Jingjiang
Ang Jingjiang (Tsino: 靖江; pinyin: Jìngjiāng) ay isang antas-kondado na lungsod na pinangangasiwaan ng antas-prepektura na lungsod ng Taizhou sa lalawigan ng Jiangsu, Tsina. Matatagpuan ito sa hilaga (kaliwang) pampang ng Ilog Yangtze, at ito ay ang pinakatimog na bahagi ng Lungsod ng Taizhou. Hinahangganan ito ng Nantong sa hilagang-silangan, Suzhou sa timog-silangan, Wuxi sa timog, Changzhou sa timog-kanluran, at Zhenjiang sa kanluran. May lawak na 655.6 kilometro kuwadrado ang Jingjiang, na may populasyong 684,360 katao sang-ayon sa senso 2010.
Jingjiang 靖江市 Tsingkiang | |
---|---|
Mga koordinado: 32°00′32″N 120°15′47″E / 32.009°N 120.263°E[1] | |
Bansa | Republikang Bayan ng Tsina |
Lalawigan | Jiangsu |
Antas-prepektura na lungsod | Taizhou |
Lawak | |
• Kabuuan | 655.60 km2 (253.13 milya kuwadrado) |
Populasyon | |
• Kabuuan | 684,360 |
• Kapal | 1,000/km2 (2,700/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) |
Kodigong postal | 2145XX |
Kasaysayan
baguhinNagsimula bilang isang kulumpon sa Ilog Yangtze ang lupain ng kasalukuyang Jingjiang, na tinawag na Matuosha (Tsino: 马驮沙; Tsino: 馬馱沙) sa sinaunang Tsina. Habang idinugtong ang kulumpon, hiniwalay ito mula sa noo'y kondado ng Jiangyin upang maging isang bagong kondado noong 1471. Dahil dinarambong ito ng mga Wokou (mga piratang Hapones) nang ilang beses, ipinangalan itong Jingjiang na nagngangahulugang "pinapayapa ang (sitwasyon sa) Ilog Yangtze". [4]
Unang nasa pamamahala ng antas-prepektura na lungsod ng Yangzhou ang kondado ng Jingjiang, at ito'y naging isang antas-kondado na lungsod noong 1993, at noong 1996 inilipat ito sa antas-prepektura na lungsod ng Taizhou.[5]
Mga paghahating pampangasiwaan
baguhinBinubuo ang antas-kondado na lungsod ang walong mga bayan at isang sub-distrito:
- Jingcheng (靖城街道) - sentro ng Jingjiang
- Dongxing (东兴镇)
- Gushan (孤山镇)
- Jishi (季市镇)
- Shengci (生祠镇)
- Maqiao (马桥镇)
- Xieqiao (斜桥镇)
- Xilai (西来镇)
- Xinqiao (新桥镇)
Bilang karagdagan, may isang antas-lalawigan na sona ng ekonomikong pagpapaunlad ang lungsod, ang Jingjiang Economic Development Zone.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Google (2014-07-02). "Jingjiang" (Mapa). Google Maps. Google. Nakuha noong 2014-07-02.
{{cite map}}
:|author=
has generic name (tulong); Unknown parameter|mapurl=
ignored (|map-url=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Taizhou Statistical Yearbook 2012/《泰州统计年鉴2012》.(sa Tsino) Accessed 9 July 2014.
- ↑ China 2010 Census County-by-county Statistics/《中国2010年人口普查分县资料》.(sa Tsino) Accessed 9 July 2014.
- ↑ 中国历史大辞典·历史地理卷 [The Great Encyclopaedia of Chinese history, Volume on Historical Geography] (sa wikang Tsino). Shanghai Cishu Press. 1996. p. 955. ISBN 7-5326-0299-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 江苏市县概况 [A Survey of Cities and Counties in Jiangsu] (sa wikang Tsino). pp. 398–401. ISBN 978-7-55-373496-5.
Mga panlabas na link
baguhin- 中国靖江网 Naka-arkibo 2010-01-06 sa Wayback Machine.