Ang Yo-yo ay isang tanyag na laruan sa Pilipinas. Hindi lamang mga bata ang naglalaro nito pati na rin matatanda. Mapahanggang ngayon, ang yo-yo ay nanatiling kinagigiliwan ng mga bata.

Ugat ng Yo-yo

baguhin

Ayon sa mg experto at ilang mga artikulo ukol sa pinagmulan ng yo-yo, ang larong ito ay ang isa sa mga pinakalumang laruan sa kasaysayan ng mundo. Nagmula ang yo-yo sa Gresya noong 500 B.C. na kung saan gawa ito sa kahoy, metal, at pinturahang mga "cotta disc." Pinipinturahan ng mga taga-Gresya ang dawalang bahagi ng yo-yo ng mga mukha ng kanilang mga diyos. Napapaloob din ang laruan na ito sa kanilang tradisyon bilang "right of passage" patungo sa pagkabinata. Ang mga batang lalake ay isisantabi nila ang kanilang mga yo-yo kapag narating na nila ang pagkabinata at inilalagay nila ito sa altar. Maging sa mga sinaunang larawan sa Ehipto, makikita ang yo-yo. Ayon sa mga makasaysayang artikulo, ang yo-yo ay ginamit ng mga Pilipino noong 1600 para sa panghuhuli ng mga hayop. Ang Pilipino noon ay nagtatago sa mga puno at gamit ang bato na tinalian ng mahabang lubid na hanggang 20 talampakan. Ang sandatang ito ay may abilidad na inihahagis at bumabalik ng ilang beses. At di kalaunay naging laruan na kinahiligan ng mga bata. Ayon sa ilang mga eksperto, ang salitang "yo-yo" ay isang salitang tagalog na ang ibig sabihin ay "bumalik ka." Ang karamihan ng tao sa Estados Unidos ay naglalaro ng tinatawag nilang "bandalore" na galing pa sa bansang britanya noong 1860. Si Pedro Flores, isang Pilipinong imigrante sa America ay nagtayo ng pagawaan gamit ang pangalang "yo-yo." Nang mabili ng Donald Duncan Sr. ang pagawaan ni Flores noon 1929 nakita niya ang potensyal ng laruan na magiging patok ito sa mga mamimili.

Ang paglalaro

baguhin

Ang mga manlalaro ay magpapatigasin ng galing sa kanilang abilidad na manipulahin ang laruan. Dapat magawa nila ang ibat ibang mga galaw ng laruan.

  • Ang una ay ang "walking the dog." Ang mga manlalaro ay kinakailangan mapasagi nila ang yo-yo sa lupa at pabalik sa kamay.
  • Pangalawa, ay ang "patulugin." Ito ay ang pagpihit sa yo-yo pababa at hinahayaang hindi ito gumalaw sa posisyon habang umiikot.
  • Pangatlo, ay ang "duyan." Ito ang pagpihit ng yo-yo sa dulo ng tali at sa gitna ng tali ay hahawakan ito ng manlalaro gamit ang kanyang hinlalake. Ipipihit niya ang yo-yo pataas hanggan sa makabuo siya ng triangulo na porma na ang yo-yo ay dumuduyan ng kaliwa't kanan sa gitna.
  • Ang panghuli ay ang "around the world." Ito ay ang pagpihit ng yoyo mula sa baba hanggang sa ibabaw ng ulo paikot. Ang mga manlalaro ay dapat makumpleto ang mga pormang ito uliting muli. Pagmaynagkamali ay maghahanap ng bagong katunggali ang nanalo.

Kulturang Pinoy

baguhin

Ang mga batang Pilipino na nakatira sa mga probinsiya ay sinasabing gumagawa ng sarili nilang yo-yo.

Ang kailangan lamang nila ay isang maliit na kutsilyo, bolo, lagari at isang sanga ng puno. Ang mga batang ito nakatalagang mag-alaga ng hayop ay dinadala ang mga kagamitan para sa paggawa ng yo-yo at habang sila ay nagpapahinga sa ilalim ng puno ay binubuo nila ang laruan.

Mga sanggunian

baguhin

Lopez, Mellie Leandicho. A Study of Philippine Games. University of the Philippines Press: Quezon City, 2001

Mga kawing panlabas

baguhin