Mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina

Namamanang pamumuno sa kasaysayan ng Tsina
(Idinirekta mula sa Dynasties in Chinese History)

Ang mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina ay ang pagkakasunud-sunod ng pagpapalitan ng mga pinuno at tagapamahalang kabilang sa iisang mag-anak o "kabahayan" sa loob ng maraming mga salinlahi sa bansang Tsina. Sa katotohanan, madalang na makitang malinis ang kasaysayan ng Tsina, hindi katulad ng palagiang inilalahad, at madalang din talaga para sa isang dinastiyang magtapos ng mahinahon at kaagad at matiwasay na nagbibigay daan sa isang bago. Karaniwang naitatag ang mga dinastiya bago mamatay ang isang nangangasiwang pamahalaan, o nagpapatuloy magpahanggang isang kapanahun matapos na malupig sila.

Kasaysayan ng Tsina
Kasaysayan ng Tsina
Kasaysayan ng Tsina
SINAUNA
Neolitikong Tsina c. 8500 - c. 2070 BCE
Dinastiyang Xia c. 2070 – c. 1600 BCE
Dinastiyang Shang 1600–1046 BCE
Dinastiyang Zhou c. 1046 – 256 BCE
  Kanluraning Zhou
  Silanganing Zhou
    Panahon ng Tagsibol at Taglagas
    Panahon ng Nagdirigmaang mga Estado
IMPERYAL
Dinastiyang Qin 221 BCE–206 BCE
Dinastiyang Han 206 BCE–220 CE
  Kanluraning Han
  Dinastiyang Xin
  Silanganing Han
Tatlong Kaharian 220–280
  Wei, Shu & Wu
Dinastiyang Jin 265–420
  Kanluraning Jin Labing-anim na Kaharian 304–439
  Silanganing Jin
Katimugan at Hilagaing mga Dinastiya 420–589
Dinastiyang Sui 581–618
Dinastiyang Tang 618–907
  ( Ikalawang Zhou 690–705 )
Limang Dinastiya at Sampung Kaharian
907–960
Dinastiyang Liao
907–1125
Dinastiyang Song
960–1279
  Hilagaing Song Kanluraning Xia
  Katimugang Song Jin
Dinastiyang Yuan 1271–1368
Dinastiyang Ming 1368–1644
Dinastiyang Qing 1644–1912
MAKABAGO
Republika ng Tsina 1912–1949
Republikang Bayan
ng Tsina
1949–kasalukuyan

Republika ng Tsina
(Taiwan) 1949–kasalukuyan

Dinastiya sa kasaysayan ng Tsina

Bilang karagdagan, nahati ang Tsina sa mahahabang mga kapanahunan ng kasaysayan, na may iba't ibang mga rehiyong pinamamahalaan ng iba't ibang mga pangkat. Sa panahong tulad nito, isang nagkakaisang Tsina. Bilang isang kasong tinatalakay, maraming pagtatalo hinggil sa mga panahon sa loob at pagkalipas ng kapanahunan ng Kanluraning Dinastiyang Zhou. Ang isang halimbawa ng isang dinastiya na nahati pero gumagamit parin ng parehas na pangalan ay ang Dinastiyang Zhou, na may Silangang Bahagi at Kanluraning Dinastiyang Zhou. Sapat na ang isang halimbawa na maaaring makapagdulot ng kalituhan:

Nilalahad sa nakaugaliang petsang 1644 ang taon kung kailan sinakop ng mga hukbong Manchu ng Dinastiyang Qing ang Beijing at nagdala ng pamamahalang Qing sa mismong Tsina, kapalit ng dinastiyang Ming. Subalit, inilunsad ang mismong dinastiyang Qing noong 1636 (o maaaring 1616 din, na maaaring nasa ilalim ng ibang pangalan), habang hindi pa natatanggal ang huling tagapagpanggap ng dinastiyang Ming noong 1662, kaya't hindi tumpak na akalaing nagbago ang Tsina sa isang iglap lamang noong taong 1644.

Dinastiyang Qin

baguhin
Si Qin Shi Huang.

