Ang Yangzhou, o Yangchow sa romanisasyong postal, ay isang antas-prepektura na lungsod sa gitnang Jiangsu, Tsina. Ito ay nasa hilagang pampang ng Ilog Yangtze, at kahangga nito ang Nanjing na panlalawigang kabisera sa timog-kanluran, Huai'an sa hilaga, Yancheng sa hilagang-silangan, Taizhou sa silangan, at Zhenjiang sa kabilang dako ng ilog sa timog. Ang populasyon nito ay 4,414,681 katao noong senso ng 2010, 2,146,980 sa kanila ay nakatira sa pook urbano nito na kinabibilangan ng tatlong mga distritong urbano na kasalukuyang nasa aglomerasyon nito.

Yangzhou

扬州市

Yangchow
Ang Lawa ng Shouxi, kasama ang Tulay ng Limang Pabilyon
Ang Lawa ng Shouxi, kasama ang Tulay ng Limang Pabilyon
Map
Kinaroroonan ng Yangzhou sa lalawigan ng Jiangsu
Kinaroroonan ng Yangzhou sa lalawigan ng Jiangsu
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Eastern China" nor "Template:Location map Eastern China" exists.
Mga koordinado: 32°24′N 119°25′E / 32.400°N 119.417°E / 32.400; 119.417
BansaRepublikang Bayan ng Tsina
ProvinceJiangsu
Mga dibisyong antas-kondado6 (3 distrito, 2 antas-kondado na lungsod, 1 kondado)
Pamahalaan
 • Puno ng Partido KomunistaXie Zhengyi (谢正义)
 • AlkaldeXia Xinmin (夏心旻)
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod6,678 km2 (2,578 milya kuwadrado)
 • Urban
 (2018)[1]
363 km2 (140 milya kuwadrado)
 • Metro
2,310 km2 (890 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso 2010)
 • Antas-prepektura na lungsod4,459,760
 • Kapal670/km2 (1,700/milya kuwadrado)
 • Urban
 (2018)[1]
1,665,000
 • Densidad sa urban4,600/km2 (12,000/milya kuwadrado)
 • Metro
2,146,980
 • Densidad sa metro930/km2 (2,400/milya kuwadrado)
 Kinabibilangan lamang ang mga may permisong Hukou
Sona ng orasUTC+8 (Oras ng Beijing)
Telepono(0)514
Kodigo ng ISO 3166CN-JS-10
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan苏K
Websaytyangzhou.gov.cn/english (sa Ingles)
Yangzhou
"Yangzhou" sa Pinapayak (taas) at Tradisyonal (baba) mga Tsinong panitik
Pinapayak na Tsino扬州
Tradisyunal na Tsino揚州
Kahulugang literal"Prepektura ng Yang"

Isa rati ang Yangzhou sa pinakamayamang mga lungsod sa Tsina, na nakilala sa maraming mga panahon sa kaniyang dakilang mga pamilya ng mga mangangalakal, mga manunula, mga dalubsining, at mga pantas. Ang pangalan nito (literal na "Bumabangong Prepektura") ay tumutukoy sa dating katayuan nito bilang kabisera ng sinaunang prepektura ng Yangzhou sa imperyal na Tsina. Isa ang Yangzhou sa unang mga lungsod na nakinabang sa isa sa pinakaunang mga pautang mula sa Bangkong Pandaigdig sa Tsina, na ginamit upang itayo ang thermal power station ng Yangzhou noong 1994.[2][3]

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Yangzhou sa isang kapatagan sa hilaga ng Ilog Yangtze. Ang Dakilang Kanal, na kilala rin bilang Kanal ng Jing-Hang, ay tumatawid sa antas-prepektura na lungsod mula hilaga-patimog; dumaraan ang kasalukuyang ruta nito sa silangang mga labas na dako ng pook urbano ng Yangzhou, habang ang lumang ruta nito ay dumaraan sa sentro ng lungsod. Ang iba pang mga anyong tubig sa loob ng antas-prepektura na lungsod ay ang Ilog Baoshe, Ilog Datong, Ilog Beichengzi, Kanal ng Tongyang, Kanal ng Xintongyang, Lawa ng Baima, Lawa ng Baoying, Lawa ng Gaoyou at Lawa ng Shaobo.

Tulad ng malaking bahagi ng kabuoang antas-prepektura na lungsod, paroo't parito ang isang masikot-sikot (intringkado) na sistema ng mga kanal at maliit na lawa sa pangunahing pook urbano ng Yangzhou (ang "city proper" o "poblasyon" nito). Ang makasaysayang sentro ng lungsod (ang dating napapaderang lungsod) ay pinalilibutan ng mga kanal sa lahat ng mga panig nito: ang Lumang Dakilang Kanal ay bumubuo sa silangan at katimugang mga hangganan nito; ang Kanal ng Bambang ng Lungsod (City Moat Canal) ay tumatahak sa hilagang hangganan ng dating napapaderang lungsod at ini-uugnay ang Lumang Dakilang Kanal sa Lawa ng Shouxi (Slender West Lake); ang Kanal ng Erdaohe ay tumatahak sa kanlurang hangganan ng dating lungsod, mula sa Lawa ng Shouxi patungong Dagat-Dagatan ng Bulaklak ng Lotus (Lotus Flower Pond o Hehuachi), na nakaugnay naman sa Lumang Dakilang Kanal sa pamamagitan ng maiksing kanal ng Erdaogou.[4] Maaring lumayag mula Lawa ng Shouxi patungong Lumang Dakilang Kanal sa pamamagitan ng Erdaohe, Dagat-Dagatan ng Hehua, at ng Erdaogou gamit ang isang maliit na bangka.[5]

