Henoponte
Si Henoponte ng Atenas ( /ˈzɛnəfən,_ziʔ,_ʔfɒn/; Sinaunang Griyego: Ξενοφῶν [ksenopʰɔ̂ːn]; c. 430[1] – marahil 355 o 354 BC[2]) ay isang Griyegong pinuno ng militar, pilosopo, at mananalaysay, na ipinanganak sa Atenas. Sa gulang ng 30, nahalal si Henopante bilang kumander ng isa sa pinakamalaking hukbong mersenaryo ng Imperyong Akemenida, ang Sampung Libo, na nagmartsa at halos nakalapit sa pagkuha ng Babilonia noong 401 BC. Sa sinulat ng mananalaysay ng militar na si Theodore Ayrault Dodge, "ang mga siglo simula noon ay walang nagawa na malagpasan ang kahenyohan ng mandirigmang ito".[3] Naitatag ni Henoponte ang mga alinsunuran para sa mga operasyong lohistikal, at isa sa mga unang isalarawan ang mga estratehikong maniobrang pag-aagapay at panlalansi sa labanan.
Sinasalaysay sa Anabasis ni Henopante ang kanyang pakikipagsapalaran kasama ang Sampung Libo habang nasa serbisyo ni Siro ang Mas Bata, ang pagkabigo ni Siro sa kampanya na makuha ang tronong Persa mula kay Artaherhes II ng Persa, at ang pagbabalik ng mga mersenaryong Griyego pagkatapos ng pagkamatay ni Siro sa Labanan ng Kunaksa. Ang Anabasis ay isang kakaiba personal, mapagkumbaba, at sariling-mapanimdim na pag-aalala ng karanasan ng isang pinuno ng militar sa sinaunang panahon. Sa paksa ng mga kampanya sa Asya Mior at sa Babilonia, sinulat ni Henoponte ang Siropedia na pagbabalangkas ng parehong militar at pampolitikang mga kaparaanan na ginamit ni Siro ang Dakila upang sakupin ang Imperyong Neobabiloniko noong 539 BC. Pinukaw ng Anabasis at Siropedia si Alehandro ang Dakila at ibang mga Griyego na sakupin ang Babilonia at Imperyong Akemenida noong 331 BC.[4]
Kinikilala si Henoponte bilang isa sa pinakamamagaling ng mga manunulat ng sinaunang panahon.[5] Ang mga gawa ni Henoponte ay nasa iba't ibang uri at sinulat sa karaniwang wikang Griyegong Atiko, kung kaya ginagamit ito kadalasan sa mga pagsasanay ng pagsasalin ng mga wikang Sinaunang Griyego. Sa Mga Buhay at Mga Opinyon ng Mga Tanyag na Pilosopo (Griyego: Βίοι καὶ γνῶμαι τῶν ἐν φιλοσοφίᾳ εὐδοκιμησάντων; Latin: Vitae Philosophorum), minasid ni Diogenes Laercio na kilala si Henoponte bilang ang "Musang Atiko" dahil ng kanyang kalambingan ng kanyang pananalita.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Strassler et al., xvii Naka-arkibo 2022-04-20 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ Lu, Houliang (2014). Xenophon's Theory of Moral Education (sa wikang Ingles). Cambridge Scholars Publishing. p. 155. ISBN 978-1443871396.
In the case of Xenophon's date of death most modern scholars agree that Xenophon died in his seventies in 355 or 354 B.C.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Theodore Ayrault Dodge, Alexander: A History of the Origin and Growth of the Art of War from Earliest Times to the Battle of Ipsus, B.C. 301, Vol. 1, Houghton Mifflin, 1890, p. 105 (sa Ingles).
- ↑ Nadon, Christopher (2001), Xenophon's Prince: Republic and Empire in the Cyropaedia (sa wikang Ingles), Berkeley: UC Press, ISBN 0520224043
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gray, Vivienne J., pat. (2010). Xenophon (Oxford Readings in Classical Studies) (sa wikang Ingles). Xenophon's works and controversies about how to read them: Oxford University Press. ISBN 978-0199216185.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Diogenes Laërtius. Lives and Opinions of Eminent Philosophers (sa wikang Ingles). Book II, part 6.