Karagatang Indiyo

karagatan
(Idinirekta mula sa Karagatan ng Indiya)

Ang Karagatang Indiyo ay ang pangatlong pinakamalaki sa mga pagkakahati ng karagatan sa mundo, na sinasakop ang mga 20% ng tubig sa ibabaw ng Daigdig.[1] Napapaligiran ito ng Asya (kabilang ang subkontinenteng Indiyo, na kung saan pinangalan ito); Aprika sa kanluran; Indotsina, ang mga Pulo ng Sunda, at Awstralya sa silangan; at ang Katimugang Karagatan (o Antartika sa tradisyon) sa timog. Isang bahagi ng pumapalibot sa lahat na Karagatan ng Daigdig, gumuguhit ang Karagatang Indiyo mula sa Karagatang Atlantiko sa 20° silangang meridiyano na tumatakbo timog mula sa Tangway ng Agulhas,[2] at mula sa Pasipiko sa 147° silangang meridiyano. Nasa tinatayang 30° hilaga sa golpong Persiko ang pinakahilagang hanggan ng Karagatang Indiyo at, samakatuwid, walang simetriyang sirkulasyon. Halos 10,000 kilometro (6,200 milya) ang lawak ng karagatang ito sa mga katimugang dulo ng Aprika at Awstralya; may lawak itong 73,556,000 kilometro kuwadrado (28,400,000 milya kuwadrado), kasama ang Dagat na Pula at Golpong Persiko.

Ang Karagatang Indiyano, hindi kabilang ang rehiyon ng Antartika.

Etimolohiya

baguhin

Nakilala ang pangalang Karagatang Indiyo o Indiko mula sa hindi bababa ng 1515 nang naibunyag ang anyong Latin na Oceanus Orientalis Indicus ("Karagatang Silangang Indiko"), na ipinangalan sa Indiya, na umuusli dito. Nakilala itong Eastern Ocean o Karagatang Silanganin, isang katawagan na ginagamit noong kalagitnaan ng ika-18 dantaon, salungat sa Western Ocean o Karagatang Kanluranin (Atlantiko) bago nasapantaha ang Pasipiko.[3] Kabaligtaran naman dito, tinawag ito ng mga manggagalugad na Tsino sa Karagatang Indiyo bilang mga Karagatang Kanluranin.[4]

Sa heograpiya ng Sinaunang Griyego, tinatawag ang rehiyon ng Karagatang Indiyo ng mga Griyego bilang Dagat Eritreya.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Rais, Rasul Bux (1986). The Indian Ocean and the Superpowers: Economic, Political and Strategic Perspectives (sa wikang Ingles). Croom Helm. ISBN 978-0-7099-4241-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Limits of Oceans and Seas Naka-arkibo 2009-10-07 sa Wayback Machine.. International Hydrographic Organization Special Publication No. 23, 1953.
  3. Harper, Douglas. "Indian Ocean". Online Etymology Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hui, C. H. (2010). "Huangming zuxun and Zheng He's Voyages to the Western Oceans". Journal of Chinese Studies (sa wikang Ingles). 51: 67–85. hdl:10722/138150.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Anonymous (1912). Periplus of the Erythraean Sea  (sa wikang Ingles). Sinalin ni Schoff, Wilfred Harvey.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)