Suzhou
Ang Suzhou (Tsino: 苏州; IPA: [səu tsøʏ], pagbigkas sa Pamantayang Mandarin: [su1.t͡ʂɤ́ʊ̯]), alternatibong romanisado bilang Soochow, ay isang pangunahing lungsod sa timog-silangang bahagi ng lalawigan ng Jiangsu ng Silangang China, sa layong humigit-kumulang 100 kilometro (62 milya) hilagang-kanluran ng Shanghai. Isa itong pangunahing sentrong ekonomiko at katumbukán ng kalakalan at komersiyo, at ito rin ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa lalawigan, kasunod ng kabisera nitong Nanjing. Ang lungsod ay matatagpuan sa ibabang abot ng Ilog Yangtze at sa pampang ng Lawa ng Tai, at nasa rehiyon ng Delta ng Ilog Yangtze. Administratibong isang antas-prepektura na lungsod ang Suzhou na may populasyong 4.33 milyong katao sa city proper nito, at kabuoang residenteng populasyon na 10.58 milyon sa pook administratibo nito (magmula noong 2013[update]).[5][6] Lumaki nang 6.5% ang populasyong urbano nito mula 2000 hanggang 2014, isa sa pinakamataas sa mga lungsod na may populasyong higit sa 5 milyong katao.[7][8]
Suzhou 苏州市 Soochow, Sou-tseu | |
---|---|
Lungsod ng Suzhou | |
Kinaroroonan sa Jiangsu | |
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Eastern China" nor "Template:Location map Eastern China" exists. | |
Mga koordinado: 31°18′N 120°36′E / 31.300°N 120.600°E | |
Bansa | Republikang Bayan ng Tsina |
Province | Jiangsu |
Mga paghahating antas-kondado | 11 |
Itinatag | 514 BK |
Pamahalaan | |
• Uri | Antas-prepektura na lungsod |
• Kalihim ng Partido | Lan Shaomin |
• Alkalde | Li Yaping |
Lawak | |
• Antas-prepektura na lungsod | 8,488.42 km2 (3,277.40 milya kuwadrado) |
• Lupa | 6,093.92 km2 (2,352.88 milya kuwadrado) |
• Tubig | 2,394.50 km2 (924.52 milya kuwadrado) |
• Urban | 2,743 km2 (1,059 milya kuwadrado) |
Populasyon (2018)[2] | |
• Antas-prepektura na lungsod | 10,721,700 |
• Kapal | 1,300/km2 (3,300/milya kuwadrado) |
Demonym | Suzhounese |
Sona ng oras | UTC+8 (Oras sa Beijing) |
Kodigong postal | 215000 |
Kodigo ng lugar | 512 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-JS-05 |
GDP (2018) |
CNY 1.86 trilyon
CNY 174,129
|
HDI (2015) | 0.894 – very high[3] |
Bulaklak | Osmanthus |
Puno | Camphor laurel |
Wikaing panrehiyon | Wu: wikaing Suzhou |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 苏E at 苏U[4] |
Websayt | suzhou.gov.cn |
Ang Suzhou, na itinatag noong 514 BK (Bago ang kapanganakan ni Kristo), ay may higit sa 2,500 taon ng kasaysayan, kalakip ang napakaraming mga relikiya at sityong may kaugnayan sa kasaysayan. Noong mga 100 PK (Pagkatapos ng kapanganakan ni Kristo), sa kasagsagan ng dinastiya ng Silangang Han, ito ay naging isa sa sampung pinakamalaking mga lungsod sa mundo dahil sa emigrasyón mula Hilagang Tsina.[9][10] Isa na itong mahalagang sentro ng komersiyo sa Tsina, simula noong dinastiyang Song ng ika-10 dantaon. Noong mga dinastiya ng Ming at Qing, isang pambansang sentrong ekonomiko, pangkalinangan, at pangkomersiyo ang Suzhou,[11] gayon din pinakamalaking lungsod na hindi kabisera sa buong mundo, hanggang sa naganap ang Himagsikang Taiping noong 1860.[12] Nang muling nakuha nina Li Hongzhang at Charles George Gordon ang lungsod pagkaraan ng tatlong taon, nakamit na ng Shanghai ang nangingibabaw na puwesto sa bansa.