Ang Taizhou (pagbigkas sa Pamantayang Mandarin ng PRC: [tʰáɪ̯.t͡ʂɤ́ʊ̯] ( pakinggan), wikaing Taizhou: Tetsiu), salitang tinatawag na Taichow, ay isang lungsod sa gitnang baybaying-dagat ng Dagat Silangang Tsina ng lalawigan ng Zhejiang. Ito ay matatagpuan 300 kilometro (190 milya) timog ng Shanghai at 230 kilometro (140 milya) timog-silangan ng Hangzhou, ang kabiserang panlalawigan. Hinahangganan ito ng Ningbo sa hilaga, Wenzhou sa timog, at Shaoxing, Jinhua, at Lishui sa kanluran. Bukód sa mismong munisipalidad, kasama sa nasásaklawan ng antas-prepektura na lungsod ng Taizhou ang 3 mga distrito, 2 antas-kondado na mga lungsod, at 4 mga kondado.

Taizhou

台州市

Te Tsiu
Tanawin ng sentrong urbano ng Taizhou
Tanawin ng sentrong urbano ng Taizhou
Map
Kinaroroonan ng Lungsod ng Taizhou sa Zhejiang
Kinaroroonan ng Lungsod ng Taizhou sa Zhejiang
Taizhou is located in China
Taizhou
Taizhou
Kinaroroonan sa Tsina
Mga koordinado: 28°40′N 121°21′E / 28.667°N 121.350°E / 28.667; 121.350
BansaRepublikang Bayan ng Tsina
LalawiganZhejiang
Mga dibisyong antas-kondado9
Pamahalaan
 • Kalihim ng CPCWu Weirong (吴蔚荣)
 • AlkaldeZhang Bing (张兵)
Lawak
 • Lupa9,411 km2 (3,634 milya kuwadrado)
 • Urban
1,536 km2 (593 milya kuwadrado)
 • Metro
2,372 km2 (916 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook
1,382 m (4,534 tal)
Pinakamababang pook
0 m (0 tal)
Populasyon
 (Senso 2010[1])
 • Antas-prepektura na lungsod5,968,838
 • Urban
1,902,510
 • Densidad sa urban1,200/km2 (3,200/milya kuwadrado)
 • Metro
3,269,304
 • Densidad sa metro1,400/km2 (3,600/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Tsina)
Kodigong postal
318000, 317000
Kodigo ng lugar576
Kodigo ng ISO 3166CN-ZJ-10
GDP 2018[2]¥487.5 bilyon
GDP sa bawat tao, 2018¥79541 (USD 12020)
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan浙J
Websaytzjtz.gov.cn
Puno
Mei (Prunus mume),
Camphor tree (Cinnamomum camphora)Bulaklak
Sweet Osmanthus (Osmanthus fragrans)

Kadalasang tumutukoy ang pook urbano ng Taizhou sa kabuoan ng mga distrito ng Jiaojiang, Huayan at Luqiao, at kasama naman sa kalakhang Taizhou ang lungsod ng Wenling, kailangan ng sanggunian para sa orihinal na datos ng pook urbano at kalakhang pook. [kailangan ng sanggunian]
Taizhou
"Taizhou", pasulat sa Tsino
Tsino台州
Hanyu PinyinPRC Standard Mandarin: tungkol sa tunog na ito Tāizhōu
ROC Standard Mandarin: Táizhōu
WuT'e-tsiu (Taizhounese)
PostalTaichow

Batay sa senso 2010, mayroong 5,968,838 katao ang antas-prepektura na lungsod. 3,269,304 sa kanila ay nasa kalakhan o built-up na pook na binubuo ng 3 mga distritong urbano at Lungsod ng Wenling na malakihang sakop na ngayon ng conurbation nito.

Etimolohiya

baguhin

Pinaniniwalaang nagmula ang pangalan ng Taizhou sa kalapit na Bundok Tiantai.

