Pandaigdigang Araw ng Kabataan 1995

(Idinirekta mula sa World Youth Day 1995)

Ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan 1995 o World Youth Day 1995 ay isang pagdiriwang ng kabataan ng Simbahang Romano Katoliko na isinagawa mula Enero 10–15, 1995 sa Maynila, Pilipinas.

X World Youth Day 1995
PetsaJanuary 10–15, 1995
LugarManila, Philippines
UriReligious, youth festival
PaksaAs the Father sent me, so am I sending you (Jn 20:21)

Ito ang unang pagkakataon na ang WYD ay nasa isang bansa sa Asya. Ito rin ang okasyon ng ikalawang pagbisita ni Juan Paulo II sa Pilipinas.

Ang mga kabataang pilgrimo ay nagsama-sama mula sa iba't ibang bahagi ng mundo upang makibahagi sa isa't isang kultura bilang mga kapatid kay Kristo Hesus. Sari-saring pangyayari ang naganap kaugnay sa okasyon, tulad ng Barrio Fiesta kung saan nagtipon-tipon ang iba't ibang grupo ng pilgrimo sa mga parokya na Maynila para mag-kaibigan at mag-saya. Kasama sa selebrasyon ang Santa Misang pang-araw-araw para sa mga pilgrimo.

And Misang Pang-wakas ay ginanap sa Luneta Park kung saan aabot ng 5 milyon tao ang dumalo (pilgrimo at lokal na tao). Ito ang pinakamalaking pag-tititpon kasama ang Santo Papa ayon sa Guinness Book of World Records.

Walong taon malipas ang WYD sa Maynila, nakatalang bumisita muli si Juan Paulo II sa Pilipinas para sa Pandaigdigang Pagpupulong para sa mga Pamilya noong 2003. Subalit dahil sa kaniyang kahinaan ng katawan, hindi siya natuloy. And bisita niya noong 1995 ay ang kaniyang huli sa Pilipinas.

Ang ABS-CBN, PTV, ABC, GMA Network, at RPN ay ang opisyal na pagsasahim-papawid ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan 1995.

Sanggunian

baguhin
  1. Marbella, Winston (1 Mayo 2011). "World Youth Day innovations started in Manila '95". Marbella Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin

Padron:World Youth Day

14°34′56″N 120°58′40″E / 14.58222°N 120.97778°E / 14.58222; 120.97778


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.