Wikipedia:Wiki Loves Earth PH 2022 Edit-a-thon

Wiki Loves Earth PH 2022 Edit-a-thon

Introduksyon

baguhin
Ang Maligcong Rice Terraces sa Mountain Province, Pilipinas

Ang Wiki Loves Earth ay isang pandaigdigang paligsahan sa potograpiya para maitampok ang mga likas na pamanang pook sa buong Mundo gamit ang mga proyektong Wikimedia (lalo na ang Wikipedia at Wikimedia Commons). Ang Pilipinas ay sumali na rin sa Wiki Loves Earth 2018, Wiki Loves Earth 2019, Wiki Loves Earth 2020 at Wiki Loves Earth 2021. Sa tulong ng kompetisyon, mayroon nang lampas 6,000 na mga larawang nakuha sa ilalim ng creative commons license. Lahat, baguhan man o eksperto, na litratista ay maaaring makiisa sa patimpalak na ito.


Ngayong taong kasalukuyan, isasagawa ang Edit-a-thon sa Wikipedia (Tagalog at Bikol na mga edisyon) para sa nasabing patimpalak. Layunin nito na mailagay at pakatapos ay maitampok ang mga larawan galing sa Wiki Loves Earth Philippines mula taon 2018 hanggang ngayong 2022.


Ang edit-a-thon ay magsisimula sa Hulyo 10, 2022 hanggang Agosto 31, 2022. Sumali sa patimpalak na ito at mag-ambag ng mga malayang lisyensyadong larawan ng mga natural na pamana sa Pilipinas at pakatapos ay itampok ang mga ito sa pagsali sa edit-a-thon sa Wikipedia.

Sistema ng pagpuntos

baguhin
  • 3 puntos - Bagong artikulo na merong lampas 3,000 bytes + 1 larawan
  • +1 puntos - Dagdag na isang (1) larawan sa kahit anong artikulo (bago o luma)

Mga gagamiting larawan

baguhin

Kumuha ng mga larawan galing sa Wiki Loves Earth na patimpalak sa Pilipinas mula 2018 hanggang 2022

Mga premyo

baguhin

Ang Top 5 na may pinakamataas na makakamit na puntos ay makakakuha ng Wiki Loves Earth Souvenir Prize at Wikipedia Merchandise gaya ng Pin, Sticker, at Lapis.

Edit-a-thon

baguhin

Tabla ng mga larawang naidagdag

baguhin
Larawan Ngalan ng larawan Artikulo kung saan naidagdag Pirma ng editor
0.

(Halimbawa)

File:KIRKAMON Philippine Sailfin Lizard.jpg Philippine sailfin lizard (Ilagay ang iyong ngalan o gamitin ang kodigong "~~~~")