Pamamahala

baguhin

Kasalukuyang namamahala ang antas-prepektura na lungsod ng Yangzhou sa anim na mga dibisyong antas-kondado, kabilang ang tatlong mga distrito, dalawang antas-kondado na mga lungsod at isang kondado. Ang mga ito ay nahahati pa sa 98 mga dibisyong antas-township, kasama ang 87 mga bayan at township, at 11 mga subdistrito.

Mapa
Subdibisyon Pinapayak na Tsino Hanyu Pinyin Populasyon (2010) Lawak (km2) Kapal ng populasyon (/km2)
City Proper
Distrito ng Guangling 广陵区 Guǎnglíng Qū 340,977 423.09 805.92
Distrito ng Hanjiang 邗江区 Hánjiāng Qū 1,051,322 552.68 1,902.23
Suburban
Distrito ng Jiangdu 江都区 Jiāngdū Qū 1,006,780 1,329.90 757.03
Rural
Kondado ng Baoying 宝应县 Bǎoyìng Xiàn 752,074 1,461.55 514.57
Mga karatig lungsod (antas-kondado na lungsod)
Yizheng 仪征市 Yízhēng Shì 563,945 902.20 625.08
Gaoyou 高邮市 Gāoyóu Shì 744,662 1,921.78 387.49
Kabuoan 4,459,760 6,591.21 676.62
Noong Nobyembre 2011, sinanib ang Distrito ng Weiyang () sa Distrito ng Hanjiang,
habang ang dating antas-kondado na lungsod ng Jiangdu ay naging distrito ng Jiangdu.[6]

Mga kapatid na lungsod

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  • Austin, Alvyn (2007). China’s Millions: The China Inland Mission and Late Qing Society. Grand Rapids, Michigan: Eerdmans. ISBN 978-0-8028-2975-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Finnane, Antonia (2004). Speaking of Yangzhou: A Chinese City, 1550 - 1850. Cambridge, Massachusetts: Harvard Asia Center. ISBN 0674013921.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Hay, Jonathan (2001). Shitao: Painting and Modernity in Early Qing China. New York: Cambridge University Press. ISBN 0-521-39342-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Ho, Ping-ti (1954). "The Salt Merchants of Yang-chou: A Study of Commercial Capital in Eighteenth-Century China,"Harvard Journal of Asiatic Studies, 17: 130-168.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Hsü, Ginger Cheng-chi (2001). A Bushel of Pearls: Painting for Sale in Eighteenth-Century Yangchow. Stanford, California: Stanford University Press. ISBN 0-8047-3252-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Meyer-Fong, Tobie (2003). Building Culture in Early Qing Yangzhou. Stanford, California: Stanford University Press. ISBN 0-8047-4485-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Olivová, Lucie, and Vibeke Børdahl (2009). Lifestyle and entertainment in Yangzhou. Copenhagen: NIAS Press. ISBN 978-87-7694-035-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  • "Yangzhou." Encyclopedia of China. ed. Dorothy Perkins. Chicago: Roundtable Press. 1999. ISBN 1-57958-110-2
  • Schinz, Alfred (1996). The magic square: cities in ancient China. Edition Axel Menges. ISBN 3-930698-02-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Yule, Henry (2002), The Travels of Friar Odoric{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 Cox, Wendell (2018). Demographia World Urban Areas. 14th Annual Edition (PDF). St. Louis: Demographia. p. 22.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Project documents and reports - Yangzhou thermal power project". www.projects.worldbank.org/. World Bank. Nakuha noong 5 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Worldbank report - 1994 - Yangzhou thermal power plant loan" (PDF). www.documents.worldbank.org. World bank. Nakuha noong 5 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 古运河—荷花池—瘦西湖水上游览线全部贯通 Naka-arkibo 2015-05-28 sa Wayback Machine. (The Old Grand Canal - Hehua Pond - Thin West Lake tourist waterway is fully open), 2010-09-20
  5. 绿杨城郭水上游4·18亮相 Naka-arkibo 2015-05-28 sa Wayback Machine., 2011-3-29; see the map in this article
  6. 江苏扬州行政区划调整 江都市改区维扬区被撤销 (sa wikang Tsino). China Network Television. 14 Nobyembre 2011. Nakuha noong 2012-01-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Yangzhou, China". City of Kent, Washington. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-20. Nakuha noong 2020-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Yangzhou, China - sister city". Neubrandenburg, Germany website.
  9. "Offenbach und seine Partnerstädte". City of Offenbach. 21 April 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 25 September 2016. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  10. "About Sister Cities". Sister Cities New Zealand.
  11. "Sister Cities Committee". Westport, Connecticut. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-23. Nakuha noong 2020-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin

  Gabay panlakbay sa Yangzhou mula sa Wikivoyage