Para sa pelikulang kinabibidahan ni Charles Laughton, tingnan ang Captain Kidd (pelikula ng 1945).

Si William "Kapitan" Kidd (sirka 1645 – 23 Mayo 1701)[1] ay isang Eskoses na mandaragat na naaalala dahil sa paglilitis at pagpapataw ng parusang kamatayan sa kanya dahil sa bintang na pandarambong o pagiging pirata sa dagat. Pinaratang siya ng ganito pagkaraan makabalik mula sa isang paglalakbay na ginawa niya sa Karagatan ng Indiya. May ilang mga historyador ng makabagong panahon ang nagsasabing hindi makatarungan ang reputasyon ng pagkapiratang idiniin kay Kidd, sapagkat may katibayang gumanap lamang si Kidd bilang isang pribador ng isang pribadong barkong pandigma pinahintulutan ng pamahalaan ng isang bansa upang lumusob sa ibang mga barkong dayuhan o kalaban. Malawak na nagmula ang katanyagan ni Kidd sa sensasyonal na mga sirkunstansiya o kalagayan ng pagtatanong sa kanya sa harap ng Parliyamento ng Inglatera at sa nagaganap na paglilitis. Mas hindi gaanong nakapipinsala at hindi rin gaanong lukratibo ang aktuwal na mga depredasyong ginawa niya habang nasa mga pang-itaas na karagatan, pandarambong man o hindi, kapag inihambing sa iba pang mga kontemporaryong mga pirata at mga pribador.

Si William Kidd o Kapitan Kidd.

Ayon sa aklat na Three Minutes a Day, Volume 39 ("Tatlong mga Minuto sa Isang Araw", ika-39 na Tomo) ng The Christophers, ipinaliwanag sa The Pirate Hunter o "Ang Manunugis ng Mandarambong" ni Richard Zacks na isang tagatugis o manunugis ng mga mandarambong sa dagat si Kidd. Na isang iginagalang na kapitan ng barko si Kidd na hinirang at binabayaran upang manghuli ng mga pirata at kumpiskahin ang mga ninanakaw na mga bagay ng mga ito para sa kanyang mga tagapagtangkilik. Sa halip na maging pirata, pinili ni Kidd na sumali sa isang mutiniya o pag-aaklas. Noong malaman niya ang mga alegasyon na namimirata siya, kasama ang kanyang mga tuhan, kusang loob siyang sumuko na umaasang malinis ang kanyang pangalan. Sa halip, pinarusahan siya ng pagbigti na nakabalot sa mga tanikalang bakal, dahil pinabayaan siya ng kanyang mga dating tagapagtangkilik.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "William Kidd". UXL Encyclopedia of World Biography. 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-18. Nakuha noong 2007-12-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Christophers (2004). "Captain Kidd, Yarr, Me Hearties!". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Setyembre 7.