Romanisasyon ng Tsino
Ang romanisasayon ng Tsino ay ang paggamit ng alpabetong Latino upang isulat ang wikang Tsino. Gumagamit ang Tsino ng isang sulating logograpiko at hindi kinakatawan ang mga karakter nito ang mga ponema ng diretso. Sa kasaysayan, nagkaroon ng maraming sistema na ginagamit ang mga Romanong titik upang katawanin ang Tsino. Natatandaan ng lingguwistang si Daniel Kane na, "Sinasabi na kailangang maging musiko ang mga sinolohista na maaring isulat sa isang teklado at handang isalin sa ibang teklado."[1] Ang namamayaning internasyunal na pamantayan para sa Putonghua simula noong 1982 ay Hanyu Pinyin. Kabilang sa ibang kilalang sistema ang Wade–Giles (Mandarin) at Rominasasyong Yale (Mandarin at Kantones).
Maraming gamit ang romanisasyon ng Tsino. Sa mas malawak na aspeto, ginagamit ito upang magbigay ng isang kapakipakinabang paraan para sa mga dayuhan na hindi sanay sa pagkilala sa mga sulating Tsino upang basahin at kilalanin ang Tsino. Nakakatulong din ito para sa malinaw na pagbigkas sa mga nagsasalita ng Tsino na nagsasalita ng kapwa hindi naintindihan na ibang uri ng Tsino. Nagagawa ng romanisasyon na ipasok ang mga titik sa karaniwang mga keyboard o tipaan ng kompyuter tulad ng QWERTY. Ang mga diksyunaryong Tsino ay mayroong komplikado at nakikipagkumpitensyang mga patakaran sa pagsasaayos ng mga titik at ang sistemang romanisasyon ay pinapasimple ang prolema sa pamamagitan ng pagtatala ng mga titik sa kanilang anyong Latin na naisasayos ayon sa alpabeto.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Kane, Daniel (2006). The Chinese Language: Its History and Usage (sa wikang Ingles). Hilagang Clarendon, Vermont: Tuttle. pp. 22. ISBN 0-8048-3853-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)