Yin at yang

(Idinirekta mula sa Yin at Yang)

Sa pilosopiyang Intsik, ang diwa ng Yin-Yang (Tsinong pinapayak: 阴阳; Tsinong tradisyonal: 陰陽; pinyin: yīnyáng), na madalas na tinatawag bilang "yin at yang", maraming mga likas na kadalawahan (halimbawa na ang babae at lalaki, dilim at liwanag, mababa at mataas, lamig at init, tubig at apoy, atbp.), ay iniisip bilang isang pagpapahayag na pisikal ng diwa ng yin-yang, ay ginagamit upang ilarawan ang tila mga puwersang nagbabaligtaran o nagsasalungatan ay mayroong pagkakaugnayan at magkasalalay o magkatuang sa likas na mundo; at, kung paano paano sila nakapagpapalitaw o nakapagpapabangon ng isa't isa habang nakikipag-ugnayan sila sa kanilang mga sarili. Ang diwa ay nakahimlay sa mga pinagmulan ng maraming mga sangay ng klasikal na mga agham at pilosopiyang Intsik, pati na sa pagiging isang pangunahing gabay sa tradisyunal na panggagamot ng mga Intsik,[1] at isang panggitnang prinsipyo ng iba't ibang mga anyo ng sining ng pakikipaglaban at ehersiyo ng mga Intsik, katulad ng baguazhang, taijiquan (t'ai chi), at qigong (Chi Kung) at ng I Ching.

Ang yin at yang ay talagang mga puwersa o lakas na magkasukat o tumutulong (komplementaryo) sa isa't isa -- hindi naglalabanan -- na nag-uugnayan o nagtutugunan upang makabuo ng isang buo na mas malakas kaysa sa magkahiwalay na bahagi; bilang epekto, ito ay isang masiglang sistema. Ang bawat bagay ay mayroong mga aspekto ng yin at ng yang (halimbawa, ang anino ay hindi maaaring lumitaw kung walang liwanag). Ang kahit na alin sa dalawang pangunahing mga aspekto ay maaaring lumitaw na mas mas malakas sa loob ng isang partikular na bagay, na nakabatay sa saligan ng pagmamasid. Ang konsepto ng yin at yang ay madalas na sinasagisag ng sari-saring mga anyo ng simbolong Taijitu, na marahil ay ang pinaka nakikilalang sagisag sa mga kulturang Kanluranin.

Mayroong persepsiyon (natatangi na sa Kanluraning Mundo) na ang yin at yang ay katumbas ng kasamaan at ng kabutihan. Subalit, sa metapisikang Daoista, ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama at iba pang mga paghahatol na dikotomo (paghihiwalay ng dalawang mga bahagi ng isang kabuoan) ay perseptuwal (batay sa pandama) at hindi totoo; kung kaya't ang yin-yang ay isang hindi mahahati o hindi mapaghihiwalay na kabuoan. Samantala, sa etika ng Konpusyanismo naman, pinaka namumukod-tangi na ang pilosopiya ni Dong Zhongshu, (c. ika-2 daantaon BCE), isang sukatang moral o dimensiyong pangmoralidad ang ikinabit sa ideya ng yin-yang.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Porkert (1974). The Theoretical Foundations of Chinese Medicine. MIT Press. ISBN 0-262-16058-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Taylor Latener, Rodney Leon (2005). The Illustrated Encyclopedia of Confucianism, Vol. 2. New York: Rosen Publishing Group. p. 869. ISBN 978-0-8239-4079-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)