Pagoda

tore na katutubo sa Silangang Asya

Ang pagoda ay isang Asyanong tore na may maraming medya-agwa na karaniwan sa Taylandiya, Kambodya, Nepal, Tsina, Hapon, Korea, Myanmar, Biyetnam, at iba pang bahagi ng Asya. Itinayo ang karamihan ng mga pagoda para gamitin panrelihiyon, kadalasan sa Budismo ngunit minsan sa Taoismo, at kadalasang matatagpuan sa o malapit sa mga vihara. Mababakas ang kasaysayan nito sa stupa habang nilinang ang disenyo nito sa sinaunang Nepal. Tradisyonal na bahagi ng arkitekturang Tsino ang mga pagodang Tsino (Tsino: ; pinyin: ). Bukod sa paggamit sa relihiyon, pinapupurihan ang mga pagodang Tsino mula noong sinaunang panahon dahil sa mga nakamamanghang tanawin ng mga ito, at pinagtitibay ng maraming tulang klasikal ang pagpapagalak ng mga nagtatangkarang pagoda.

Pakanan mula sa kaliwang itaas: Pagoda ng Hōryū-ji, Hapon; Pagodang Liuhe, Hangzhou, Tsina; Pagodang Phước Duyên, Templong Thiên Mụ, Biyetnam; Templo ng Lawang Prashar, Himachal Pradesh, Indiya; Seokgatap ng Bulguksa, Timog Korea; Pagodang Dayan ng Xi'an, Tsina
Pagodang Shwedagon sa Yangon, Myanmar

Yari sa kahoy ang mga pinakamatatanda at matataas na pagoda, ngunit gawa sa ladrilyo o bato ang karamihan na umiiral pa hanggang ngayon. Walang hungkag o interyor ang ilang mga pagoda. Walang palapag o silid sa itaas ng mga pagodang may hungkag, ngunit kadalasang naglalaman ang loob ng altar o mas maliit na pagoda, pati na rin hagdanan para makaakyat ang mga bisita at makita ang tanawin mula sa siwang sa gilid ng bawat palapag. Sa karamihang pagoda, may tatlo hanggang labintatlong palapag (halos palaging gansal na bilang) at klasikong mga sulambi na bai-baitang.[1][2]

Sa ilang bansa, maaaring tumukoy ang salita sa ibang mga panrelihiyong istraktura. Sa Biyetnam at Kambodya, dahil sa salinwikang Pranses, mas pangkalahatang termino ang salitang pagoda na tumutukoy sa lugar ng pagsamba, ngunit hindi tumpak na salita ang pagoda para tumukoy sa Budistang vihara. Kumalat ang istrakturang stupa sa Asya, at nag-iba ang anyo nito sa bawat rehiyon. Marami ang kampanaryo sa Pilipinas na lubos na naiimpluwensiyahan ng mga pagoda dahil sa mga Tsinong trabahador na inupahan ng mga Kastila.

Etimolohiya

baguhin

Isang iminungkahing etimolohiya ang Timog Tsinong pagbigkas ng salita para sa tore na may walong sulok, Tsino: 八角塔, at pinagtitibay ng pangalan ng sikat ng pagoda na naengkuwentro ng mga unang Europeong bisita sa Tsina, ang "Pázhōu tǎ" (Tsino: 琶洲塔), na nakatayo sa timog ng Guangzhou at Angklaheng Whampoa.[3] Isa pang iminungkahing etimolohiya ang Persang butkada, mula sa but, "idolo" at kada, "templo, habitasyon."[4]

Isa pang etimolohiya ang salitang Singgales, dāgaba, mula sa Sanskritong dhātugarbha o Paling dhātugabbha: "relikyang sinapupunan/silid" o "relikaryong dambana", i.s. isang stupa, sa pamamagitan ng Portuges.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Architecture and Building [Arkitektura at Pagtatayo]. W.T. Comstock. 1896. p. 245.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Steinhardt, 387.
  3. Chinese Origin of the Term Pagoda: Liang Sicheng's Proposed Etymology [Tsinong Pinagmulan ng Salitang Pagoda: Iminungkahing Etimolohiya ni Liang Sicheng] (sa wikang Ingles), Mga May-akda: David Robbins Tien, Lathalain: Acta Orientalia, tomo 77 (2016), mga pa. 133–144, David Robbins Tien, Gerald Leonard Cohen, Lathalain: Arts, Languages and Philosophy Faculty Research & Creative Works, I-download ang Tien, D. R., & Cohen, G. L. (2017) http://scholarsmine.mst.edu/artlan_phil_facwork. David Robbins Tien. Comments on Etymology, October 2014, Tomo 44, blg. 1, mga pa. 2–6.
  4. Random House Unabridged Dictionary [Kumpletong Diksiyonaryo ng Random House] (sa wikang Ingles), Ikalawang Edisyon. Random House, New York, 1993.
  5. Hobson-Jobson: The Anglo-Indian Dictionary [Hobson-Jobson: Ang Diksiyonaryong Anglo-Indiyano] (sa wikang Ingles) ni Henry Yule & Arthur Coke Burnell, unang nailimbag noong 1896, muling nailimbig ni Wordsworth Editions, 1996, pa. 291. Online Etymology Dictionary ni Douglas Harper, s.v. pagoda, sa http://www.etymonline.com/ (Nakuha noong 29 Abril 2016)