Bagyong Julian
Ang Super Bagyong Julian, (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Krathon) ay ang kasalukuyang bagyo sa Pilipinas ang ika 18 na bagyo sa kanlurang Karagatang Pasipiko at ang ika 10 na bagyo sa Pilipinas sa huling linggo ng Setyembre at ika-unang linggo ng Oktubre sa taong 2024. Ang bagyo ay tinatayang nasa Kategoryang 4 hanggang 5.[1]
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 4 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Setyembre 26 |
Nalusaw | Oktubre 4 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 195 km/h (120 mph) Sa loob ng 1 minuto: 240 km/h (150 mph) |
Pinakamababang presyur | 927 hPa (mbar); 27.37 inHg |
Namatay | 18+ |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024 |
Meteorolohikal
baguhinIsang sirkulasyon ang namataan ng JMA na nasa silangang bahagi sa Taiwan, Dagat Silangang Tsina at sa Kapuluan ng Ryukyu sa Japan ang nagbabadyang maging bagyo sa loob 24 oras, Noong ika Setyembre 28 ng maging isang ganap na bagyo na pinangalanang "Krathon" sa internasyonal at pinangalanan ng PAGASA bilang bagyong #JulianPH sa lokal na pangalan sa Pilipinas. Pinapakita na ang kilos ng bagyo ay pakurba at pabalik mula sa kung saan nabuo bilang LPA (Low Pressure Area). Na namataan sa 75km silangan ng Basco sa Batanes.[2]
Banta
baguhinPilipinas
baguhinAng rehiyon ng Lambak ng Cagayan, partikular sa lalawigang isla sa Batanes ay nakataas mula sa Signal 3 hanggang 4 at makakaranas ng malalakas at pa bugso-bugsong hangin at magbubuhos ng mabibigat na ulan. Nagsuspinde ng klase sa mga paaralan sa mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at sa Rehiyon ng CAR (Cordillera) sa Hilagang Luzon.
Taiwan
baguhinNaka alerto ang bansang Taiwan sa posibleng pag daan ng bagyo, nag suspinde ng pasok sa mga paaralan at trabaho, Na nasa kategoryang 3 hanggang 4 na mag dadala ng malakaas na hangin at ulan na mag dudulot ng malawakang pag baha at matinding pinsala.
Pinsala
baguhinPilipinas
baguhinNagdulot ng malaking pinsala ang lalawigan ng Batanes sa mga bayan ng Ivana, Batanes na kung saan ang sentrong mata ng bagyo, Itbayat, Sabtang, Batanes at sa kabisera ng Basco.
Nagiwan ng malaking pinsala ang bagyo sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte na nagdulot na pagkasira ng mga kalsada maging sa lungsod ng ng Laoag, Ilocos Norte at Baguio dahil sa walang humpay na pag-ulan. Isinailalim ang lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa malawakang pagbaha. Lubog sa baha ang ang mga nasa hilagang bayan sa lalawigan ng Cagayan partikular sa Claveria, Pamplona at sa Sta. Ana.
Typhoon Storm Warning Signal
baguhinPSWS | LUZON |
---|---|
PSWS #4 | Batanes |
PSWS #3 | Apayao, Abra, Cagayan, Ilocos Norte |
PSWS #2 | Benguet,Isabela, Ilocos Sur, Kalinga, Lalawigang Bulubundukin |
PSWS #1 | Ifugao, La Union, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino |
Sinundan: Igme |
Kapalitan Krathon |
Susunod: Kristine |