Wil Time Bigtime

panggabing palabas

[[{{it]]alic title}} Ang Wil Time Bigtime (dating kilala bilang Willing Willie) ay isang palabas sa telebisyon na ipinapalabas sa TV5. Ang una nitong palabas ay inere noong 23 Oktubre 2010. Si Willie Revillame ang pangunahing host ng palabas. Ang programa ay isang variety show at inihahandog ng Wil Productions, Inc. at ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes (6:00- 9:00 pm, pagkatapos ng Aksiyon) at tuwing Sabado (5:00- 7:30 pm, pagkatapos ng Sabado Sineplex). Ito ay sumahimpapawid ng live mula sa Studio A ng TV5 Complex.

Kasaysayan

baguhin

Unang sumahimpapawid sa pangalan na Willing Willie, ang palabas ay nabuo bilang resulta ng pagkansela ng Wowowee at ang paglipat ni Willie Revillame sa TV5. May bilang ng personalidad mula sa Wowowee ang lumalabas sa Willing Willie, kasama na rito sina DJ Coki Meneses (disc jockey), Owen Ercia (floor director), Anna Feliciano (choreographer), Aprilyn “Congratulations” Gustillo, Lovely Abella at ang dating ASF dancers na ngayon ay bumubuo sa WW Girls, ang in-house na grupo ng dancers ng palabas.

Alitan ng mga mananayaw

baguhin

Dalawang miyembro ng WW Girls, si Aprilyn “Congratulation” Gustillo at si Monique “Pak” Natada, ang nasuspendi mula sa palabas noong Nobyembre ng 2010 dala ng pakikipag-alitan sa dressing room dahil sa lipstick. Noon 12 Enero 2011 naman, napatawan ng tatlong araw na suspensiyon ang WW Girls buhat ng pakikipag-away diumano ng mga miyembro ng grupo sa microblogging site na Twitter.

Mga paratang ukol sa paglabag ng karapatang-ari

baguhin

Noong ika-24 ng Nobyembre, 2011, nagsampa ng kasong paglabag sa karapatang-ari ang ABS-CBN laban kay Willie Revillame, sa Wil Productions, Inc. at sa TV5 dahil sa pagkopya diumano ng programang Wowowee ng ABS-CBN. Subalit, ang mga pagdinig sa kaso na inihain sa Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis ng Makati, Sangay 66 sa ilalim ng hurisdiksiyon ni Hukom Joselito C. Villarosa, ay nasuspendi pagkatapos paunlakan ng Hukuman ng Pag-aapela ang hininging Temporary Restraining Order (TRO) ng TV5.

Ang TV5 ay naghain naman ng petisyon para sa certiorari, pagbabawal at pagpigil sa paunang kautusan sa Hukuman ng Pag-aapela. Bilang tugon, ang ABS-CBN ay naghain ng petisyon upang mapasawalang-saysay ang petisyon ng nauna. Noong 10 Marso 2011, ang Hukuman ng Pag-aapela ay naglabas ng desisyon pabor sa TV5.

Kontrobersiya sa pang-aabuso ng karapatang pambata

baguhin

Noong Marso 12, 2011, ang Willing Willie ay nagtampok ng segment o bahagi kung saan ang isang amin na taong gulang na bata ay nag-macho dance bilang pagpapakita ng talento sa palabas. Noong una, ang pangyayari ay di gaano binigyan ng pansin. Nagtamo ng maraming puna ang pagyayari nang lumabas sa YouTube and ilang bahagi ng sayaw na bata. Noong Marso 25, isinulat ni Benjamin Pimentel ng Philippine Daily Inquirer ang naturang pahayag, “We have a big problem if it’s OK for most people to let a big shot TV host treat a child like garbage." (Mayroon tayong malaking suliranin kung ayos lang sa karamihan na hayaan lamang ang isang maimpluwensiyang tao na ituring ang isang bata na parang basura.) Ito ay sinundan ng pagpapalabas ng pahayag ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan o DSWD tatlong araw ang nakalipas na nagsasabi na ang pangyayari ay isang klarong kaso ng pagmamalabis sa bata. Sa isang panayam sa media, mariing tinutulan ng DSWD ang "emosyonal na pang-aabuso at kahihiyang ipinagkaloob sa isang anim na taong gulang na batang kalahok." Ang Komisyon sa Karapatang Pantao ay nagsasagawa ng imbestigasyon ng programa dahil sa paglabag ng Seksyon 10 ng Batas Republika Blg. 7610, kilala rin bilang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Ang Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon o MTRCB ay sumasailalim rin ng mga pagdinig tungkol sa naturang isyu. Noong ika-8 ng Abril, tatlong miyembro ng panel ng MTRCB panel ang umurong mula sa kaso.

Ang isyu ay nagtamo ng mga negatibong puna mula sa Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas, ilang mga sikat na personalidad sa showbis tulad nila Jim Paredes, Bianca Gonzalez, Lea Salonga, Aiza Seguerra, Leah Navarro (ng Black and White Movement), K Brosas, Agot Isidro, Mylene Dizon at Tuesday Vargas sa mga social networking site tulad ng Twitter, mga kolumnista ng Philippine Daily Inquirer tulad nina Randy David, Rina Jimenez-David, Michael Tan at Benjamin Pimentel, at maging mula sa mga militanteng organisasyon tulas ng GABRIELA.

