Zenmai Zamurai
Ang Zenmai Zamurai (Hapones: ぜんまいざむらい, lit. 'Samurai na may Pihitan') ay isang pambatang teleseryeng anime mula sa Hapón na ginawa ng tambalang Momoko Maruyama at Ryoutarou Kuwamoto sa ilalim ng pangalang m&k at prinodyus ng A-1 Pictures at Noside. Una itong ipinalabas sa NHK E mula Abril 2006 hanggang Pebrero 2009, at nagkaroon ng 215 episode na hinati sa tatlong season. Tipikal na limang minuto ang haba ng bawat episode nito. Simula sa ikalawang season nito, nagkaroon din ng mga episode na may sampung minutong haba. Umiikot ang kuwento ng serye sa titular na karakter nito, na naatasan ng Diyos ng Suwerte na labanan ang mga masasamang tao gamit ang kanyang espadang gawa sa dango, isang tradisyonal na panghimagas sa Hapon, bilang kapalit ng pagbuhay nito muli sa kanya.
Zenmai Zamurai | |
ぜんまいざむらい | |
---|---|
Dyanra | Pambata |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Tetsuo Yasumi |
Prodyuser | Akira Yoshizawa Masuo Ueda |
Musika | Jun Miyake SUN.SALT&TIME |
Estudyo | A-1 Pictures Noside |
Inere sa | NHK E |
Takbo | 3 Abril 2006 – 6 Pebrero 2009 |
Bilang | 215 + 4 SP |
Kuwento
baguhinNakasentro ang kuwento sa lungsod ng Karakuri Oedo (lit. na 'Edo na may Pihitan'), isang alternatibong paglalarawan sa Tokyo kung hindi naganap ang modernisasyon noong panahong Meiji. Mahilig si Zennosuke sa dango, na umabot sa puntong nagnakaw siya nito mula sa isang tindahan. Nahulog siya sa isang balon at namatay. Binuhay siya ng diyos ng suwerte, at nilagay ang isang pihitan sa ulo niya. Kung pipihit ito, mamamatay si Zennosuke. Para mapigilan ito, kailangan niyang gumawa ng mga mabubuting gawain. Sinabi ng diyos kay Zennosuke na kung makakagawa siya ng 108 mabubuting gawain, makakalaya na siya mula sa kanya at makakabalik na siya sa pagiging tao. Binigay ng diyos sa kanya ang isang espadang gawa sa dango, at naging si Zenmai Zamurai. Ginagamit niya ang espada sa pamamagitan ng pagbigay sa mga masasamang tao ng dango na mula sa espada. Kapag kinain nila ito, nagiging masaya at mabait sila, nagsisisi sa mga masasamang ginawa nila, at nagiging mga mabubuting tao.[1]
Tauhan
baguhin- Zenmai Zamurai (ぜんまいざむらい)
- Boses ni: Akiko Suzuki[2]
- Ang bida ng serye. Orihinal na kilala bilang si Zennosuke (ぜんのすけ), mahilig siya sa dango. Isang araw, nagnakaw siya ng dango sa isang tindahan, at habang patakas, nahulog siya sa isang balon na ikinamatay niya. Gayunpaman, binuhay siya ng diyos ng suwerte, na may kondisyon. Ang pihitan niya sa ulo ay iikot kung gagawa siya ng masama. Mapipigilan niya lang ito kung gagawa siya ng mga mabubuting bagay. Dala-dala niya ang isang espadang gawa sa dango, na binigay sa kanya ng diyos, na ginagamit niya upang gawing mabubuti ang mga masasamang tao.
- Mamemaru (豆丸)
- Boses ni: Eriko Kawasaki[2]
- Isang ninja na kaibigan ni Zenmai Zamurai.
- Zukin-chan (ずきんちゃん)
- Boses ni: Megumi Nasu[2]
- Babaeng may suot-suot na hood upang maitago ang kanyang makapal na buhok. May gusto si Zenmai Zamurai sa kanya.
- Lola ng Tindahan ng Dango (だんごやおばば)
- Boses ni: Masako Nozawa[2]
- Ang lola na nagbabantay sa isang tindahan ng mga dango.
