W. B. Yeats
Si William Butler Yeats (13 Hunyo 1865 – 28 Enero 1939) ay isang Ingles-Irlandes na makata, dramatista, mistiko, at isa sa pinakapangunahing mga tao ng ika-20 daang taon sa panitikan. Ipinanganak siya sa Dublin, ngunit madalas na nasa Sligo. Naglalarawan ng mito at alamat ang unang mga nagawang tula ni Yeats, ngunit naging nakatuon sa mga paksang kontemporaryo sa paglaon. Isa sa kanyang pinakabantog na mga tula ang "Si Leda at ang Gansa".
William Butler Yeats | |
---|---|
Kapanganakan | 13 Hunyo 1865[1]
|
Kamatayan | 28 Enero 1939[2]
|
Trabaho | makatà,[2] mandudula,[2] manunulat,[2] politiko, astrologo |
Pirma | |
Kasama si Lady Gregory at iba pa, isa siya sa mga taong nagtatag ng Tanghalan ng Panitikang Irlandes at ng Tanghalang Abbey.
Naging interesado rin siya hermetisismo at teosopiya.
Napanalunan ni Yeats ang Gantimapalang Nobel sa panitikan noong 1923.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- ↑ "William Butler Yeats".
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 https://cs.isabart.org/person/26186; hinango: 1 Abril 2021.