[13] Mula nang ilunsad ang mga pagbabago sa ekonomiya noong 1978, ang Suzhou ay naging isa sa pinakamabilis na lumalagong mga pangunahing lungsod sa mundo, na may humigit-kumulang 14% sa reyt ng paglaki ng GDP nito sa loob ng 35 mga taon.[5][14] Kalakip ng mataas na inaasahang haba ng buhay (life expectancy) at kita ng bawat tao (per capita income), ang mga panukat ng Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao ng Suzhou ay halos maihahambing sa isang bahagyang maunlad na bansa, kaya ito ay isa sa pinakamaunlad at pinakamasaganang lungsod sa Tsina.[3]
Ang mga kanal, batong tulay, pagoda, at hardin na masusì ang pagkadisenyo ay nakapag-ambag sa katayuan nito bilang isa sa pangunahing mga atraksiyón sa mga turista sa Tsina. Idinagdag ang Klasikal na mga Hardin ng Suzhou sa talaan ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1997 at 2000. Malimit na pinalayawang "Venezia ng Silangan" o "Venezia ng China" ang Suzhou.[15][16][17]
Mga pangalan
baguhinSuzhou | |||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pinapayak na Tsino | 苏州 | ||||||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 蘇州 | ||||||||||||||||||||||||||||||
|
Noong dinastiyang Zhou, isang pamayanang nakilala bilang Gusu (hango sa kalapit na Bundok Gusu, Tsinong pinapayak: 姑苏山; Tsinong tradisyonal: 姑蘇山; pinyin: Gūsūshān) ay naging kabisera ng estado ng Wu. Mula sa gampanin nito, nakilala rin ito bilang Wu. Noong 514 BK, itinatag ni Haring Helü ng Wu ang isang bagong kabisera sa isang kalapit na sityo at pinangalanang Lungsod ng Helü, at ito ang lumago at naging Suzhou. Noong panahon ng Naglalabanang mga Estado, patuloy na nagsilbing luklukang pampook ng pamahalaaan ang Lungsod ng Helü. Mula sa mga lugar na pinamahalaan nito, nakilala ito bilang Wuxian (lit. "Kondado ng Wu") at Wujun ("Wu Commandery").[18] Sa ilalim ng dinastiyang Qin, nakilala ito bilang Kuaiji kasunod ng pinalaking commandery nito, na ipinangalan mula sa ipinalálagáy na himlayan ni Yu ang Dakila malapit sa makabagong Shaoxing sa Zhejiang.
Unang opisyal na ginamit ang pangalang "Suzhou" noong 589 PK sa panahon ng dinastiyang Sui. Ang sū (蘇 o 苏) sa pangalan nito ay kontraksiyon ng lumang pangalang Gusu. Tumutukoy ito sa shiso na isang barayti ng perilla, isang espesye ng malipukon. Ang zhou 州 ay orihinal na nangangahulugang isang katulad ng lalawigan o kondado (ikompara sa Guizhou), ngunit paglaon ay malimit na ginamit sa pagpapalit-tawag na paraan para sa kabisera ng gayong rehiyon (ikompara sa Guangzhou, Hangzhou, atbp.).[19] Ang Suzhou ay Hanyu Pinyin na pagbaybay ng Putonghua na pagbigkas ng pangalang ito. Bago pinagtibay ang paggamit ng pinyin, nakilala ito sa iba't ibang mga pangalan tulad ng Soo-chow, Suchow, at Su-chow.[20][21]
Mga paghahating pampangasiwaan
baguhinAng pusod urbano ng Suzhou ay impormal na tinatawag na "Old Town". Ito ay nasa Distrito ng Gusu. Nasa silangan nito ang Liwasang Industriyal ng Suzhou, at sa kanluran naman ang Sonang Pagpapaunlad ng Mataas at Bagong Teknolohiya ng Suzhou. Noong 2000, hinati ang orihinal na Kondado ng Wu sa dalawang mga distrito: ang Distrito ng Xiangcheng at Distrito ng Wuzhong. Bumubuo ang mga ito ngayon sa hilaga at katimugang mga bahagi ng lungsod. Noong 2012, ang dating Lungsod ng Wujiang ay naging Distrito ng Wujiang ng Lungsod ng Suzhou.
