Disyerto ng Gobi
Ang Disyerto ng Gobi (Mongol: Говь, ᠭᠣᠪᠢ, /ˈɡoʊbi/; Tsino: 戈壁; pinyin: gēbì) ay isang malaki at malamig na disyerto at damuhan sa hilagang Tsina at katimugang Mongolia at ito ang ikaanim na pinakamalaking disyerto sa mundo. Nanggaling ang pangalang Gobi sa salitang Monggol na Gobi, na ginagamit upang tukuyin ang lahat ng rehiyon na walang tubig sa Talampas ng Monggol, habang sa Tsino, ginagamit ang Gobi upang tukuyin ang mabato at medyo-disyertong lugar tulad ng Gobi mismo imbis na mga disyertong mabuhangin.[1]
Disyerto ng Gobi | |
---|---|
Haba | 1,500 km (930 mi) |
Lapad | 800 km (500 mi) |
Sukat | 1,295,000 km2 (500,000 mi kuw) |
Pagpapangalan | |
Katutubong pangalan | |
Geography | |
Mga bansa | Tsinaat Mongolia |
Estado | Ömnögoviat Sükhbaatar |
Rehiyon | Panloob ng Mongolia |
Mga koordinado | 42°35′N 103°26′E / 42.59°N 103.43°E |
Disyerto ng Gobi | |||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pangalang Tsino | |||||||||||||||||||
Tsino | 戈壁 | ||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||
Pangalang Mongol | |||||||||||||||||||
Sirilikong Mongol | Говь | ||||||||||||||||||
Sulat Mongol | ᠭᠣᠪᠢ | ||||||||||||||||||
|
Heograpiya
baguhinSumusukat ang Gobi ng 1,600 km (1,000 mi) mula timog-kanluran tungong hilagang-silangan at 800 km (500 mi) mula hilaga tungong timog. Pinakamalapad ang disyerto sa kanluran, kasama ang linyang kumakabit sa Lawa ng Bosten at Lop Nor (87°–89° sa silangan).[2] Noong 2007, inokupa nito ang isang arko ng lupa[3] sa lugar.
Sa pinakamalawak na depinisyon nito, kabilang sa Gobi ang kahabaan ng disyerto na lumalagpas mula sa paanan ng Pamirs (77° sa silangan) hanggang sa Bulubundukin ng Kalakhang Khingan, 116–118° sa silangan, sa hangganan ng Manchuria; at mula sa paanan ng burol ng Altay, sa mga bulubundukin ng Sayan, at Yablonoi[2] sa hilaga ng mga bulubundukin ng Kunlun, Altyn-Tagh, at Qilian, na binubuo ang mga hilagang gilid ng Talampas ng Tibet, sa timog.[4]
Isang medyo malaking lugar sa bandang silangan ng bulubundukin ng Kalakhang Khingan, sa pagitan ng dakong itaas ng katubigan ng Songhua (Sungari) at dakong itaas ng katubigan ng Liao-ho, ay binibilang kasama ng Gobi sa nakasanayang gamit. Ilang mga heograpo at ekolohista ang ninais na ituring ang kanlurang lugar ng rehiyon Gobi (na binigyan kahulugan sa itaas); ang palanggana ng Tarim sa Xinjiang at ang palangganang disyerto ng Lop Nor at Hami (Kumul), bilang binubuo ng isang hiwalay at sariling disyerto, na tinatawag na Disyerto ng Taklamakan.[2]
Hindi mabuhangin ang karamihan sa Gobi, sa halip, nakabunyag na bato ang itsura nito.
Klima
baguhinSa pangkalahatan, isang malamig na disyerto ang Gobi, na may hamog na nagyelo at paminsan-minsang niyebe sa mga dune o dalisdis ng buhangin nito. Maliban na medyo malayong hilaga, matatagpuan din ito sa isang talampas na halos 910–1,520 m (2,990–4,990 tal) sa ibabaw sa antas ng dagat, na nag-aambag sa mababang temperatura nito. Bumabagsak sa Gobi ang ulan ng isang katamtaman ng mga 194 mm (7.6 pul) kada taon. Naaabot ng kahalumigmigan ang mga bahagi ng Gobi sa tagniyebe habang hinihipan ito ng hangin sa kapatagan ng Siberia. Maaring magdulot sa temperatura ng Gobi ang mga hangin na ito na umabot sa −40 °C (−40 °F) sa tagniyebe hanggang 45 °C (113 °F) sa tag-init.[5]
Bagaman, isa sa mga napakasukduluan ang klima ng Gobi,[2] na may mabilis na mga pagbabago ng temperatura[2] na umaabot hanggang sa 35 °C (63 °F) sa 24-oras na tagal.