Pinaniwalaan ni Qin Shi Huang (o Shi Huang Ti), ang unang emperador ng Imperyong Tsina/ dinastiyang Qin, na magtatagal ang kaniyang imperyo ng may 10,000 salinlahi. Subalit nang mamatay siya, nagkaroon ng isang pag-aalsang nagpaalis sa kaniyang anak na lalaki mula sa palasyo, kaya't napalitan ng isa pang emperador. Mayroong ganitong mga paghihimagsik sa loob ng 20,000 mga taon, na nagaganap kapag mahina o mahigpit ang isang emperador. Ayon sa kasabihang Intsik, nawawala ang pagtangkilik ng Kalangitan kapag napalitan ang isang naghaharing mag-anak o angkan.[1]

Mahigit sa 20 mga dinastiya ang namuno sa Tsina sa loob ng 20,000 mga taon, kabilang ang mga mas kilalang mga dinastiyang Han, Tang, Song, at Ming, na nagkaroon ng pagkakataong mamahala ng Tsina sa mas mahahabang mga panahon kung ihahambing sa iba. Nagtagal sa kapangyarihan ang dinastiyang Han (ang pumalit sa dinastiyang Qin) ng lampas sa 400 mga taon, kung saan sa ilalim nito lumawak ang nasasakupan ng Tsinang umabot hanggang Korea at Gitnang Asya, kaya't naging isang dakilang imperyo ito. Sinunod ng mga namuno sa dinastiyang Han ang mga pagtuturo ni Confucius kaya't nakapaglunsad sila ng matagal na panahon ng kapayapaan at kasaganahan.[1]

Bukod sa dinastiyang Han, itinuturing namang pinakamaningning na kapanahunan ang 300 taon ng dinastiyang Tang sa kasaysayan ng Tsina, sapagkat nasakop nito ang kabuoan ng kontinente ng Asya, mula Korea hanggang India. Naging isang dakilang lungsod ang kabisera nitong Chang'an (dating binabaybay na Changan; kilala ngayon bilang Xi'an o Sian). Dahil sa dinastiyang Tang, may mga Intsik na tumatawag sa kanilang sarili bilang "mga mamamayan ng Tang."[1]

Dinastiyang Sung: Paglaganap ng mga Imbensiyon

baguhin

Isa namang gintong kapanahunan ng sining at agham sa Tsina ang dinastiyang Sung, na naghari ng may 300 taon. Sa panahong ito naimbento ang nagagalaw na mga panlimbag kaya't nalathala ang mga malalaking ensiklopedya sa Tsina; lumaganap ang panitikan at mga dibuho ng mga tanawin; unang ginamit dito ang pulbos na para sa mga baril; at ginamit ang mabatobalaning kompas para sa paglalakbay sa karagatan. Subalit mahina ang kakayahang militar ng dinastiyang Song, kaya nasakop ang Tsina ng mga Mongol na galing sa Mongolia.[1]

Dinastiyang Yuan: Panahon ng mga Mongol

baguhin

Sa kalagitnaan ng ika-13 daantaon, nilusob ng mga dayuhang Mongol ng Gitnang Asya ang Tsina. Ito ang unang pagkakataong nasakop ng mga banyaga ang Tsina. Pinamunuan ni Genghis Khan ang pananakop ng Tsina, halos kabuoan ng Asya, at Hilagang Europa. Ang apo ni Genghis Khan, na si Kublai Khan, ang nagpatuloy sa paglusob sa Tsina, at naging emperador ng Tsina noong 1260 at itinayo ang Dinastiyang Yuan. Ginusto at minahal ni Kublai Khan ang mga gawi at kaugaliang Intsik. Tinangkilik niya ang mga paaralang maka-Confucius. Noong panahon niya nakarating si Marco Polo sa Tsina, na nanirahan sa bansa sa loob ng maraming mga taon at nagsulat ng patungkol dito. Subalit, bagaman namuhay na parang isang emperador na Intsik si Kublai Khan ng may 100 taon, naghimagsik ang mga Intsik laban sa mga Mongol noong 1368, kaya't nailunsad ang dinastiyang Ming.[1]

