Dagat Dilaw

(Idinirekta mula sa Yellow Sea)

35°0′N 123°0′E / 35.000°N 123.000°E / 35.000; 123.000

Dagat Dilaw
Ang Dagat Dilaw, nagpapakita ng nakapaligid na mga bansa.
Tsino黄海

Ang Dagat Dilaw (Ingles: Yellow Sea) ay isang pangalang ibinigay sa hilagang bahagi ng Dagat Silangang Tsina, na isang kahanggang dagat ng Karagatang Pasipiko. Nakalagak ito sa pagitan ng pangunahing lupain ng Tsina at ng tangway ng Korea. Nagmula ang pangalan nito sa mga maliliit na mga piraso ng buhangin mula sa mga bagyo ng buhangin ng Ilang ng Gobi na nagsasanhi ng pagiging kulay dilaw ng ibabaw ng tubig habang papalubog ang araw at maaaring matanaw kapag naglalayag o lumilipad pakanluran.

Tinatawag na Dagat Bohai ang pinakapanloob na dalampasigan ng Dagat Dilaw (dating Dalampasigan ng Pechihli o Dalampasigan ng Chihli). Pumapaloob dito ang daloy ng Ilog na Dilaw (sa pamamagitan ng lalawigan ng Shandong at ng kabisera nitong Jinan) at Hai He (sa pagdaan sa Beijing at Tianjin).

Isa ang Dagat Dilaw sa apat na mga dagat na pinangalanan mula sa mga kulay— ang iba pa ay ang Dagat Itim, ang Dagat Pula, at ang Dagat Puti.

Kapaligiran

baguhin

Ang mga labon (o lupang malabon) ng Dagat Dilaw na nasa pagitan ng mataas na tubig at mababang tubig ng dagat ay may malaking kahalagahan para sa mga migratoryong mga ibong lumulusong o mga ibon ng dalampasigan. Ipinapakita ng mga pagsisiyasat na ang lugar ang nag-iisang pinaka mahalagang pook para sa mga ibong umaalis at lumilipat ng lokasyon sa takdang panahon, na patungo sa hilaga sa, sa buong daanan ng paglipad sa Silangang Asya at Australasya, na may pinakamababang bilang na dalawang milyong mga ibong dumaraan sa panahong iyon, na may kalahati ng bilang na ito ang gumagamit para sa paglikas na patimog.[1][2]

Sa pinakamalalim nitong bahagi, nasa bandang 106 mga metro ang Dagat Dilaw.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Barter, M.A. (2002). Shorebirds of the Yellow Sea - importance, threats and conservation status. Wetlands International Global Series 9. International Wader Studies 12. Canberra.
  2. Barter, M.A. (2005). Yellow Sea - driven priorities for Australian shorebird researchers. pp.158-160 in: "Status and Conservation of Shorebirds in the East Asian - Australasian Flyway". Proceedings of the Australasian Shorebird Conference, 13-15 Disyembre 2003, Canberra, Australya. International Wader Studies 17, Sydney, Australya.

Mga kawing panlabas

baguhin