Ang Taizhou ay isang antas-prepektura na lungsod sa gitnang bahagi ng lalawigan ng Jiangsu sa silangang Tsina. Ito ay nasa hilagang pampang ng Ilog Yangtze, at hinahangganan ng Nantong sa kanluran, Yancheng sa hilaga at Yangzhou sa kanluran.

Taizhou

泰州市

Taichow
Gusaling pamahalaan ng Distrito ng Hailing sa kabayanan ng Taizhou
Gusaling pamahalaan ng Distrito ng Hailing sa kabayanan ng Taizhou
Map
Mapang inilalarawan ang teritoryong administratibo ng Taizhou
Mapang inilalarawan ang teritoryong administratibo ng Taizhou
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Eastern China" nor "Template:Location map Eastern China" exists.
Mga koordinado: 32°27′N 119°55′E / 32.450°N 119.917°E / 32.450; 119.917
BansaRepublikang Bayan ng Tsina
LalawiganJiangsu
Pamahalaan
 • AlkaldeXu Guoping[1]
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod5,787.254 km2 (2,234.471 milya kuwadrado)
 • Urban
1,567.1 km2 (605.1 milya kuwadrado)
 • Metro
1,567.1 km2 (605.1 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso 2010)
 • Antas-prepektura na lungsod4,618,937
 • Kapal800/km2 (2,100/milya kuwadrado)
 • Urban
1,607,108
 • Densidad sa urban1,000/km2 (2,700/milya kuwadrado)
 • Metro
1,607,108
 • Densidad sa metro1,000/km2 (2,700/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Tsina)
Kodigong postal
225300 (Urban center)
214500, 225400, 225500, 225600, 225700 (Other areas)
Kodigo ng lugar523
Kodigo ng ISO 3166CN-JS-12
GDP¥270.2 billion (2012)
GDP sa bawat tao¥58,478 (2012)
Pangunahing mga kabansaanHan
Mga dibisyong antas-kondado6
Mga dibisyong antas-township105
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan苏M
Websayttaizhou.gov.cn
Taizhou
"Tàizhōu", pasulat sa Tsino
Tsino泰州
Hanyu PinyinTàizhōu
PostalTaichow

Ayon sa senso 2010, may populasyon itong 4,618,937 katao, 1,607,108 sa kanila ay nasa built-up area (o kalakhang pook) na binubuo ng tatlong mga distritong urbano: Hailing, Jiangyan, at Gaogang.[2] Dalawang antas-kondado na mga lungsod ay may higit sa isang milyong katao – Xinghua na may 1,253,548 katao at Taixing na may 1,073,921 katao – kapuwang kabilang sa pinakamahalagang antas-kondado na mga lungsod sa Tsina. Itinuturing ni Hu Jintao na dating Kalihim Heneral ng Partido Komunista ng Tsina ang Taizhou bilang kaniyang sariling bayan, gayon din si Mei Lanfang na isa sa mga bantog na artista ng Peking opera sa makabagong kasaysayan ng Tsina.

Kasaysayan

baguhin

Ayon sa paniniwala, nakilala ang Taizhou bilang "Hǎiyáng" (海陽) noong panahon ng Tagsibol at Taglagas.[3]

Bilang bahagi ng Linhuai Commandery, itinatag ang Kondado ng Hailing sa kasalukuyang Taizhou, noong panahon ng Kanluraning Han. Ipinapahiwatig ng pangalan nito "Hǎilíng" (海陵) na isa itong mataas na lugar sa baybaying dagat. Hiniwalay ang Hailing at mga kalapit na pook nito mula Yangzhou upang makatatag ng isang prepektura, Tai zhou, noong 937 PK nang namuno sa lugar si Li Bian ng Katimugang Tang. Noong 939 PK, ikinulong ni Li ang naulilang pamilyang Yang sa Palasyo ng Yongning, Taizhou, kasunod ng pagkamatay ni Yang Pu.

Ini-angat sa "lu" (circuit o isang uri ng distrito) ang katayuan ng Taizhou noong 1277, ngunit ibinalik at isinanib sa Yangzhou pitong taon pagkaraan nito.

Sa pasimula ng panahong Republikano sa Tsina, ginawang kondado ng Tai ang Tai zhou, at kinuha ito ng Partido Komunista ng Tsina noong Enero 21, 1949. Hiniwalay ang kabayanan ng kondado na naging lungsod ng Taizhou, na luklukan ng Komisyong Administratibo ng Hilagang Jiangsu hanggang Nobyembre. Itinatag ang Hukbong Pandagat ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (PLA Navy) sa Baimamiao, kondado ng Tai noong Abril 23, 1949.[4] Isinanib ang kondado at lungsod upang maging bagong kondado ng Tai noong Mayo 1950, ngunit ibinalik noong Oktubre. Muling sinanib ang dalawa noong 1958, subalit hiniwalay muli noong 1962.

Mga paghahating pampangasiwaan

baguhin

Pinamamahala ng antas-prepektura na lungsod ng Taizhou ang anim na mga mga dibisyong antas-kondado, kasama ang dalawang mga distrito at apat na antas-kondado na mga lungsod.

Nahahati pa ang mga ito sa 105 mga dibisyong antas-township, kasama ang 91 mga bayan, walong mga township at anim na mga subdistrito.

Map
Subdibisyon Hanzi Pinyin Populasyon (2010) Lawak (km2) Kapal ng populasyon
Kabayanan (poblasyon)
Distrito ng Hailing 海陵区 Hǎilíng Qū 594,656 337.9 1,760
Sa naik
Distrito ng Gaogang 高港区 Gāogǎng Qū 283,807 301.7 941
Distrito ng Jiangyan 姜堰区 Jiāngyàn Qū 728,645 927.53 786
Mga kalapit na (lungsod)
Jingjiang 靖江市 Jìngjiāng Shì 684,360 665.6 1,044
Taixing 泰兴市 Tàixīng Shì 1,073,921 1,169.56 891.8
Xinghua 兴化市 Xīnghuà Shì 1,253,548 2,394.96 523
Kabuoan 4,618,937 5,787.25 798

Mga ugnayang pandaigdig

baguhin

Mga kambal at kapatid na lungsod

baguhin

Magkakambal ang Taizhou sa:

Mga sanggunian

baguhin
  1. "About Mayor". Taizhou City Council. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 2 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "China: Jiāngsū (Prefectures, Cities, Districts and Counties) - Population Statistics, Charts and Map". www.citypopulation.de.
  3. 江苏省志・地理志 [Jiangsu Provical Gazetteer, Volume on Geography] (PDF). Jiangsu Guji Press. 1999. pp. 86–7. ISBN 978-7-806-43266-2. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-11-05. Nakuha noong 2020-03-27.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "4月23日 中国人民海军成立". Minister of National Defense, PRC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-30. Nakuha noong 2020-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Sister-city relationships". Taizhou City Council. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 2 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Hassinen, Raino. "Kotka - International co-operation: Twin Cities". City of Kotka. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-29. Nakuha noong 2013-10-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Some 15 Finnish towns have twinned with friendship cities in China". Helsingin Sanomat International Edition. 2013-06-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-23. Nakuha noong 2013-07-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin

  Gabay panlakbay sa Taizhou, Jiangsu mula sa Wikivoyage