Wilfrid Laurier
Si Sir Wilfrid Laurier[1], GCMG, PC, KC, bininyagang Henri-Charles-Wilfrid Laurier (20 Nobyembre 1841 – 17 Pebrero 1919) ay ang ika-7 Punong Ministro ng Canada mula 11 Hulyo 1896, to 5 Oktubre 1911.
Panginoong Wilfrid Laurier | |
---|---|
ika-7 Punong Ministro ng Canada | |
Nasa puwesto 11 Hulyo 1896 – 5 Oktubre 1911 | |
Monarko | Victoria Edward VII George V |
Nakaraang sinundan | Charles Tupper |
Sinundan ni | Robert Borden |
Personal na detalye | |
Isinilang | 20 Nobyembre 1841 Saint-Lin, Quebec |
Yumao | 17 Pebrero 1919 Ottawa, Ontario | (edad 77)
Partidong pampolitika | Partidong Liberal ng Canada |
Asawa | Zoé Lafontaine |
Anak | Wala |
Alma mater | Pamantasang McGill |
Propesyon | Manananggol |
Siya ang kauna-unahang punong-ministrong prangkopono, o ang unang punong-ministrong nagsasalita ng wikang Pranses, ng Canada.[1] Mga nagsasalita ng wikang Ingles ang mga naunang punong-ministro ng Canada.
Karaniwang itinuturing si Laurier bilang isa sa mga magigiting na mga politiko ng bansa.
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Laurier sa St. Lin, Quebec, sa hilagang Montréal, noong 1841. Namatay siya noong 1919.[1]
Larangan
baguhinUna siyang nahalal sa lehislatura ng Quebec. Noong 1874, nahalal naman siya sa Kanadyanong Kabahayan ng mga Pangkaraniwang-pagaari. Bilang isang kilalang Pranses na kasapi sa Partidong Liberal ng Canada, naging miyembro siya ng gabinete sa pamahalaang Liberal ni Alexander Mackenzie noong 1877, noong kapanahunang hindi tanyag ang pagtangkilik sa liberalismo sa Quebec sapagkat maraming klerikong Katoliko ang naniniwalang laban sa pananampalataya ang mga politikong liberal. Subalit pinatunayan ni Laurier na hindi totoo ang pananaw na ito ng mga kleriko sa pamamagitan ng isang talumpati noong 1877. Dumami ang bilang ng mga tagapagtaguyod ni Laurier hanggang sa mapili siyang pinuno ng partidong Liberal noong 1887.[1]
Natalo ang mga Liberal noong halalan ng 1891 dahil sa paghingi niya ng pagkakaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos, isang ideyang hindi popular noong mga panahong iyon. Subalit muling nagwagi ang mga Liberal noong 1896, kung kailan naging punong-ministro si Laurier, at nagsagawa ng maraming mga patakarang konserbatibo, halimbawa na ang higit na pagtangkilik sa pagkakaroon ng ugnayang-pangkalakan sa Dakilang Britanya sa halip na ituon ang pansin na kumikiling sa Estados Unidos.[1]
Nagsimula ng hukbong-pandagat para sa Canada si Laurier noong 1910. Nang sumapit ang 1911, muling iginiit ni Laurier ang pakikipag-ugnayang pangkalakal sa Estados Unidos. Subalit hindi naging sikat ang mga konseptong ito, dahilan ng kaniyang pagkagapi sa halalan noong 1911. Natalo siya ni Sir Robert Borden. Bilang pinuno ng Oposisyon (ang Partidong Liberal ang naging oposisyon o nasa kabilang panig nang magwagi si Borden), tinangkilik ni Laurier ang mga gawaing pangdigmaan ng Canada noong Unang Digmaang Pandaigdig, isang ideyang naging dahilan pagkakahating pangpapaniwala sa mga kasapi ng partidong Liberal noong 1917.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Sir Wilfrid Laurier". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
baguhin- Talambuhay mula sa Dictionary of Canadian Biography Online
- Wilfrid Laurier on the platform; collection of the principal speeches made in Parliament or before the people, since his entry into active politics in 1871; ni Wilfrid Laurier mula sa Archive.org
- Life and letters of Sir Wilfrid Laurier vol 1. mula sa Archive.org - Buhay at mga liham ni Sir Wilfrid Laurier - unang tomo
- Life and letters of Sir Wilfrid Laurier vol 2. mula sa archive.org - Buhay at mga liham ni Sir Wilfrid Laurier - pangalawang tomo
- Lathalain hinggil kay Sir Wilfrid Laurier mula sa The Canadian Encyclopedia Naka-arkibo 2008-10-19 sa Wayback Machine.