Ang Suzhou ay isa sa pinakamaunlád na lungsod sa Tsina. May tuwirang kaugnayan ang pagunlad nito sa paglago ng mga karatig lungsod nito, kabilang na ang Kunshan, Taicang, Changshu, at Zhangjiagang, na kasama ang lungsod ng Suzhou ay bumubuo sa antas-prepektura na lungsod ng Suzhou. Ang antas-prepektura na lungsod ng Suzhou ay tahanan ng maraming mga kompanya sa larang ng mataas na teknolohiya.
Mapa | |||||
---|---|---|---|---|---|
Subdibisyon | Pinapayak na Tsino | Hanyu Pinyin | Populasyon (2010) | Lawak (km2) | Densidad (/km2) |
City Proper | |||||
Distrito ng Gusu | 姑苏区 | Gūsū Qū | 954,455 | 372 | 2,565.73 |
Suburban | |||||
Distrito ng Huqiu | 虎丘区 | Hǔqiū Qū | 572,313 | 258 | 2,218.26 |
Distrito ng Wuzhong | 吴中区 | Wúzhōng Qū | 1,158,410 | 672 | 1,723.82 |
Distrito ng Xiangcheng | 相城区 | Xiāngchéng Qū | 693,576 | 416 | 1,667.25 |
Distrito ng Wujiang | 吴江区 | Wújiāng Qū | 1,275,090 | 1,093 | 1,166.59 |
Mga karatig lungsod (antas-kondado na lungsod) | |||||
Lungsod ng Changshu | 常熟市 | Chángshú Shì | 1,510,103 | 1,094 | 1,380.35 |
Lungsod ng Taicang | 太仓市 | Tàicāng Shì | 712,069 | 620 | 1,148.49 |
Lungsod ng Kunshan | 昆山市 | Kūnshān Shì | 1,646,318 | 865 | 1,903.25 |
Lungsod ng Zhangjiagang | 张家港市 | Zhāngjiāgǎng Shì | 1,248,414 | 772 | 1,617.11 |
Kabuoan | 10,465,994 | 8,488 | 1,233.03 | ||
Hindi pormal na mga paghahating administratibo – Liwasang Industriyal ng Suzhou at Bagong Distrito ng Suzhou Mga dating distrito – Distrito ng Canglang, Distrito ng Pingjiang, at Distrito ng Jinchang |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Table showing land area and population". Suzhou People's Government. 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2007. Nakuha noong 7 Setyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2018年苏州市国民经济和社会发展统计公报" [Statistical Communiqué of Suzhou on the 2018 National Economic and Social Development]. Suzhou Daily (sa wikang Tsino). Suzhou Municipal Government. 21 Enero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1
Calculated using data from Suzhou Statistics Bureau. Life Expectancy Index = 0.9672, Education Index = 0.8244, Income Index = 0.896. Refs:
- Suzhou Bureau of Statistics (苏州市统计局). 2016年苏州市情市力 (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 14 Marso 2017. Nakuha noong 13 Marso 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - 新建改扩建410所学校 苏州教育有"国际范". Tencent. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Marso 2017. Nakuha noong 13 Marso 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - "Archived copy" 苏州人均期望寿命高于北京上海 癌症仍是"头号杀手". 城市商报. 22 Abril 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Oktubre 2017. Nakuha noong 5 Oktubre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
- Suzhou Bureau of Statistics (苏州市统计局). 2016年苏州市情市力 (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 14 Marso 2017. Nakuha noong 13 Marso 2017.