Kasaysayan

baguhin
 
Sinaunang pader ng lungsod ng Linhai

Limandaang taon na ang nakalilipas, nagsimulang tumira ang mga ninuno ng kasalukuyang mga mamamayan ng Taizhou ang lugar na ito. Noong mga dinastiyang Xia, Shang, at Zhou, panahong nakatuon ang estadong Tsino sa limasan ng Ilog Dilaw, bahagi ng kaharian ng Dong'ou ang pook ng kasalukyang Taizhou. Kasunod ng mga panlulupig ng Imperyong Qin noong ika-3 dantaon BK, may isang pamayanan sa lugar na kinilalang Bayan ng Huipu. Unang nakabilang ito sa Prepektura ng Minzhong, ngunit nilipat ito sa Prepektura ng Kuaiji noong dinastiyang Han.

Noong Agosto 22, 1994, itinatag ang Munisipalidad ng Taizhou bilang kapalit sa Prepektura ng Taizhou at pinagtibay ito ng Konseho Estado. Noong 1999, inaproba ng Konseho Estado ang Taizhou upang maging pangunahing lungsod sa estrukturang urbanisasyon ng Zhejiang at sentro ng sub-sona ng unang-klaseng ekonomiya. Pinagtibay ng Pambansang Komisyon ng Pagpapaunlad at Reporma noong Agosto 15, 2003, pormal na naging isa sa 16 lungsod ng Delta ng Ilog Yangtze ang Taizhou.

Heograpiya

baguhin

Ang Taizhou ay may mahabang baybaying-dagat na 651 kilometro (405 milya) ang haba at kalat ng maraming mga pulo, pinakamalaki sa mga ito ay Pulo ng Yuhuan sa timog.[3] Karaniwang patag ang mga pook baybaying-dagat sa silangan, na may paminsan-minsang maburol na lupain. Mabunok ang mga silangan at hilagang bahagi ng Taizhou, kalakip ng Kabundukang Yandangshan sa timog-kanluran, Kabundukang Kuocang (Tsino: 括苍山; pinyin: Kuòcāng Shān) sa kanluran, at Bundok Tiantai sa hilagang-kanluran. Ang pinakamataas na punto ng Taizhou ay Mishailang (Tsino: 米筛浪; pinyin: Mǐshāilàng), isang 1,382.4 metro (4,535 talampakang) bundok sa Kabundukang Kuocang na siya ring pinakamataas na punto sa silangang bahagi ng lalawigan ng Zhejiang.[3]

Taizhou
Tsart ng klima (paiwanag)
EPMAMHHASOND
 
 
38
 
 
12
5
 
 
80
 
 
12
6
 
 
79
 
 
17
9
 
 
75
 
 
21
13
 
 
178
 
 
26
19
 
 
262
 
 
29
23
 
 
132
 
 
33
26
 
 
261
 
 
32
25
 
 
146
 
 
29
23
 
 
101
 
 
25
18
 
 
90
 
 
19
13
 
 
116
 
 
13
5
Katamtamang pinakamataas at pinakamababang temperatura sa °C
Mga kabuuang presipitasyon sa mm
Batayan: tianqi.2345.com

May mahalumigmig na klimang subtropiko (Köppen Cfa) ang Taizhou, na may apat na mga panahong pagkakakilanlan. Nakikilala ang klima nito dahil sa mainit at mahalumigmig na mga tag-init at mas-tuyo at maginaw na mga taglamig na may paminsan-minsang pag-ulan ng niyebe. Minsang binabayo ito ng mga bagyo tuwing tag-init. Ang taunang katamtamang temperatura ay 16.6 hanggang 17.5 °C (61.9 hanggang 63.5 °F) mula hilaga hanggang timog na pook-baybaying dagat, habang mula 1,185 hanggang 2,029 milimetro (46.7 hanggang 79.9 pulgada) ang taunang katamtamang pag-ulan nito.

