Ang Dinastiyang Zhou (Tsino: 周朝; pinyin: Zhōu cháo) (1112–256 BK) ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina. Nagsimula ito nang natalo ang mga Shang ng mga Zhou (Chou). Itinatag ang Dinastiyang Zhou na namahala sa loob ng 900 taon, pinakamahaba sa lahat ng dinastiya. Sa panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang pampolitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal na panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari. Bilang kapalit kailangang maging tapat ang mga pyudal na panginoong maylupa sa hari. Dito rin umiral ang Ginintuang Panahon ng Pilosopiya na pinangunahan nina Confucius at Lao-tzu. Kahit maraming digmaan sa dinastiya, masasabing sa panahong ito maraming pag-unlad ang naganap. Sa panahong ito, natutunan ang pag-araro at pagamit ng matutulis na sandatang yari sa bakal. Napaunlad din ang irigasyon para sa patubig ng mga pananim. Ang mag-amang sina Wu Wang at Ch'eng Wang at ang kapatid na duke ng una ang tatlong bayani na kinikalala ng mga Zhou.

Dinastiyang Zhou
周朝
c. 1046 BK–256 BK
Konsentrasyon ng populasyon at hangganan ng Kanlurang Dinastyang Zhou (1050-771 BK) sa Tsina
Konsentrasyon ng populasyon at hangganan ng Kanlurang Dinastyang Zhou (1050-771 BK) sa Tsina
KatayuanKaharian
Kabisera
Karaniwang wikaLumang Tsino
Relihiyon
Katutubong Tsinong relihiyon, Pagsamba sa mga ninuno, Pagsamba sa kalangitan[2]
PamahalaanPyudal na monarkiya
Hari 
• m. 1046–1043 BK
Haring Wu
• 781–771 BK
Haring You
• 770–720 BK
Haring Ping
• 314–256 BK
Haring Nan
Kanselor 
Kasaysayan 
• Labanan ng Muye
c. 1046 BK
• Rehensiya ng Gonghe
841–828 BK
• Paglipat sa Wangcheng
771 BK
• Pagpapatalsik kay Haring Nan ng Zhou ng Estadong Qin
256 BK
• Pagbagsak ng huling mga muog ng Zhou
249 BK
Populasyon
• 273 BK
30,000,000
• 230 BK
38,000,000
SalapiMostly spade coins and knife coins
Pinalitan
Pumalit
Dinastiyang Shang
Dinastiyang Qin
Bahagi ngayon ng Tsina
Dinastiyang Zhou
"Zhou" in ancient bronze script (top), seal script (middle), and modern (bottom) Chinese characters
Tsino周朝
Kasaysayan ng Tsina
Kasaysayan ng Tsina
Kasaysayan ng Tsina
SINAUNA
Neolitikong Tsina c. 8500 - c. 2070 BCE
Dinastiyang Xia c. 2070 – c. 1600 BCE
Dinastiyang Shang 1600–1046 BCE
Dinastiyang Zhou c. 1046 – 256 BCE
  Kanluraning Zhou
  Silanganing Zhou
    Panahon ng Tagsibol at Taglagas
    Panahon ng Nagdirigmaang mga Estado
IMPERYAL
Dinastiyang Qin 221 BCE–206 BCE
Dinastiyang Han 206 BCE–220 CE
  Kanluraning Han
  Dinastiyang Xin
  Silanganing Han
Tatlong Kaharian 220–280
  Wei, Shu & Wu
Dinastiyang Jin 265–420
  Kanluraning Jin Labing-anim na Kaharian 304–439
  Silanganing Jin
Katimugan at Hilagaing mga Dinastiya 420–589
Dinastiyang Sui 581–618
Dinastiyang Tang 618–907
  ( Ikalawang Zhou 690–705 )
Limang Dinastiya at Sampung Kaharian
907–960
Dinastiyang Liao
907–1125
Dinastiyang Song
960–1279
  Hilagaing Song Kanluraning Xia
  Katimugang Song Jin
Dinastiyang Yuan 1271–1368
Dinastiyang Ming 1368–1644
Dinastiyang Qing 1644–1912
MAKABAGO
Republika ng Tsina 1912–1949
Republikang Bayan
ng Tsina
1949–kasalukuyan

Republika ng Tsina
(Taiwan) 1949–kasalukuyan

Naipasa sa dinastiyang Zhou ang Basbas ng Langit at ang titulo na Anak ng Langit. Naimbento ang bakal na araro. Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng Huang Ho. Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan. Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at gumamit ng chariot. Dahil malawak ang teritoryo ng Zhou, humina ang kontrol nito sa nasasakupang estadong lungsod. Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado. Lumitaw ang pilosopiyang Confucianismo at Taoismo. Si Confucius ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.

Mga nota

baguhin
  1. Fenghao is the modern name for the twin city formed by the Western Zhou capitals of Haojing and Fēngjīng.
  2. The exact location of Wangcheng and its relation to Chengzhou is disputed. According to Xu Zhaofeng, "Chengzhou" and "Wangcheng" were originally synonymous and used to name the same capital city from 771 to 510 BK. "The creation of a distinction between Wangcheng and Chengzhou probably occurred during the reign of King Jing", under whom a new capital "Chengzhou" was built to the east of the old city "Wangcheng". Nevertheless, the new Chengzhou was still sometimes called Wangcheng and vice versa, adding to the confusion.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Considering Chengzhou ("Completion of Zhou") and Wangcheng ("City of the King")" (PDF). Xu Zhaofeng. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong Hulyo 22, 2015. Nakuha noong 22 Hulyo 2015. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Encyclopædia Britannica: Tian". Nakuha noong 17 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.