- ↑ 苏U号牌来了!苏州将成江苏首个启用双号牌的城市. 交汇点. 24 Oktubre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Oktubre 2018. Nakuha noong 24 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Suzhou Bureau of Statistics. 2014年苏州市情市力 (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 19 Abril 2014. Nakuha noong 19 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kasama ang kalapit na mga rehiyong naik nito at mga karatig lungsod ng Kunshan, Zhangjiagang, Taicang, at Changshu. Ang pahayag na ito ay batay sa datos mula sa lokal na pamahalaan, habang iginigiit ng isang ulat mula sa Mga Nagkakaisang Bansa (tingnan sa baba) na ang (urbanong) populasyon nito ay 5.156 milyon noong 2014.
- ↑ United Nations, Department of Economic and Social Affairs, Population Division. "World Urbanization Prospects: The 2014 Revision" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2014. Nakuha noong 1 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Elizabeth MacBride (22 Disyembre 2014). "Keep an eye on these emerging market cities". CNBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2015. Nakuha noong 1 Enero 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tertius Chandler (1987). Four Thousand Years of Urban Growth: An Historical Census. St. David's University Press. ISBN 978-0889462076.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Top 10 Cities of the Year 100". About.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2013. Nakuha noong 20 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Grand Canal". UNESCO World Heritage Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Enero 2014. Nakuha noong 1 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marme, Michael (2005). Suzhou: Where the Goods of All the Provinces Converge. Stanford: Stanford University Press. ISBN 9780804731126.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Xu (2000), pp. 16, 72–73, 159.
- ↑ 寻梦苏州 探寻一座城市的现代化之路. 人民网. 26 Enero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2013. Nakuha noong 27 Agosto 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Visit some of China's best gardens next week without a passport » Arts/Entertainment » Andover Townsman, Andover, MA. Andovertownsman.com. Retrieved on 2011-08-28.
- ↑
Thorpe, Annabelle. "Suzhou: Real China outside Shanghai". The Times. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hunyo 2011. Nakuha noong 24 Mayo 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Fussell, Betty (13 Marso 1988). "Exploring Twin Cities By Canal Boat". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hulyo 2017. Nakuha noong 24 Mayo 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Supplement to the Local Gazetteer of Wu Prefecture". World Digital Library. 1134. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2013. Nakuha noong 6 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dictionary of Chinese Place-names Ancient and Modern (中国古今地名大词典, Zhongguo Gujin Diming Dacidian), p. 1438. Shanghai Lexicographical Publishing House (Shanghai), 2006. (sa Tsino)
- ↑ EB (1887).
- ↑ EB (1911).
Pangkalahatang mga reperensiya
baguhin- Baynes, T. S.; Smith, W. R., mga pat. (1887), Encyclopædia Britannica, bol. 22 (ika-9th (na) edisyon), New York: Charles Scribner's Sons, p. 617
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link).
, - Chisholm, Hugh, pat. (1911), , Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles), bol. 26 (ika-11 (na) edisyon), Cambridge University Press, p. 7
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - Economic profile for Suzhou at HKTDC
- Xu, Yinong (2000). The Chinese City in Space and Time: The Development of Urban Form in Suzhou. Hawaii: University of Hawaii Press. ISBN 9780824820763.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhinGabay panlakbay sa Suzhou mula sa Wikivoyage
- Official Resource Naka-arkibo 2018-08-11 sa Wayback Machine. for English-speaking travelers
- Official website for Suzhou's municipal government
- Suzhou city guide with open directory (Jiangsu Network)
- Geographic data related to Suzhou at OpenStreetMap