(1190 m) | Ulaanbaatar (1150 m) | |
---|---|---|
Taunang gitna | −2.5 °C (27.5 °F) | −0.4 °C (31.3 °F) |
Gitna sa Enero | −26.5 °C (−15.7 °F) | −21.6 °C (−6.9 °F) |
Gitna sa Hulyo | 17.5 °C (63.5 °F) | 18.2 °C (64.8 °F) |
Mga sukdulan | −47 hanggang 34 °C (−53 hanggang 93 °F) | −42.2 hanggang 39.0 °C (−44.0 hanggang 102.2 °F) |
Sa katimugang Mongolia, naitala ang temperatura kasing baba ng −32.8 °C (−27.0 °F). Sa kaibahan, sa Alxa, Panloob na Mongolia, tumataas itong hanggang sa pinakamataas na 37 °C (99 °F) sa Hulyo.
Ang katamtaman pinakamababang temperatura ng tagniyebe ay isang napakalamig na −21 °C (−6 °F), habang umaabot naman ang katamtamang pinamataas na temperatura sa maalinsangang 27 °C (81 °F). Karamihan bumabagsak ang presipitasyon sa panahon ng tag-init.[6]
Bagaman umaabot ang mga balaklaot (o moonsoon) sa timog-silangang bahagi ng Gobi, nailalarawan ang lugar ng buong rehiyon na ito sa pangkalahatan ng sukdulang pagkatuyo, lalo na tuwing tag-niyebe, kapag nasa napakalakas na antisiklon ng Siberia. May pabagu-bagong paglago ng halaman sa katimugan at gitnang bahagi ng Disyerto ng Gobi dahil sa aktibidad ng balaklaot na ito. Napakalamig at tuyo ang mas hilagang lugar ng Gobi, na ginagawang hindi gaanong makasuporta ng paglago ng halaman; naiuugnay ang ang malamig at tuyong lagay ng panahon na ito sa Siberiano-Mongol na mga selulang mataas na presyon.[7] Kaya naman, may mayelong alikabok at bagyo ng niyebe sa tagsibol at maagang tag-init[2] at maagang Enero (tagniyebe).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Chao SC (1984). "The sandy deserts and the gobi of China". Sa Farouk El-Baz (pat.). Deserts and arid lands (sa wikang Ingles). pp. 95–113. doi:10.1007/978-94-009-6080-0_5. ISBN 978-94-009-6082-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 dominyong publiko na ngayon: Bealby, John Thomas (1911). "Gobi". Sa Chisholm, Hugh (pat.). Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 12 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. pp. 165–169.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Ang artikulong ito ay nagsasama ng teksto mula sa isang lathalatin na nasa - ↑ Wright, John W., pat. (2006). The New York Times Almanac (sa wikang Ingles) (ika-2007 (na) edisyon). New York, New York: Penguin Books. pp. 456. ISBN 978-0-14-303820-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hare, John (2009-11-01). "The Mysteries of the Gobi Desert". Asian Affairs (sa wikang Ingles). 40 (3): 408–417. doi:10.1080/03068370903195196. ISSN 0306-8374. S2CID 162358054.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Planet Earth, BBC TV series 2006 UK, 2007 US, "Episodyo 5". (sa Ingles)
- ↑ "Climate". The Gobi Desert (sa wikang Ingles).
- ↑ Sternberg, Troy; Rueff, Henri; Middleton, Nick (2015-01-26). "Contraction of the Gobi Desert, 2000–2012". Remote Sensing (sa wikang Ingles). 7 (2): 1346–1358. Bibcode:2015RemS....7.1346S. doi:10.3390/rs70201346.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)