Si William Black (13 Nobyembre 1841 – 10 Disyembre 1898[1]) ay isang pintor, tagapamahayag, at nobelistang ipinanganak sa Glasgow, Eskosya[1] sa mga magulang na sina James Black at kanyang pangalawang asawang si Caroline Conning. Nagkaroon siya ng edukasyon bilang pintor ng tanawing panglupa, isang pagsasanay na nakaimpluwensiya sa kanyang buhay pampanitikan. Bilang isang manunulat, naging ipinagdiriwang siya dahil sa kanyang mga detalyado at atmosperikong paglalarawan sa pamamagitan ng mga salita[1] ng mga tanawing panglupa at pangdagat sa kanyang mga nobelang katulad ng White Wings: A Yachting Romance (1880).

William Black
Kapanganakan13 Nobyembre 1841
  • (Eskosya)
Kamatayan10 Disyembre 1898
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
Trabahomanunulat, mamamahayag, nobelista
Pirma

Talambuhay

baguhin

Pagkaraan ng pagiging tagapamahayag sa Glasgow, nagpunta sa Londres, sa edad na 23. Naging tauhan siya ng Morning Star ("Pang-umagang Bituin") at pagdaka ng Daily News ("Pang-araw-araw ng Balita") kung saan naging katulong na patnugot siya para sa diyaryong ito. Nagretiro siya sa larangan ng pamamahayag noong 1874 at tumuon sa pagsusulat ng kathang-isip, partikular na ang mga nobela.[1]

Bilang may-akda

baguhin

Lumitaw ang kanyang unang nobela noong 1868, subalit nakuha lamang niya ang pansin ng madla ng malathala ang A Daughter of Heth ("Isang Anak na Babae ni Heth") noong 1871. Nasundan ito ng The Strange Adventures of a Phaeton ("Ang Pambihirang mga Pakikipagsapalaran ng Isang Paeton"; isang karuwaheng nahihila ng dalawang mga kabayo ang phaeton[2]). Noong 1873, naging bantog naman ang A Princess of Thule ("Ang Prinsesa ng Thule"). Naisulat niya ang kanyang huling nobela, pagkaraan ng ilan pa, noong 1898.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "William Black". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 300.
  2. Gaboy, Luciano L. Phaeton - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Eskosya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.