Yoon Eun-hye
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Yoon.
Si Yoon Eun-Hye (ipinanganak Oktubre 3, 1984) ay isang artista, direktor, mang-aawit, modelo, at tagapaglibang mula sa bansang Timog Korea. Unang lumabas si Yoon Eun-hye sa industriya ng paglilibang bilang kasapi ng Baby V.O.X sa gulang na labing-lima, na pinalitan ang dating miyembro na si Lee Gai noong 1999. Siya ay naging sub-vocal ng pangkat.[2]
Yoon Eun-hye | |
---|---|
Kapanganakan | |
Nagtapos | Kyung Hee Cyber University Chung-Ang University[1] |
Trabaho | |
Aktibong taon | 1998–kasalukuyan |
Ahente | J Army entertainment |
Tangkad | 1.69 |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 윤은혜 |
Hanja | 尹恩惠 |
Binagong Romanisasyon | Yun Eun-hye |
McCune–Reischauer | Yun Ŭnhye |
Noong 2006, unang lumabas sa pag-arte si Yoon sa romantikong komedya na Princess Hours. May mga tagahanga ng palabas ang inusisa ang kakayahan ni Yoon sa pag-arte at nag-petisyon laban sa kanyang pagiging pangunahing bida at hiniling na palitan siya.[3] Sa kabila ng kontrobersiya, naging matagumpay ang Princess Hours sa ibayong Asya at nagdulot kay Yoon na maging bituing Hallyu.[4][5]
Noong 2007, naging pangunahing bida si Yoon sa Koreanovela ng MBC na Coffee Prince. Gumanap siya bilang tomboy na napagkamalang lalaki ng kanyang tagapag-empleyo.[6] Isa uling tagumpay kay Yoon ang seryeng iyong, na pinuri ng mga kritiko ang pagganap niya sa karakter.[7] Sa ika-44 na Baeksang Arts Awards, nanalo siya bilang ang Pinakamahusay na Aktres, ang pinakabatang nakatanggap na parangal na iyon.[8] Dahil sa tagumpay niya sa Coffee Prince at Princess Hours, si Yoon ang naging isa sa mga mataas na binabayarang aktres sa industriya.[9]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Yoon Eun-hye to go to grad school". Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 14 Marso 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "윤은혜, 베이비복스 막내에서 브라운관 톱스타로". The Daily (sa wikang Koreano). 16 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Female singers' soap roles provoke viewer anger". Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 2005.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Princess Hours (Goong)". Visit Korea (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-20. Nakuha noong 2017-08-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "10 Hallyu Stars". The Korea Times (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Yoon Eun-hye Goes From Girl Group to Boy Actor". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 8 Agosto 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Interview with Yoon Eun-hye, who played the role of Koh Eun-chan in Coffee Prince". MBC Global Media (sa wikang Ingles). 27 Hunyo 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "윤은혜 "받아도 되는지 모르겠다"...최우수상 받자 눈물 철철". My Daily (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2007-09-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "10 Hallyu Stars". The Korea Times (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)