Yoruba

(Idinirekta mula sa Yoruba people)

Ang mga taong Yoruba (Yorùbá sa ortograpiyang Yoruba) ay isang pangkat etniko sa Kanlurang Aprika. Ang mga Yoruba ay binubuo ng halos 40 milyong mga tao sa kabuoan, na pangunahing matatagpuan sa Nigeria, kung saan binubuo nila ang humigit-kumulang sa 21% ng populasyon nito o humigit-kumulang sa 35 mga milyon noong 2012,[1] na nakagawa sa kanila bilang isa sa pinakamalaking mga pangkat etniko sa Aprikang Sub-Saharano (sa piling ng mga Akan, ng mga Hausa-Fulani at ng mga Igbo). Ang karamihan sa mga Yoruba ay nagsasalita ng wikang Yoruba (Yoruba: èdèe Yorùbá).

Ang tribong Yoruba ay nakikisalo sa mga hangganan ng mga Borgu (na tinatawag ding mga "Baruba" o mga "Borgawa") sa hilagang-kanluran; ng mga Nupe (na tinatawag ng mga Yoruba bilang mga "Tapa") at mga Ebira sa hilaga; at ng mga Edo, ng mga Esan, at ng mga Afemai sa timog-silangan. Ang mga Igala at iba pang kaugnay na mga pangkat ay matatagpuan sa hilagang-silangan, at ang mga Egun, mga Fon, at iba pa na nasa timog-kanluran. Ang mga Itsekiri na naninirahan sa hilagang-kanluran ng delta ng Niger ay malapit na may kaugnayan sa mga Yoruba subalit nagpapanatili ng isang namumukod na katauhang pangkultura. Habang ang karamihan sa mga Yoruba ay naninirahan sa kanlurang Nigeria, marami ring mga katutubong pamayanang Yoruba sa Republika ng Benin. Ang maihahambing na dami ng mga pamayanan na dulot ng diyasporang Yoruba ay matatagpuan sa Estados Unidos at sa Nagkakaisang Kaharian.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nigeria Naka-arkibo 2020-08-31 sa Wayback Machine. at CIA World Factbook: "Yoruba 21%" out of a population of 170.1 million (2012 estimate).

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika at Nigeria ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.