Wikipedia:Komentaryo
(Idinirekta mula sa Wikipedia:RFC)
Ang Komentaryo ay ang lugar sa Wikipedia kung saan maaaring humiling ang sinumang tagagamit ng karagdagang pananaw o opinyon tungkol sa nilalaman ng mga artikulo, mga patakaran at panuntunan ng Wikipedia, o sa ugali ng sinumang tagagamit. Maaaring gamitin ito sa proseso ng pag-abot ng mas malawakang usapan at/o konsenso o pangkalahatang kasunduan tungkol sa anumang isyu.
Tandaan lang po na hindi maaaring gamitin ang Komentaryo para sa mga sumusunod na bagay:
- Panlalait sa kapwa-tagagamit
- Mga usapan sa pagbubura ng artikulo o talaksan (maaaring gamitin ang mga artikulong buburahin o ang mga larawan at midyang buburahin)
- Konsultasyon (maaaring gamitin ang Konsultasyon)
- Pangkalahatang usapan (maaaring gamitin ang Kapihan)
- Mga paksang hindi umaayon sa sakop ng prosesong ito (off-topic)
Proseso ng paghiling
baguhinMaaaring humiling ng komentaryo gamit ang sumusunod na paraan:
- Lumikha ng subpahina para sa bagay na nais pag-komentaryuhan. Halimbawa, kung nais mong pag-usapan ang nilalaman ng artikulong Keso, ang pangalan ng subpahina ay [[Wikipedia:Komentaryo/Keso]].
- Mag-iwan ng paunang salita sa kung bakit nararapat na pag-usapan ang nais mong pag-komentaryuhan. Tandaan na dapat umaayon sa walang pinapanigang pananaw (NPOV) ang paunang salita.
- Ihayag ang hiniling na komentaryo sa Kapihan o sa anumang nararapat na lugar.
Mga kasalukuyang hiling
baguhinSa kasalukuyan, may 1 umiiral na hiling.