Ang Yatomi (弥富市, Yatomi-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Disyembre 2019 (2019 -12-01), may tinatayang populasyon na 44,589 katao ang lungsod sa 18,185 mga kabahayan, at kapal ng populasyon na 910 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado.[1] Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 49.0 square kilometre (18.9 mi kuw).

Yatomi

弥富市
Paikot sa kanan mula sa taas: Gusaling Panlungsod ng Yatomi; Mitsumata-pond park; Panoramang urbano ng Yatomi; Tatsuta polder sluice gates
Watawat ng Yatomi
Watawat
Opisyal na sagisag ng Yatomi
Sagisag
Kinaroroonan ng Yatomi sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Yatomi sa Prepektura ng Aichi
Yatomi is located in Japan
Yatomi
Yatomi
 
Mga koordinado: 35°7′N 136°43′E / 35.117°N 136.717°E / 35.117; 136.717
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Lawak
 • Kabuuan49.00 km2 (18.92 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Disyembre 1, 2019)
 • Kabuuan44,589
 • Kapal910/km2 (2,400/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoSakura
- BulaklakAntirrhinum majus
Bilang pantawag0567-65-1111
AdresMinamihonda 335,Maesu-cho, Yatomi-shi, Aichi-ken 498-8501
WebsaytCity of Yatomi Opisyal na websayt

Kasaysayan

baguhin

Lumitaw ang pangalang Yatomi bilang pangalan ng pook sa mga dokumentong buhat sa panahong Kamakura, bilang bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Owari. Noong panahong Edo, nakilala ang lugar sa pagpapa-alaga ng mga goldpis na ginagamit bilang palamuti. Noong panahong Meiji, binuo sa lugar ang mga nayon sa ilalim ng Distrito ng Kasai, Prepektura ng Aichi, kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Ang Distrito ng Kasai ay naging Distrito ng Ama, Aichi paglaon. Itinatag ang bayan ng Yatomi noong Agosto 26, 1903. Ang Bagyong Isewan noog Setyembre 26, 1959 ay nagdulot ng malawakang pinsala sa lugar. Hindi nagtagumpay ang mga pagtangkang isanib ang Yatomi sa karatig bayan ng Kanie noong 2004 dahil sa pagtatalo hinggil sa pagpapangalan ng magiging bagong entidad.

Itinatag ang lungsod ng Yatomi noong Abril 1, 2006, mula sa pagsasanib ng bayan ng Yatomi at ng nayon ng Jūshiyama (na mula sa Distrito ng Ama).

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Yatomi sa pambaybaying mga kapatagan ng kanlurang dulo ng Prepektura ng Aichi, at kahangga ang Prepektura ng Mie sa kanluran. Mayroon itong maigsing baybaying-dagat sa Look ng Mikawa ng Karagatang Pasipiko sa timog-silangan.

Kalapit na mga munisipalidad

baguhin

Demograpiya

baguhin

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] tuluy-tuloy ang paglaki ng populasyon ng Yatomi sa nakalipas na 60 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1960 20,440—    
1970 27,311+33.6%
1980 36,457+33.5%
1990 38,971+6.9%
2000 42,175+8.2%
2010 43,280+2.6%

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

  May kaugnay na midya ang Yatomi, Aichi sa Wikimedia Commons