Si William Bradford Shockley, Jr. (Pebrero 13, 1910 – Agosto 12, 1989) ay isang Amerikanong pisiko at imbentor. Kasama nina John Bardeen at Walter Houser Brattain, naimbento nina Shockley ang transistor, na dahilan ng pagkakagantimpala sa kanila ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1956.

William Shockley
Kapanganakan13 Pebrero 1910
  • (Kalakhang Londres, London, Inglatera)
Kamatayan12 Agosto 1989
LibinganPalo Alto
MamamayanUnited Kingdom
Estados Unidos ng Amerika
NagtaposCalifornia Institute of Technology
Suriang Pangteknolohiya ng Massachusetts
Trabahopisiko, imbentor, propesor ng unibersidad

Ang pagtatangka ni Shockley sa pagsasakomersiyo ng isang disenyo ng transistor noong mga dekada ng 1950 at ng 1960 ay humantong sa pagiging mainit na kanlungan ng inobasyon sa elektroniks ng "Silicon Valley" ng California. Sa panghuling bahagi ng kaniyang buhay, si Shockley ay naging isang prupesor sa Pamantasan ng Stanford at naging isang matapat na tagapagtangkilik ng euhenika.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "William B. Shockley, 79, Creator of Transistor and Theory on Race". New York Times. 14 Agosto 1989. Nakuha noong 2007-07-21. He drew further scorn when he proposed financial rewards for the genetically disadvantaged if they volunteered for sterilization.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Pisika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.