William Thomas Beckford

Si William Thomas Beckford (1 Oktubre 1760 – 2 Mayo 1844), kadalasang kilala bilang William Beckford, ay isang Ingles na nobelista, manunuri ng sining, manunulat ng paglalakbay, at politiko. Dati siyang Kasapi ng Parlamento para sa Wells mula 1784 hanggang 1790[1], para sa Hindon mula 1790 hanggang 1795 at 1806 hanggang 1820.[2] Naaalala siya bilang ang awtor ng Gotikong nobelang Vathek at tagapagtayo ng Monasteryo ng Fonthill.

William Thomas Beckford
Kapanganakan1 Oktubre 1760
  • (South West England, Inglatera)
Kamatayan2 Mayo 1844
  • (Bath and North East Somerset, Somerset, South West England, Inglatera)
MamamayanKaharian ng Gran Britanya
United Kingdom of Great Britain and Ireland
Trabahomanunulat, politiko, arkitekto, nobelista, kolektor ng sining

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Beckford sa Fonthill, Wiltshire, Inglatera. Anak na lalaki siya ng isang tanyag na Panginoong Alkalde. Noong una, tumanggap siya ng edukasyon mula sa isang pribadong tagapagturo, at pagkaraan sa Hinebra, Switserland. Sa pagsapit sa tamang edad, napagmanahan siya ng isang milyong isterling at nagkaroon ng taunang suweldong L100,000. Pagkaraan nito, napangasawa niya si Lady o Kagalang-galang na Binibining Margaret Gordon, na anak na babae ng Erl ng Aboyne.[3]

Si Beckford ay isa ring manlalakbay at tagahanga at tagapangulekta ng mga larawan at mga aklat. Kilala rin siya sa pagtatago ng sarili sa loob ng dalawampung taon sa tirahang itinayo niya sa Fonthill, Inglatera. Namatay siya noong 1844.[3]

Bilang manunulat

baguhin

Naisulat ni Beckford ang Vathek noong 1781 o 1782 sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi, sa loob ng isang upuan lamang. Noong 1787 lumitaw at nalathala ang Vathek sa orihinal na wikang Pranses. Noong 1784, naunang lumitaw ang bersyong Ingles nito na hindi nagpapakilala ang umakda.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. The House of Commons Constituencies Beginning with "W" Naka-arkibo 2009-05-01 sa Wayback Machine., wcommons2.htm
  2. The House of Commons Constituencies Beginning with "H" Naka-arkibo 2012-12-04 at Archive.is, Hcommons3.htm
  3. 3.0 3.1 3.2 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "William Beckford". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 244.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Inglatera at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.