Datos ng klima para sa Taizhou, 2013-2015
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 12.2
(54)
12.4
(54.3)
17.0
(62.6)
21.3
(70.3)
25.5
(77.9)
28.6
(83.5)
32.6
(90.7)
32.3
(90.1)
28.8
(83.8)
25.0
(77)
19.4
(66.9)
12.8
(55)
22.3
(72.1)
Arawang tamtaman °S (°P) 8.4
(47.1)
9.1
(48.4)
13.1
(55.6)
17.3
(63.1)
22.1
(71.8)
25.6
(78.1)
29.1
(84.4)
28.8
(83.8)
25.7
(78.3)
21.3
(70.3)
16.0
(60.8)
9.1
(48.4)
18.8
(65.8)
Katamtamang baba °S (°P) 4.6
(40.3)
5.9
(42.6)
9.2
(48.6)
13.2
(55.8)
18.8
(65.8)
22.6
(72.7)
25.5
(77.9)
25.3
(77.5)
22.5
(72.5)
17.7
(63.9)
12.6
(54.7)
5.4
(41.7)
15.3
(59.5)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 37.6
(1.48)
79.7
(3.138)
79.1
(3.114)
74.5
(2.933)
178.3
(7.02)
262.3
(10.327)
131.8
(5.189)
260.9
(10.272)
145.6
(5.732)
101.4
(3.992)
89.5
(3.524)
116.2
(4.575)
1,556.8
(61.291)
Sanggunian #1: Tianqi.com,[4]
Sanggunian #2: Jiaojiang Agricultural and Forestry Website[5]

Demograpiya

baguhin

Ayon sa senso 2010, ang kabuoang populasyon ng Taizhou na kinabibilangan ng buong antas-prepektura na lungsod at mga pantulong na kondado ay 5,968,838 katao, kalakip ng 3,269,304 na katao sa umuusbong na built-up area na binubuo ng 3 mga distritong urbano – Jiaojiang, Huangyan at Luqiao – at Lungsod ng Wenling na malakihang urbanisado na.

 
Distrito ng Huangyan, Taizhou

Mga paghahating pampangasiwaan

baguhin

Kasalukuyang namamahala ang antas-prepektura na lungsod ng Taizhou sa 3 mga distrito, 3 antas-kondado na mga lungsod at 3 mga kondado.

Mapa
Name Hanzi Hanyu Pinyin Wikaing Taizhou
Distrito ng Jiaojiang 椒江区 Jiāojiāng Qū Ciaukong Khiu
Distrito ng Huangyan 黄岩区 Huángyán Qū Wongniae khiu
Distrito ng Luqiao 路桥区 Lùqiáo Qū Lugiau khiu
Lungsod ng Linhai 临海市 Línhǎi Shì Linghe Zy
Lungsod ng Wenling 温岭市 Wēnlǐng Shì Uengling Zy
Lungsod ng Yuhuan 玉环市 Yùhuán Shì Niukwae Zy
Kondado ng Sanmen 三门县 Sānmén Xiàn Saemeng Yoe
Kondado ng Tiantai 天台县 Tiāntāi Xiàn Thiethai Yoe
Kondado ng Xianju 仙居县 Xiānjū Xiàn Shiekiu Yoe

Mga kapatid na lungsod

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.citypopulation.de/php/china-zhejiang-admin.php
  2. "2018 GDP of Taizhou". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-15. Nakuha noong 2020-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Location Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. Taizhou Information Center, Taizhou Government
  4. "Weather History for Taizhou". tianqi.2345.com. Nakuha noong 2016-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Weather Information for Agriculture(Jiaojiang, Taizhou)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-17. Nakuha noong 2016-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Internationale Beziehungen". hanau.de (sa wikang Aleman). Hanau. Nakuha noong 2019-11-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin

  Gabay panlakbay sa Taizhou, Zhejiang mula sa Wikivoyage