- Namezaemon (なめざえもん)
- Boses ni: Akio Suyama[2]
- Ang kontrabida ng serye. Arogante at makasarili, dala-dala niya ang isang espadang gumagawa ng mga gintong barya. Naniniwala siya na walang hindi mabibili ng pera.
- Cha-jiji (茶じじ)
- Boses ni: Seizou Katou[2]
- Ang lolo ni Zukin-chan. Kontra sa kanyang itsura, malumanay ang kanyang pagkatao, at itinuturing siya ni Zenmai Zamurai bilang isang guro dahil sa pagkakapareho niya sa unang guro niya.
- Diyos ng Suwerte (大福の神)
- Boses ni: Junpei Takiguchi[2]
- Siya ang bumuhay kay Zennosuke na may kondisyon. Pa-rap siya kung magsalita.
- Ate Kamichiyo (かみちよねーさん)
- Boses ni: Chie Koujiro[2]
- Isang magandang babae na hinahangaan ng kalalakihan.
- Misteryosong Lalaking Nakatakip (謎の天蓋男)
- Boses ni: Takashi Kondou[2]
- Isang misteryosong lalaki na may suot-suot na basket sa ulo palagi. Siya ang mensahero ng diyos ng suwerte, at palaging nagbabantay kay Zenmai Zamurai at nagkukumpirma sa mga magagandang ginawa nito.
- Kabayang Pierre (町人ピエール)
- Boses ni: Jun'ichi Kanemaru[2]
- Isang banyaga na nagtatrabaho bilang isang guro ng wikang Ingles sa bansa. Marunong siyang magsalita ng wikang Hapones kahit na may accent siya; gayunpaman, popular pa rin siya sa kababaihan.
- Inspektor Akutori (あくとり代官)
- Boses ni: Ryuusuke Ōbayashi[2]
- May-ari ng Akutori-tei, isang restawran na naghahain ng nabe. Itinatag niya ang restawran upang labanan ang kasamaan, at makapaghain ng mga masasarap na nabe sa sangkatauhan.
- Prinsesa Wataame (わたあめひめ)
- Boses ni: Kaori Nazuka[2]
- Ang batang pamangkin ng diyos ng suwerte. Kaya niyang magmahika at gumawa ng mga ulap upang sakyan at makalipad sa himpapawid.
Midya
baguhinAnime
baguhinNanggaling ang ideya ng Zenmai Zamurai mula kina Momoko Maruyama at Ryoutarou Kuwamoto, sa ilalim ng pangalang pantambalan na m&k . Si Tetsuo Yasumi ang nagdirek sa serye, samantalang si Kazumi Nonaka ang punong direktor nito. Si Noriko Akiho ang nagdisenyo sa mga karakter, samantalang sina Jun Miyake at SUN.SALT&TIME naman ang namahala sa musika. Ang animasyon nito ay prinodyus ng A-1 Pictures, ang kanilang pinakaunang gawa simula noong itinatag sila noong 2005. Tumulong din sa produksiyon ang Noside . Ang pambungad na tema ng serye ay "Zenmai Zamurai no Uta" (Hapones: ぜんまいざむらいのうた, lit. 'Ang Awit ni Zenmai Zamurai') na kinanta ni Chaka . Dalawang kanta naman ang ginamit bilang pangwakas na tema nito: "Zenmai na Jinsei" (Hapones: ぜんまいな人生, lit. 'Mala-kuwerdas na Buhay') na kinanta ni Kyoko Katsunuma, at "Zenmai Chacha" (Hapones: ぜんまいチャチャ) na kinanta naman ni Yukiji.[2][3]
Sanggunian
baguhin- ↑ "What's Cool: Zenmai Zamurai" [Anong Astig: Zenmai Zamurai]. Kids Web Japan (sa wikang Ingles). Setyembre 2007. Nakuha noong 6 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 "Zenmai Zamurai to wa?" ぜんまいざむらいとは? [Ano ang Zenmai Zamurai?] (sa wikang Hapones). Nakuha noong 6 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "DVD & CD". ぜんまいざむらい (sa wikang Hapones). Nakuha noong 6 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Link sa labas
baguhin- Zenmai Zamurai (anime) sa ensiklopedya ng Anime News Network (sa wikang Ingles)
- Opisyal na website (sa wikang Hapon)