Wikisource

kategorya ng Wikimedia

Ang Wikisource ay isang online na dihital na aklatan ng malayang nilalaman na pinagmulang teksto na nasa isang wiki, na pinapatakbo ng Pundasyong Wikimedia. Wikisource ang pangalan ng proyekto bilang kabuuan at ang pangalan ng bawat instansya ng proyektong iyon (kadalasang kinakatawan ang bawat instansya ng ibang wika); binubuo ng maraming mga Wikisource ang kabuuang proyekto ng Wikisource. Ang layunin ng proyekto ay i-host o ilagay ang lahat ng anyo ng malayang teksto, sa maraming wika, at mga salin. Orihinal na inisip bilang sinupan o arkibo upang iimbak ang kapaki-pakinabang o mahalagang tekstong makasaysayan (ang unang teksto nito ay ang Déclaration universelle des Droits de l'Homme), napalawak ito upang magng pangkalahatang-nilalamang aklatan. Opisyal na nagsimula ang proyekto noong Nobyembre 24, 2003 sa ilalim ng pangalang Project Sourceberg, isang paglaro sa pangalan ng sikat na Project Gutenberg. Ipinagtibay ang pangalang Wikisource sa kalaunang taon na iyon at nakatanggap ng sariling dominyong pangalan.

Wikisource
Ang kasalukuyang logo ng Wikisource
Detalye ng maraming-wikang portal ng Wikisource sa unang pahina nito.
Screenshot ng tahanang-pahina ng wikisource.org gamit ang Monobook na skin
Uri ng sayt
Dihital na aklatan
Mga wikang mayroonMaramihang-wika (77 aktibong sub-dominyo)[1]
May-ariPundasyong Wikimedia
LumikhaBinubuo ng mga tagagamit
URLwikisource.org
Pang-komersiyo?Hindi
PagrehistroOpsyonal
Nilunsad24 Nobyembre 2003; 20 taon na'ng nakalipas (2003-11-24)[2]
Kasalukuyang kalagayanNaka-online

Nasa proyekto ang mga gawa na nasa publikong dominyo o malayang nakalisensya; propesyunal na nakalathalang mga gawa o sangguniang dokumentong makasaysayan, hindi banidad na mga produkto. Unang ginawa ang beripikasyon sa offline, o sa pamamagitan ng pagtitiwala sa pagiging maaasahan ng ibang dihital na aklatan. Ngayon, sinusuportahan ng mga online scan ang mga gawa sa pamamagitan ng ProofreadPage extension, na sinisiguro ang pagiging maaasahan at katumpakan ng mga teksto ng proyekto.

Ilan sa mga indibiduwal na mga Wikisource, na bawat isa ay kinakatawan ang isang partikular na wika, pinapahintulutan na ngayon ang mga gawa na tinatapatan ng mga scan. Habang teksto ang bulto ng mga koleksyon nito, hino-host ng Wikisource ang ibang midya, mula komiks hanggang pelikula hanggang mga aklat na awdyo. May mga ilang Wikisource ang pinapahintulot ang anotasyon na binubuo ng mga tagagamit, na nasa ilalim ng isang partikular na patakaran ng Wikisource na iyon. Nagkaroon ng kritisismo ang proyekto dahil sa kakulangan ng pagiging maaasahan subalit sinisipi ito ng mga organisasyon tulad ng National Archives and Records Administration.[3]

Noong Setyembre 2024, may 77 wika na aktibong sub-dominyo ng Wikisource[1] na binubuo ang isang kabuuan na 6,148,059 artikulo at 2,496 kamakailang aktibong patnugot.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 MediaWiki ng Wikimedia na API:Sitematrix. Hinango noong Setyembre 2024 mula sa Data:Wikipedia statistics/meta.tab
  2. Ayers, Phoebe; Matthews, Charles; Yates, Ben (2008). How Wikipedia Works (sa wikang Ingles). No Starch Press. pp. 435–436. ISBN 978-1-59327-176-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Transcribe | Citizen Archivist" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. MediaWiki ng Wikimedia na API:Siteinfo. Hinango noong Setyembre 2024 mula sa Data:Wikipedia statistics/data.tab