Ang mga kompayang Mang Inasal, Procter and Gamble, CDO, Cebuana Lhuiller, Nutri-Asia at Unilever ay nagsitanggalan ng kani-kanilang mga patalastas mula sa palabas noong unang linggo ng Abril 2011 dahil sa panggigipit na hatid ng kontrobersiya.

Dahil dito, inihayag ni Revillame sa publiko na ang palabas ay magsasailalim sa isang pahinga simula ika-11 ng Abril 2011. Binalaan niya ang mga taong nanira sa kanya sa Twitter. Ayon kay Revillame, ang mga ito ay sasampahan rin ng mga kaukulang kaso. Kiniwestiyon rin ni Revillame ang pag-tatangi lamang sa Willing Willie, habang ang mga palabas na It's Showtime at Goin’ Bulilit ay hindi pinuna.

Ika-18 ng Abril nang sinabi ni Revillame na hindi na niya sasampahan ng kaso ang mga personalidad na pinagsalitaan siya ng masama sa Twitter. Noong ika-25 ng Abril, ang End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) ay nagsampa ng kasong pagmamalabis sa bata laban kay Revillame, sa TV 5 at sa mga opisyal nito kasama Tagapangulo nito na si Manuel V. Pangilinan. Ang DSWD ay nagsampa rin ng naturang kaso dalawang araw ang nakalipas.

Ang palabas ay hindi nagpatuloy noong ika-25 ng Abril, isang nakabitin na go-signal mula sa TV5. Noong Abril 27, iniulat ng Philippine Entertainment Portal ang pagbalik telebisyon ng palabas sa Mayo 7 na may bagong format.

Mayo 3, 2011 nang naglabas ng isang buwang suspensiyon ang MTRCB at inilgagay ang palabas sa katayuang probationary na nangangahulugan na nangangailangan ng arawang permisot ang palabas mula sa MTRCB bago isahimpapawid pagkatapos iangat ang suspensiyon. Ang mga araw na lumipas mula sa unang pag-alis sa ere ng palabas noong ika-8 ng Abril ay sinama sa bilang ng MTRCB.

Pagpapamalagi sa kahirapan

baguhin

Sa proseso ng pagdedesisyon ng mga tadhanang parusa laban sa Willing Willie, ang MTRCB, sa isang pahayag ay nagsabi na ito ay humihingi ng pagbabago mula sa industriya ng telebisyon. Sa pahayag, napag-usapan ang isyu ng atraksiyon na dala ng palabas at ng mga programang tulad nito sa pamamagitan ng pagbigay ng mga mabilisang pagkumpuni sa mga problema ng mga manood sa kahirapan, isa na rito ang pagbibigay ng premyong salapi.

Sa pasya ng lupon na pagsuspendi sa Willing Willie, nakasulat sa wikang Ingles:

The MTRCB as a government regulatory agency, and as a stakeholder in the television industry, realize the value of setting a good example to the viewing public in general, who are composed of all gender[s] and of all ages, and especially to children. We should always promote the good, and not condone what is reckless. There is a very thin line between exposition and exploitation. When an uneducated impoverished man is in front of us, we are confronted with the question: "What should we do?" To teach by setting a good example, and not take advantage of his state, and never allow him to wallow in his miseries. A quick fix does not solve anything permanent. The state of the Philippine television industry is a product of a long process of compromises, and quick-fixes. These quick fixes may be likened to drugs that are so addicting we end up being trapped in its unending cycles of perpetuating poverty, and uneven power relations. There is a saying that goes: "Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime." False hopes can never be a solution.

(Salin ng pahayag ng MTRCB sa Tagalog:)

(Ang MTRCB ay isang ahensiya ng pamahalaan na nagkokontrol, at bilang isang stakeholder sa industriya ng telebisyon, ay natanto ang kahalagaan ng pagkakaroon ng magandang halimbawa sa publikong manonood sa pangkalahatan, na binunubuo ng lahat ng mga kasarian ng lahat ng gulang, at lalo na sa mga bata. Lagi nating isulong ang kabutihan, at huwag palampasin kung ano ang walang ingat. Mayroong manipis na linya sa pagitan ng pagtatanghal at pagsasamantala. Kapag ang isang walang pinag-aralang pulubi ay nasa harap natin, naitatanong ito: "Anong gagawin natin?" Ang pagturo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang halimbawa, at huwag pagsamantalahan ang kanyang katayuan, at huwag kailanman pahintulutan na siya ay lumublob sa kanyang paghihirap. Ang madaliang pagsasasyos ay hindi malulunasan lahat sa pangmatagalan. Ang katayuan ng industriya ng telebisyon sa Pilipinas ay isang mahabang proseso ng mga kompromiso, at madaliang pagsasaayos. Maaring itulad ang mga madaliang pagsasayos na ito sa droga na nakakagumon ay nauuwi sa pagkabitag sa walang katapusang siklo ng pagpapanatili ng kahirapan, at hindi pantay na ugnayan sa kapangyarihan. Mayroong kasabihan: "Bigyan ang isang tao ng isda at mapapakain mo siya ng isang araw. Turuan mo ang isang tao na mangisda at mapapakain mo siya ng habang-buhay. Di kailaman naging kalutusan ang mga maling pag-asa.)

Wil Time Bigtime

baguhin

Noong 9 Mayo 2011, inulat ni Cristy Fermin sa Juicy! Express na magbabalik ang palabas sa ilalim ng bagong pangalan na Wil Time Bigtime sa Mayo 14, 2011.