Wikipedia:Mga nominasyon para sa Napiling Artikulo at Larawan/MariMar

Marimar

baguhin

artikulo (suleras), nominasyon ni CM

  • Tutol Winiki ko na ito, pero marami pa ring kulang sa nilalaman. -- Felipe Aira 10:32, 8 Enero 2008 (UTC)[tugon]
    • Dinagdagan ko na rin ng iba pang impormasyon ang nasabing artikulo. Pakitingin na po lamang kung mayroon pa pong kulang at pakisaad na rin po. Salamat. CM 20.10, 08 Enero 2008 (UTC)
      • Tutol pa rin ako, kahit isang pananangguni ay wala ang artikulo. Kailangan mong magbigay ng pananangguni upang mapatunayang totoo nga ang nakasaad sa artikulo. At dahil walang ganito sa artikulo, ay hindi natin mapapatunayan ang laman noon. en:WP:CITE, -- Felipe Aira 12:59, 9 Enero 2008 (UTC)[tugon]
        • Nalagyan ko na po ng mga pananggunian na magpapatunay sa mga nilalaman ng aking napiling artikulo. Maraming Salamat sa pagpapaalala. CM 21.25, 09 Enero 2008 (UTC)
          • Sige, nilinis ko na ito, at malapit na akong sumang-ayon. Sasang-ayon na ako kapag nabigyan ng pananangguni ang seksyon ng "Kasikatan sa Pilipinas", at isinaayos sa talatang istilo ang dalawang huling seksyon imbis na sa ayos na patala. (Paragraph vs. enumeration) -- Felipe Aira 12:31, 24 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Opisyal na patakaran sa Wikipedia Tagalog na gamitin lamang ang "ay" sa unang pangungusap ng artikulo. (Basahin dito.) Ganito rin ang patakaran sa mga diyaryo't iba pang artikulong Tagalog (maliban na lamang sa paggamit ng "ay" sa unang pangungusap). Isinasakatuparan ito upang maging ensiklopediko ang mga artikulo sa Wikipedia Tagalog. Hayaan mo, ako na ang magbabago ng mga ito. Starczamora 13:48, 18 Enero 2008 (UTC)[tugon]
Naiayos ko na ang mga problema ukol sa paggamit ng ay nang pauli-ulit. Pkibasa na lamang kung mayroon pang kulang. Salamat. CM 18:22, 25 Enero 2008 (UTC)[tugon]