William Harrison Ainsworth
Si William Harrison Ainsworth (4 Pebrero 1805 – 3 Enero 1882) ay isang Ingles na manunulat ng romansa, nobelistang pangkasaysayan, tagapamahayag, at manananggol. Mas itinuturing siya bilang isang bantog o popular na manunulat sa halip na isang dakilang may-akda.[2]
William Harrison Ainsworth | |
---|---|
Kapanganakan | 4 Pebrero 1805[1]
|
Kamatayan | 3 Enero 1882[1]
|
Mamamayan | United Kingdom of Great Britain and Ireland |
Trabaho | manunulat,[1] mamamahayag, nobelista[1] |
Pirma | |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Ainsworth sa Manchester, Ingglatera. Anak na lalaki siya ng isang solisitor. Bagaman may kasanayan sa larangan ng batas, mas naibigan ni Ainsworth ang pagsusulat noong magkaroon ng karanasan sa pamamahayag. Namatay siya sa Reigate, Ingglatera noong 1882.[2]
Mga akda
baguhinAng akdang Rookwood noong 1834 ang tanda ng una niyang pagiging matagumpay sa larangan ng pagsusulat ng romansa. Ikaapat sa kanyang mga nobela ang Tower of London ("Tore ng Londres") na isinulat niya, ayon sa kanya, upang maantig ang kamalayan ng kanyang mga kababayan hinggil sa kasaysayan ng paksang tore.[2]
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.