Sa ilalim ni emperador Yongle (o Yung Lo) ng dinastiyang Ming, napalayas ang mga Mongol mula sa Tsina patungong Siberia. Naging makapangyarihan ang hukbong pandagat ng din

Panahon ng mga Manchu

baguhin
Dinastiyang Qing

Noong 1641, nagwakas ang dinastiyang Ming dahil sa paglusob ng mga banyagang Manchu. Itinayo ng mga dayuhang Manchu ang Dinastiyang Qing. Bagaman mga dayuhan sa Tsina mula sa hilaga ng Dakilang Moog ng Tsina, iginalang ng mga Manchu ang kalinangan at mga kaugaliang Tsino; agad silang namuhay ayon sa mga pamamaraan ng mga Intsik. Sa ilalim ng mga emperador na Manchu, nagkaroon ng 150 mga taon ng kapayapaan at kasaganahan sa Tsina, at naging mas malaki pa ang nasasakupan ng Tsina. Higit pa sa bantog na kapanahunan ng dinastiyang Tang.[1] Si Puyi ang huling emperador ng imperyong Tsino.

Ang Pagkakasunud-sunod ng mga dinastiyang Tsino

baguhin

Para sa iba pang mga detalye hinggil sa mga dinastiyang nakatala rito at sa kanilang mga emperador, sundan ang mga kaugnay na mga kawing sa tabla o talaang nasa ibaba. Pindutin ang K para sa kasaysayan ng dinastiya, at E para sa talaan o tabla ng kanilang mga emperador (o iba pang mga pinuno).

Dinastiya Mga kawing Mga taon
Tatlong Naghahari at Limang Emperador 三皇五帝 sān huáng wǔ dì (K - E) bago ang 2070 BCE 628+
Dinastiyang Xià xià (K - E) 2100 BCE1600 BCE 500
Dinastiyang Shang shāng (K - E) 1600 BCE1046 BCE 554
Kanluraning Dinastiyang Zhou 西周 xī zhōu (K - E) 1046 BCE771 BCe 275
Silanganing Dinastiyang Zhou

Nakaugaliang hinahati sa
Panahong Tagsibol at Taglagas
Panahon ng mga Nagdirigmaang mga Estado

東周


春秋
戰國

dōng zhōu


chūn qiū
zhàn guó

(K - E)


(K - E)
(K - E)

770 BCE256 BCE


722 BCE476 BC
475 BCE221 BCE

514


246
254

Dinastiyang Qin qín (K - E) 221 BCE206 BCE 15
Kanluraning Dinastiyang Han 西漢 xī hàn (K - E) 206 BCE9 CE 215
Dinastiyang Xin xīn (K - E) 923 14
Silanganing Dinastiyang Han 東漢 dōng hàn (K - E) 25220 195
Tatlong Kaharian 三國 sān guó (K - E) 220265 45
Kanluraning Dinastiyang Jin 西晉 xī jìn (K - E) 265317 52
Katimugang Dinastiyang Jin 東晉 dōng jìn (K - E) 317420 103
Katimugan at Hilagaing mga Dinastiya 南北朝 nán běi cháo (K - E) 420589 169
Dinastiyang Sui suí (K - E) 581 - 618 37
Dinastiyang Tang táng (K - E) 618907 289
Limang mga Dinastiya at Sampung Kaharian 五代十國 wǔ dài shí guó (H - E) 907960 53
Hilagaing Dinastiyang Song 北宋 běi sòng (K - E) 960 — 1127 167
Katimugang Dinastiyang Song 南宋 nán sòng (K - E) 1127 — 1279 152
Dinastiyang Liao liáo (K - E) 916 — 1125 209
Dinastiyang Jin jīn (K - E) 1115 — 1234 119
Dinastiyang Yuan yuán (K - E) 1271 — 1368 97
Dinastiyang Ming míng (K - E) 1368 — 1644 276
Dinastiyang Shun shun (K - E)
1644
<1
Dinastiyang Qing qīng (K - E) 1644 — 1912 268

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "The Rise and Fall of Dynasties, China". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)