang pinakamalaking ambag ng bayan ng Nasugbu sa mundo ng arkeyolohiya ay ang San Diego Ship Wreck, na natuklasan ng isang grupo ng siyentipiko noong 1991 sa pakikipagtulungan ng pamahalaan ng Pransiya, ang Estados Unidos at ng Pilipinas.

Sa aklat niyang, Los Succesos de las Islas Filipinas, ni Fr. Antonio de Morga ay nakasulat na bilang Admiral, sinubukan niyang ipagtanggol ang bansa laban sa mga sundalong Dutch, na pinamumunuan ni Admiral Oliver Van Noort. Ngunit dahil sa kakaunting kaalaman ni de Morga sa pakikidigma, lumubog ang pinamumunuan niyang San Diego sa di matukoy na lugar sa timog ng Look ng Maynila. Ito ang pinakaunang naitalang pakikipagdigma sa pagitan ng dalawang pwersang Europeyo sa katubigan ng Asya.

Ang makasaysayang paglubog ng San Diego ay naganap noong madaling araw ng 14 Disyembre 1600. Bagamat ang nsabing labanan ay nauwi sa patas, ang balitang paglubog ay nakaabot sa bawat pangunahing siyudad ng Lumang mundo. Ayon sa sabi sabi, ang barko ay naglalaman ng maraming pagkain at kagamitang pandigma kung kaya wala ng lugar para sa mga taong mag papatakbo nito.

Hindi man maibigay ni De Morga ang eksaktong lugar ng pinag lubugan. Ang barko ay nanatiling nakalubog sa katubigan ng Nasugbu sa loob ng halos 500 taon hanggang sa ito ay matuklasan noong 1991. Sa kasalukuyan, ito ay nananatiling pinakamahalangang lumubog na pang arkeyolohiyang tuklas ng bansa. Mula dito, nakakuha ang Pambansang Museo ng Lahing Pilipino o National Museum of the Filipino People ng halos 5000 artifacts na nagsisilbing time capsule ng Asya, Europa at ng Amerika.

Ang mga artifacts ay ang mga banga ng mga Asyano at ceramics mula sa Vietnam at Tsina, mga armas pakikipaglaban mula sa Hapon (gaya ng mga espada) at Portugal gaya ng kanyon at mga bagay na balot sa manipis na ginto na pinaniniwalaang mula pa sa Iberoamerica. Ayon din sa Pambansang Museyo, ang lumubog na barko ay naglalaman din ng pinakamahusay na naitabing astrolabe.

Ang mga artifacts ay nagkaroon din ng eksibit sa Pransiya noong 1995 at ang Alemanya noong 1996, pabalik ng Maynila para sa pag gunita ng Sentenaryo ng Kalayaan ng Pilipinas noong 1998. Sa kasalukuyan ang mga labi ng San Diego ang nananatiling pinakamaraming koleksyion ng Pambansang Museo, na umuukupa sa pinakamalaking bahagi sa unang palapag ng gusali at ng buong bahagi ng ikalawang palapag.

Ang bayan ng Nasugbu ang lugar kung saan naganap ang pinakaunang naitalang labanan sa pagitan ng hukbong pandagat ng mga bansang Europeyo sa Timog Silangang Asya sa may Pulo ng Kapalaran o Fortune Island sa gawing kanluran ng bayan.

Ang Paglunsad ng Nasugbu

Ang araw ng pagkakatatag ng bayan ng Nasugbu ay tuwing Enero 31. Ito ay ang paggunita ng pagkakatatag ng makabagong Nasugbu, na nabuo matagal na panahon bago pa man ang Ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ay ipinalagay na lamang na natatag ng parehong Kautusan ng Hari ng Espanya na siya ring nagtatag ng lalawigan ng Batangas at naglagay ng hangganan at nasasakupan.

Ang pamahalaang bayan ang pumili ng ng Enero 31 upang maging araw ng pagkakatatag ng bayan upang gunitain ang araw ng pagdaong ng mga sundalong Amerikano sa baybayin nito katulad ng sikat na Paglunsad sa Leyte. Ang pagdaong na ito ang naging simula ng kalayaan ng pulo ng Luzon mula sa pananakop ng mga Hapon. Kasabay ang huling ipagpatuloy ng panahon ng pagpapalaya sa Batangas noong 1945 sa pagitan ng makikipagbakbakang lumaban ng puwersang militar ng Komonwelt ng Pilipinas at Estados Unidos at ang kasama ng sumanib ng puwersang gerilya ng mga Batanguenyo ay lumaban sa mga puwersa ng Imperyong Hapones noong nagsimula ang madugong Labanan sa Batangas noong katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Current officials as of 2016 elections

That will Expire on 2022 Election: Mayor: Antonio A. Barcelon Vice-Mayor: Larry Albanio

Mga sanggunian

  1. "Province: Batangas". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Batangas". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas