Štrukli
Ang Štrukli, Štruklji, o Zagorski štrukli (Ingles: Strukli[1]), o Istrukli sa pagsasalin, ay isang tradisyunal na lutuin sa Hilagang Kroasya.[1] Inihahain ito sa karamihan ng mga tahanan sa kahabaan ng Zagorje and Zagreb.[2]
Mga uri
baguhinMayroong dalawang mga uri ng Štrukli. Isa ang tinatawag na Kuhani Štrukli (pinakuluang Štrukli). Ang isa pa ay ang tinatawag na Peceni Štrukli (itinapay o hinurnong Štrukli) o payak na Štrukli lamang.[2]
Paggawa ng Štrukli
baguhinMagkakatulad ang pagluluto ng anumang uri ng Štrukli. Iginugulong ng palapad ang hinurno o niluto sa pugon na masa ng harina (tinatawag na "empanada" o "pastelerya" ang produktong ito) at pinaninipis upang matakpan ang ibabaw ng hapag o mesa. Ikinakalat ng manipis sa kahabaan ng pastelerya ang pinaghalo nang kesong puti (kilala rin bilang kusilyo; curd cheese[1] o cottage cheese sa Ingles) na may itlog, krema maasim, at asin. Pagkatapos nito, binabalumbong pahaba sa magkabilang gilid ang pastelerya upang maging pinagdugtong na mga pagulong, at sa huli ay hinahating may habang 10 hanggang 20 mga sentimetro.[2]
Para sa Peceni Štrukli, inilalagay ang mahahabang mga pagulong na ito sa isang hurnuhang bandehado, na walang pakundangang tinakpan ng buu-buo o pinamuong krema, at hinuhurno sa tagal na nasa bandang 45 mga minuto hanggang sa maging bahagyang kayumanggi sa ibabaw.[2]
Para sa Kuhani Štrukli, nagpapakulo ng tubig at inilalagay ang mga piraso ng Štrukli sa banga o lutuan. Piniprito ang sibuyas at perehil (kilala rin bilang petroselino) hanggang sa maging bahagyang kayumanggi, at ibinubuhos sa Kuhani Štrukli. Pagkaraan nito, pinakukuluan ang Štrukli ng umaabot sa bandang 20 mga minuto.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Strukli," The Flavours of Croatia, Croatia, Eyewitness Travel, DK, London/Bagong York, 2005/2007, pahina 237, ISBN 978-0-7566-2633-4
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Nana Agata's Štrukli Naka-arkibo 2010-06-19 sa Wayback Machine., paprenjak.co.uk